Dahil sa nakaligo na ako kanina bago kami kumain ni Miguel ang ginagawa ko ngayon ay matutulog muna habang naghihintay na matapos mag prepare siya ng sarili. Time to rest!
Nag message na rin ako kay mama na nandito ako sa apartment ni Miguel na dito ako nag stay kagabi. Baka bigla na lang nila akong hanapin kay Osang ang alam kasi siya ang kasama ko umalis. Malalagot ako sa kanya dahil hindi nito alam narito ako magpunta kagabi ng maghiwalay kami sinabi ko rin na uuwi na ako sa bahay.
Umayos ako ng higa. Hinanap ang komportableng posisyon ng paghiga para makagawa ng tulog. Inaantok na naman kasi ako kaya matutulog na muna ako habang wala pa naman siya. Mabagal din kumilos si Miguel kaya tama lang na matulog muna ako. Panay na kasi ang hikab ko. Naluluha na nga rin ang mata ko sa antok. Mabigat na ang talukap ng aking mga mata.
Deserve ko to!
I close my eyes and let myself fall asleep.
"Cheska..." narinig ko 'yon na may tumatawag sa pangalan ko.
Unti-unti ko binuksan ang mga mata ko bumungad sa akin ng mukha ni China. Nagtataka ako bakit nandito siya. Anong ginagawa niya rito? Tumingin lang ako sa kanya. Sinigurado ko kung si China talaga ang nakatayo sa harapan ko.
"Huy! Bilisan mo bumangon ka na!" may pagmamadali niyang utos sa akin.
Naguguluhan ako sa mga nangyari. Kinuskos ko pa ang magkabilang mata ko. Medyo masakit panga dahil sa pagmulat nito na masyadong maliwanag.
"CHESKA!" sigaw niya pa ulit sa akin.
Bahagya akong napapitlag dahil sa ginawa niyang pag sigaw. Ano ba ang sinisigaw niya? Wala naman akong ginagawa dahil kakagising ko lang.
Ano ba kasi ang nangyayari? Hindi ko alam at bakit ba minamadali ako ng bruha na ito.
Matalim na tingin ang ibinato ko sa kanya baka sakali na tumigil siya kasi naiinis na ako dahil ginising niya ako ngayon naman ay minamadali na pinapabangon pa. Demanding!
Nasaan na ba si Ry at hindi pa siya pinapakain? Ginugulo ang taong natutulog.
"ANO BA KASI ANG PROBLEMA MO!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na kayang pigilan ang inis.
"Kasi naman bilisan mo nakita ko kasi ang boyfriend mo may ibang kahalikang babae." bakas sa kanya habang sinasabi niya iyon ay hindi na siya mapakali.
Agad kumulo ang dugo ko at parang umangat sa aking ulo dahil sa narinig ko mula kay China.
"Saan tara samahan mo ako at bubugbugin ko ang malanding babae na iyon!" galit na galit na sabi ko.
Umalis ako sa bed.
Lumakad na siya nauuna na kaya sunod naman agad ako. Nasa likod lang niya ako. Para akong bulkan na sasabog sa galit!
Sino na naman ang babaeng kalandian ng makating lalaki na 'yon. Sumosobra na siya! Hindi na nakakatuwa ang mga pinaggagawa niya.
Nakita ko agad na nandoon nga si Miguel may ibang babae na kahalikan at ang mga kamay niya nag lulumikot na sa katawan ng babae. Hindi alintana sa mga ito na nasa labas sila at may mga taong pwedeng makakita sa kanila.
Iyak ako ng iyak dahil sa nakita kong tagpo. Galit na galit din ako! Gusto kong sugurin si Miguel.
"Hilahin mo ang babae!" utos ni China.
Lumakad ako palapit kung saan sila nandoon.
Ginawa ko naman agad hinawakan ko sa buhok tsaka ko hinila palayo mula kay Miguel pero mailayo ko siya mula dito hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
What the fvck! Ano ba ang nangyari?
Nilingon ko si China ganun din ang gulat sa kanyang mukha.
"Cheska..." may tumatawag sa pangalan ko.
Bigla akong nawala sa scene.
"Mahal..." narinig ko na banggit. I'm sure na si Miguel 'yon. Endearment namin ang mahal.
I open my eyes.
Agad na kumunot ang noo ko ng makita ko si Miguel nasa harapan ko siya ngayon.
"Ayos ka lang ba mahal?" tanong niya sa akin.
Naguguluhan pa rin ako. Bakit ganun? Ano ba ang nangyari?
"Okay lang ako mahal." sagot ko at bumangon na sa pagkakahiga.
Ang weird ng panaginip ko.
"Sure ka na okay ka lang?" ulit niyang tanong. Hinaplos niya ang aking buhok habang nakatitig sa akin.
Tumango ako at ngumiti kahit pa na naguguluhan ako ngayon. Panaginip lang pala ang lahat ng 'yon.
"Ano tapos kana?" tanong ko sa kanya.
Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya. Ayan yung favorite ko na perfume niya.
Dumikit ako sa kanya para mas maamoy ko siya.
"Mahal baka maubos naman ako nyan." biro miya pa sa akin.
Niyakap niya ako.
"Amoy lang naman damot!" kunwari tatampo ko na sabi.
Natawa lang siya sa akin.
"Pero amoy yummy ka mahal." sabi ko tsaka inamoy amoy ko pa siya.
Parang gusto ko na idikit ang ilong ko.
"Kaya nga patay na patay ka sakin kasi yummy ako," mayabang na sabi niya. "Kaya nga nag message ka agad sa akin." kwento niya.
Humiwalay ako sa yakap.
"Hoy ikaw ang kapal mo! Ako nag message sayo? Ikaw kaya feeling mo!" depensa ko sa sarili ko.
Gawa kwento talaga.
"Oo kaya grabe ka mahal. Nagpapa-cute ka nga sa'kin," seryoso niya pang sabi.
Mas lalo akong nainis. "FEELING!" inis na sabi ko.
Umalis ako sa tabi niya tsaka pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Inaasar na naman ako ni Miguel.
"Mahal." tawag niya sa akin.
Nakasunod siya. Aasarin na naman ako ng lalaking ito.
"Gutom ka na naman?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. Kumuha ako ng tubig tsaka uminom.
"Mahal huy!" pangungulit niya.
Hindi ko pa rin kasi siya pinapansin kasi naiinis ako sa kanya trippings kasi masyado kaya bahala siya.
May nakita ako biscuit doon kinuha ko 'yon. Gutom na me kaya pwede na rin ito kahit papaano. Madalas ako gutom. Doble na ang dami ng kain ko.
Then I remember— buntis pala ako.
Tiningnan ko kung anong biscuit ang nakuha ko. Ay infairness masarap pala siya. Ngayon ko lang na appreciate ang lasa nito ah. Mas gusto ko kasi ang chocolate flavors.
"Miguel!" inis na tawag ko sa pangalan niya. Bigla kasi nitong inagaw ang biscuit na kinakain ko.
"Ayaw mo kasi akong pansinin." sabi niya sa akin.
Ang epal talaga niya.
Naupo ako sa sofa. Sinundan naman niya ako roon at naupo rin.
"Magal ang pikon mo naman." paninisi ka niya sa akin.
Mas nainis ako sa kanya kaya hindi ko talaga siya pinansin.
"Sorry na mahal," panlalambing niya.
Hinalikan pa ako sa pisngi ng ilang ulit.
"Joke lang naman. Oo na ako na ang patay na patay sayo," he said trying to convince me but still mocking me.
Bumaling ako ng matalim ang tingin sa kanya. Hindi siya makuha sa tingin.
"Shut up Miguel!" saway ko sa kanya.
Bigla siyang yumakap ng mahigpit sa’kin.
“Mahal naman sorry na.” sabi niya ay hinalikhalikan pa ako sa leeg.
“Nakakainis ka naman kasi!” angil ko. Nakakapikon pag nang aasar.
Nakakagigil!
“Sorry na nga mahal bati na tayo. Tara na hinintay na tayo ng ate Mikay.” pag-aya niya sa akin.
Nalimot ko na agad na aalis pala kami para kausapin ang ate niya.
“Kinakabahan ako mahal.” pag-amin ko sa kanya.
Marahan niyang hinahaplos ang aking buhok. “Kasama mo ako tsaka mabait ang ate ko mahal. Tutulungan niya tayo para maayos sa parents mo,” he’s trying to convince me. “Para hindi ka na rin natatakot na baka sa iba pa nila malaman ang totoo. Kailan natin sasabihin kung kailan malaki na at halata na ang baby bump mo.”
May point naman siya. Pero natatakot pa rin ako hindi maalis sa akin ‘yon.
“Important mahal magkasama tayo na sabihin sa kanila at pormal kaming haharap ni ate sa magulang mo. Magiging maayos ang lahat kaya wag kana mag-alala, tara na puntahan ang ate ko.” pag-aya niya sa akin.
I’m trying to convince myself— na maging okay ang lahat. Hindi na pwedeng umurong dahil nandito na at kailangan namin panindigan ang ginawa namin.
Pareho kaming nag enjoy sa ginawa namin. Eto na ang consequence sa actions na ginawa namin.
Umalis na kami ni Miguel papunta sa bahay ng ate Mikay niya. Ito ang unang beses na makikita ko ang ate niya ng personal. Nakakausap ko lang ito sa phone, video calls lang or sa chat ganun. Kaya kinakabahan ako dahil ngayon palang kami magkikita ng personal tapos sa ganito pa na sitwasyon.
Unexpected pregnancy.
Iniisip ko pa kung paano ang graduation ko. Pero i-push ko para magka work ako at kahit maaga akong nagkaroon ng baby ay nagkaroon ako ng diploma na ibibigay sa magulang ko.
“Malapit na tayo mahal.” sabi ni Miguel.
Tahimik lang kasi ako mula pa kanina. Mula makaalis kami sa apartment hanggang sa biyahe.
Inaantok at nagugutom ako. “Mahal gusto ko ng kwek-kwek.” request ko sa kanya.
Kung ano maisip kong kainin gusto ko talaga.
“Mamaya kila ate bago tayo makarating sa bahay nila may mga madadaanan tayong street food vendors,” sabi niya.
Napangiti naman ako sa narinig kong iyon.
“Ibibili kita mamaya kahit ilan pa.”
Tumango lang ako at tumahimik na lang. nabaling ang atensyon ko sa kwek-kwek na bibilin ni Miguel. Sana masarap ang sauce.
Di na nagtagal ay bumaba na kami ng jeep at sumakay na ulit ng tricycle.
“Malapit na ba tayo?” tanong ko.
Masakit na ang pwet ko kakaupo. “Oo mahal.” maikling sagot niya.
Tinitingnan ko na lang ang mga nadadaanan namin. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya dapat tandaan ko.
Makababa kami sa tricycle. Tama nga si Miguel marami nga roon na nagtitinda ng mga street foods.
Binili niya ako ng kwek-kwek, fish ball na rin at palamig.
“Thanks mahal, ang sarap.” masaya kong sabi.
Kumakain lang ako ng kumain at inubos ang lahat ng binili niya. Pinanood niya lang ako habang kumakain.
Pumunta na kami sa bahay ng ate niya. Bigla siyang pumasok sa isang pinto. Nagulat ako at nagtaka pero sumunod rin naman ako sa kanya.
“Mahal hindi ka ba man lang kakatok?” tanong ko pa. Nagtataka ako bakit ganun lang. Pasok agad kahit na ate pa niya ang mayari ng bahay dapat kumakatok bilang paggalang.
“ATE!” sigaw ni Miguel.
Nasa loob na kasi kami. Tahimik sa loob ng bahay parang walang tao.
“ATE!” sigaw ulit niya.
Mayamaya pa ay may babaeng tumatakbo pababa ng hagdan. Agad na lumapit sa amin ni Miguel. Niyakap siya nito ng mahigpit.
“Kamusta ang kapatid ko pasaway?” tanong nito ng humiwalay sa yakap.
“Ate.” pigil niya.
Sa akin pa nahiya na mabuko lahat ng kagaguhan. Nalimot na ata niya na nahuli ko siya.
“Ate si Francheska girlfriend ko.” ipinakilala niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. “Hi, nagkausap na kami niya and kilala ko na siya.” sagot ng ate niya.
“Whatever Mikay.” sabi ni Miguel.
Bigla siya nitong binatukan dahilan para bahagya siyang mapayuko. Malakas din ang pakakabatok sa kanya. Bakas din sa mukha niya na masakit iyon.
“Ano bang kailangan mo?” tanong nito.
“We need your help,” umpisa na sabi niya.
Pinaupo muna kami ng ate niya roon. Tahimik lang ako sa tabi ni Miguel. Tinitingnan ko ang ate niya. Hindi rin ito ganun katangkad. Maputi at chubby ang pangangatawan niya pero makinis ang balat.
Sabi ko nga na ngayon ko palang ito nakita ng personal.
Mukha pala talaga itong maldita pero mas maldita ako hindi ako papatalo.
“Anong tulong ba?” tanong nito sa kanya. Seryoso na ito habang nakatingin sa akin.
“Samahan mo kami sa kanila para kausapin ang magulang niya,” diretso na sabi ni Miguel.
“Anong gagawin natin sa bahay nila?” takang tanong niya.
“Buntis na kasi siya.” biglang sabi niya.
“Ganun ba? So for formality lang ganun? Anong plano mo ngayon Miguel?” sunod sunod ang mga tanong nito.
“Tulungan mo muna kami!” demanding na sabi niya.
“Okay fine! just do some plans.” pagpayag nito.
“Thanks Mikay!” nakangiting sabi ni Miguel.
“Ate ang tawag mo sa akin Miguel!” reklamo nito sa kanya.
I think wala pang maayos na plano si Miguel sa ngayon. Dahil sa sagot pa lang niya sa ate niya ay ganun.
“Kailangan mo ng maayos na plans. Hindi madali ang magkaroon ng anak, kailangan niyong maging handa.” paalala pa ng ate niya.
“Kumain na ba kayo?” tanong niya sa amin.
Tumango lang kami bilang sagot. “Okay. Pero ngayon tanong ko lang kailan tayo pupunta sa house ng parents mo Cheska?” sa akin siya nagtatanong.
“Ngayon daw po sabi ni Miguel.” sagot ko. Dahil iyon ang plano. Maayos ‘yon ngayon na masabi at malaman ng magulang ko ang totoo
“Maybe dinner time.” sabi ni ate Mikay.
Nag stay na kami ni Miguel hanggang sa dumating ang oras na pupunta na kami sa bahay namin kasama ang ate niya.