Matapos ang breakfast namin ni Miguel ay pupuntahan namin ang ate niya. Ang plano kasi niya ay sasama namin ang ate niya sa pakikipag-usap sa magulang ko. Para mas maging maayos ang takbo ng usapan. Nasa edad na kaming pareho. “Mahal naliligo ka ba?” tanong niya sa akin. Nilingon ko siya. Paano ako maliligo kung wala akong kahit anong dala. Naiwan ko pala ang spare na toothbrush ko rito. Parang nang aasar pa siya. “Wala akong damit,” sagot ko ng naka poker face. Tinawanan lang niya ako. “Mas gusto ko na wala kang suot na damit,” pilyo niyang sagot. Agad akong naghanap ng maaring ibato sa kanya. Naabot ng aking mga kamay ang throw pillows sa tabi ko. “Mahal nagsabi lang naman ako ng totoo,” hindi pa rin nawala ang pilyong ngiti sa kanyang labi. “Miguel alam mo nabuntis mo na ako!”

