Nagising ako ng umaga na iyon na kumakalam ang sikmura sa gutom. Nagmulat ako ng mga mata agad na hinanap ng mata ko ang lalaking katabi ko matulog kagabi ngunit wala na siya sa tabi ko. Agad na sumama ang timpla ng mood ko. Saan na kaya nagpunta ang lalaki na ‘yon. Tulog pa ako wala na agad sa tabi ko hindi ako binantayan.
Hinayupak talaga.
“MIGUEL!!” sigaw na tawag ko sa pangalan niya.
Muli ko pa sana isisigaw ang pangalan niya ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Nakakunot ang noo ko, salubong ang kilay ko.
Nakatingin siya sa akin at sinusuri kung bakit ako bigla na lang sumisigaw ng ganun ka lakas.
“Mahal ano ang nangyari sayo?” nag-aalala niya na tanong sa akin. Hinihingal pa ito habang tinanong ako.
Napangiti ako ng makita ko siya. Hindi ko alam pero talagang natuwa ako, mabilis na nagbago ang mood ko ng makita ko si Miguel.
Ang ginawa ko ay tumayo at agad na lumapit sa kanya para yumakap. Mahigpit ang ginawa kong pagyakap sa kanya.
“Mahal bakit?” tanong niya pa ulit.
Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. Napangiti ako ng maramdaman ko na niyakap niya na rin ang braso niya sa katawan ko.
Pilit niya akong nilalayo sa kanya.
“Ayaw!” tutol ko. Kumapit pa ako ng mas mahigpit sa kanya.
“Mahal baka masunog ang niluluto ko,” sabi niya tsaka ako bahagyang nilayo sa kanya.
Nakatingin siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ganito ang nararamdaman ko.
“Mahal bakit?” tanong niya.
“Anong nangyayari sayo?” nag-aalala siya bakas.
“Anong masakit sabihin mo?” natataranta na siya habang tinatanong ako.
“Mahal bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
Niyakap na niya ako ulit ng mahigpit at hinahagod ng marahan ang likod ko.
“Tahan na mahal, shhhh.”
Agad naman ako napangiti na lang sa aking sarili. VICTORY!!
Sarap sa feeling na ganito siya sa akin na nag-aalala siya sa nararamdaman ko na tinanong niya ako kung ayos lang ba ako. Masama ba na hilingin ko na sana ganito na lang siya lagi sa akin.
Mas nararamdaman ko na mahal niya ako at mahalaga kami ng magiging baby namin sa kanya.
“Mahal bumaba na tayo at nagluluto na ako ng breakfast natin alam kong gutom kana kasi kaunti lang ang kinakin mo kagabi panay ka lang kasi kwento,” aya niya.
Sandali lang na humiwalay ako sa kanya. Yumakap ako ulit sa kanya mula sa likod.
“Mahal..” paglalambing kong tawag sa kanya.
“Hmmm?” tanong niya.
Hinalikan ko siya sa pisngi. Ngumiti naman siya sa ginawa kong iyon.
“Aba naglalambing na naman ang mahal ko ah,” nakangiti siya sa akin at tinataas baba ang kilay. “Anong gusto ng mahal ko?” tanong niya.
Ngumiti ako. “Wala po,” maikling sagot ko pero ang ngiti ko may sinasabi meron naman talaga akong gusto na kainin.
“Hmm ano nga mahal?” tanong niya.
“Wala po,” sagot ko at umiling-iling pa.
“Alam ko na meron ano ba ‘yon?” pamimilit niya na tanong.
“Gusto ng hmm… huminto ako at kunwari pa’y nag-iisip ng gusto egg na malasado yung red,” nakangiti ako habang sinasabi ‘yon isa sa cravings ko.
“Ayon na nga sabi na may gusto ka mahal.” sabi niya.
Hinawakan niya ako kamay at inalis niya iyon sa pagkakayakap, pinaupo niya ako sa upuan sa tapat ng dining table.
“Maupo ka lang muna at pagluluto na kita,” bilin niya ng nakangiti sa akin.
Feeling ko ang ganda-ganda ko habang nakatingin sa mata ko.
“Mahal bakit ang gwapo mo?” tanong ko pa.
“Nambola ka pa,” sabi niya.
I pout my lips on him. Napapikit ako ng bigla niyang nilapat ang labi niya sa labi ko. Pinalalim ang halik niya mabagal ang bawat galaw ng labi namin na sabay na tinutugunan ang bawat isa.
I place my arms around his neck.
“Hmmm…” ungol ko ng bahagya niyang kinagat ang ibaba kong labi.
Nag enjoy na ako sa halikan namin ng bigla siya lumayo ako naman itong hinabol pa ang labi niya. Nakasimangot ako ng pagbukas ng mata ko ay nakangiti siya ng pilyo sa harap ko.
Nakakainis naman siya!
Muli niya akong ginawaran ng mabilis na halik sa labi bago lumayo sa akin para magluto na ng breakfast namin ngayong umaga.
“Mahal gusto ko rin ng coffee,” request ko pa sa kanya.
Nilingon niya akong nakakunot ang noo.
“BAWAL.” mariin na sabi niya.
Lahat na lang bawal sa kanya. Marami pang alam na kung ano-ano na hindi ko na alam kung totoo ba.
“Wag na mag reklamo mahal,” sabi sabi pa ng ganyan.
Naiinis ako sa kanya kasi wala lang naman.
Nanatili na lang akong nakaupo roon nanood sa kanya habang abala siya sa pagluluto nga ng breakfast namin.
Nakaka– attract siya sa outside and looking at him right now masasabi ko na talagang marami ang babae na gugustuhin na kasama siya sa paglalakad like showing him off like trophy. Ngayon nakita ko na ang other side niya na iba. Well nasa tamang babaero na ako kaya hahanap pa ba ako ng iba pang babaero. Hindi na makakaalis ang babaero na ito sa akin kasi magkakaroon na kami ng anak bubuo ng sariling pamilya.
“Mahal wag ka na kumanta sumayaw ka na lang,” tumatawa na biro ko sa kanya. Trying hard na kumanta kahit ang totoo ay dancer siya.
“Pag ikaw ang sinayawan ko dyan baka mahimatay ka sa kilig,” mayabang na sabi niya.
“Feeling ka dyan! Sarapan mo na lang ang niluluto mo.” bilin ko sa kanya.
“Mahal no need na mas masarap pa rin ako sa niluluto ko.” banat pa niya.
Kahit kailan ay hindi talaga siya titigil pag mga ganyan na ang usapan.
“Hoy! Mr. Rosales mag kape ka ng kabahan ka naman.” umiiling na sagot ko.
Tumawa lang siya. Tahimik na ako ulit na pinanood siya sa kanyang pagluluto ng pagkain.
I remember our talk last night.
Uuwi na sana ako— and I’m so hopeless like me, myself and I. Simple as that. Natatakot man ako para sa sarili ko pero mas naiisip ko ang magiging lagay ng anak ko. Hindin hindi ko na isip na tanggalin siya. Na alam kong kakayanin ko kasama naman ang magulang ko na kahit galit sila o disappointed sa mga ginawa kong desisyon ay hindi pa rin nila ako hahayaan nalang basta.
Natatakot ako na sabihin pa sa pamilya ko. Alam kong magagalit sila sa desisyon kong ito. Mahal ko si Miguel pero hindi maalis sa akin ang takot na baka hindi nila kami matanggap ni Miguel. Mahal ko rin ang pamilya ko at mas hindi ko kaya na mawala sila sa akin. Pero pag hindi ko pa sinabi ay nahihirapan na talaga ako dahil nagtatago ako na baka sa iba pang tao malaman.
They are my family.
Pero si Miguel— iyon ang unang beses na nakita ko na ganun siya. He was about to cry. Iiwanan ko na siya at hindi na papakita. He please me na manatili at sabay namin na sasabihin sa pamilya ko na magkakaroon na kami ng anak. Bubuo na kami ng pamilya.
“Mahal gusto ko na kasama kayo ng magiging baby natin nandoon ako sa lahat ng important moment sa buhay niya habang lumalaki siya.”
Isang linya na sinabi niya na nakapagpabago ng desisyon ko kagabi.
Sa aking nakikita na willing naman siya. Sabi pa niya ay pananagutan na niya ako at ang baby namin, na siya na ang bahala na mag-alaga at promotekta sa amin mag-ina.
Malaki ang naging epekto ng mga iyon sa akin kaya pinili ko na sumama sa kanya dito sa apartment at bigyan ng chance baka ito na ‘yon. Mas magiging responsable na siya kasi tatay na, uunahin na niya ang kapakanan ko at ng magiging anak namin higit sa kahit ano. Ako na ang first priority niya.
I will get what I deserve from him.
He has a reason to change because of our child.
Umaasa ako na baka ito na nga ‘yon. Nagtitiwala ako na mangyayari dahil sasamahan ko siya at iintindihin.
“Mahal kakain na!” malakas na sabi ni Miguel.
Maingay na naman siya. Masyadong energetic ngayong umaga. Tumayo ako para maghugas ng kamay dahil sabi ay kakain na kami ng breakfast.
Bumalik na ako sa upuan ko kanina. Nakaready na lahat ng pagkain sa table. Inaasikaso talaga ako ng sobra ni Miguel.
“Ang sweet naman ng asawa mo,” bati ko pa sa kanya habang abala sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.
Agad na baling ang tingin niya sa akin saking tinuran na iyon.
“Ano ulit sabi mo?” tanong niya.
Ngumiti lang ako ng malapad at umiling sa kanya, pagtanggi na ulitin ang sinabi ko.
“Wag kang kiligin Miguel,” pang aasar ko sa kanya.
“Mayabang ka masyado misis ko,” iniis pa niya ako.
“Ay gaya-gaya ka dyan!” sabi ko tsaka inirapan si Miguel.
Tumawa lang siya sa sinabi kong iyon. Ayaw pa aminin na kinikilig din siya sa sinabi ko na iyon sa kanya. Kaya gumaganti ng banat.
Naupo na siya sa tabi ko. “Kumain ka na,” utos niya sa akin.
Paano ako makakakain ng maayos kung makatingin siya sa akin para akong tutunawin tapos ang lapit niya masyado sa akin.
“Hindi ka kakain?” tanong ko sa kanya.
“Mamaya na after mo na lang mahal,” sabi niya.
“Sabay na tayo,” aya ko.
Kinuha niya ang kutsara at nilagyan ng pagkain.
“Say aaah,” utos niya.
Napangiti ako sa ginawa niya. Binuka ko naman ang bibig ko para maisubo ang kutsara na nilapit na sa bibig ko.
“Hmm sarap naman ng luto mo mahal,” nakangiti ko na puri sa pagkain na niluto niya.
“Mas masarap ako mahal gusto mo ako na lang kainin mo?” pilyo na sabi niya sa akin.
“Hoy Miguel!” saway ko sa kanya.
“Kumain ka na nga mahal.”
Habang kumakain ako nagkwento lang siya ng kung ano-anong kwento na puro kalokohan lang naman niya.
“Mahal sure ka ba na sasamahan mo akong sabihin kila mama na buntis ako?” naninigurado na tanong ko.
Natatakot ako para sa amin. Kasi alam ko na magagalit sila sa mga nangyari.
“Dalawa tayo na gumawa niyan,” sabi niya at itinuro ang bandang tiyan ko. “Kaya sabay natin na haharapin ang galit ng magulang mo at nandito lang ako sa tabi mo.” he gave me assurance smile then he kiss my forehead.
“Pero mahal kasi natatakot nga ako na baka— ” hindi ko na natuloy ang susunod kong sasabihin ng inilagay niya ang hintuturo niyang daliri para mapatigil ako.
“Shh wag na magsalita basta kung ano ang mangyayari nandito lang ako para samahan ka,” he sound so sure— sa mga salita na binitawan niya.
I felt relive sa sinabi niya. Kahit paano ay nabawasan ng konti ang takot at pangamba na nararamdaman ko.
“Thank you.” sabi ko tsaka mabilis na dinampian ng halik sa labi niya.
“No need to thank me mahal.” yumakap siya sa akin.
Masaya ako kasi ganito na siya na unti-unti niya na nagpapakita na mahalaga ako para sa kanya. Sana ay tuloy tuloy na ang pagbabago ni Miguel.