CHAPTER 40

1414 Words
Natapos ang araw ng kasama ko si Osang. Umuwi ako sa bahay para sa magpahinga na dahil masakit na ang mga paa at binti ko sa kalalakad at pag-ikot sa loob ng mall. Pero hindi na muna ako umuwi sinabi ko lang kay Osang na uuwi ako para hindi siya mag-alala ang totoo ay pupuntahan ko na si Miguel to face him— sasabihin ko na sa kanya na buntis ako. Nag message ako kay mama na kasama ko si Miguel alam ko na ayaw nila rito dahil nga sa nalaman nila pero kahit ganun ay may tiwala pa rin sila sa akin. Tama lang ang desisyon ko na magdala ng jacket dahil malamig pag gabi sa labas. Mahamog pa naman ito raw ang nakaka sipon at ubo. Malapit na ako sa apartment ni Miguel. Naririnig ko na ang malakas na kantahan at tawanan sa tono ng boses ng mga ito ay parang ang kasiyahan nila ay pag-inom at pagkanta. Kaya ba hindi niya ako kinakausap dahil busy siya sa party niya rito sa apartment niya? Ang walang hiya na lalaking ito! Agad na kumulo ang dugo ko dahil sa naisip kong iyon. Mukhang totoo nga dahil nasa tapat na ako ng apartment ni Miguel. Maraming sapatos at tsinelas ang nasa ibaba ng pinto. Nagawa niya pang mag-inom know na para na akong gago panay ang message sa kanya. Ang galit na nararamdaman ko ay lumalampas na sa aking ulo. Mas lalo ko nakikita na— he don’t deserve to be a father. Napaka irresponsible at ang gago.  Basta ko nalang binuksan ang pinto. Tama nag-iinuman nga sila sa loob at nag sasaya. Hinanap agad ng mga mata ko si Miguel. Pero wala siya roon sa mga nakaupo. Lahat ng mga ‘yon ay kilala ko. Tropa ni Miguel. Walang babae kaya hindi na ako masyadong kinabahan. Pero mas nauna na naman ang mga tropa niya kaysa sa akin. Nanatili akong nakatayo. Wala akong pinapansin o tiningnan sa kanila dahil baka hindi ako makapag pigil ngayon lahat sila ang aawayin ko. Kundi dati nakakapag pigil pa ako ngayon, ewan ko na lang. Maski isa sa kanila walang gustong mag approach sa akin— they knew. Inaabangan ko lang na lumitaw si Miguel. Tuloy lang sila sa kasiyahan nila. Sa palagay ko ay kanina pa sila nag-iinom.  Disoriented na sila, maingay na rin. Lumabas na si Miguel galing sa kusina niya may dala na plato. Masayang masaya pa ang gago. Laki ng ngiti halatang enjoy na enjoy. Hinihintay ko siya na mapatingin sa akin. Focus siya sa mga tropa niya hanggang sa nakaupo na siya ay hindi niya pa rin napansin na nandoon ako nakatayo at nanonood sa kanya kung gaano siya masaya kasama ang tropa niya. Kung hindi pa siya kinalabit at sinesyasan ng katabi niya na tropa hindi pa niya malalaman na nandoon ako. Nakatingin siya sa akin. Tinaasan ko nga siya ng kilay. What now, Miguel? Mabilis pa sa alas kwatro ay nasa harapan ko na siya. “Mahal anong ginagawa mo rito?” tanong niya agad. “Bakit bawal na ba akong magpunta rito?” maldita kong balik tanong sa kanya. Sa tono ng tanong niya parang ayaw niya ako na makita na nandoon ako sa harapan niya. “Bakit nasira ko ba ang kasiyahan niyo?” tanong ko pa ulit. Ang tagal niya bago sumagot. “Ano wala ka bang mahanap na sagot dyan sa maliit mo na utak?” I can't help it. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya pero pinipigilan ko pa ang sarili ko pero pag pinilit niya pa, hindi ko na talaga alam. “Tinatanong ko lang mahal kasi gabi na,” sagot niya. Finally may nasabi rin siya sa wakas. “Alam mo ba na kahapon pa ako panay nag message sayo na kailangan natin na mag-usap?” tanong ko pa sa kanya. Ano ba ang alam ng lalaking ito.  “Siguro naman ay nabasa mo?”  may follow up question pa ulit. “Busy lang ako mahal.” sagot niya. Busy?  Saan siya busy sa mga tropa niya na kunsintidor? Natawa ako sa sinabi niyang busy siya. “Ah busy, saan ka naman busy?” ayan tanong ulit. Ginagago ata ako nitong lalaking ito. “May inaasikaso lang.” tanging sagot niya. Pansin ko na hindi siya nag explain ngayon ah. Anong meron sa kanya ngayon. “Pero ano pala ang ginagawa mo rito?” tanong niya bakas ang disgusto sa mukha niya. “May kailangan nga tayong pag-usapan Miguel.” seryoso kong sagot sa kanya. Akala niya siguro ay nagbibiro lang ako sa mga message ko sa kanya na kailangan namin mag-usap. “Alam mo bang galit ako ngayon. “ I’m informing him.  “Bakit kamo?” ako na ang nag tanong para sa kanya. “Mahal naman pwede ba na mamaya na lang?” tanong niya pa. Matalim na tingin ang ibinato ko sa kanya. “Nandyan pa sila kaya mamaya na,” pangangatwiran pa niya. Mahalaga talaga sa kanya ang tropa niyang mga kunsintidor. “So sa tingin ko hindi mo na deserve malaman ang kung anong sasabihin sayo,” kitang kita ko ang nagtataka sa mukha niya ng sabihin ko ‘yon.  “So ngayon uuwi na ako sa bahay, enjoy with your so called tropa.” paalam ko sa kanya. Tumalikod na ako at lumakad na palayo mula sa kanya. Alam kong hindi niya ako susundan kaya tuloy lang ako sa pag-alis. “Sorry anak hindi magaling pumili ang mama sa ugali,” sabi ko habang nasa ibabaw ng tiyan ko ang isa kong palad. “CHESKA!” Hindi ko pinansin ang pagtawag na ‘yon. Lagi na lang ako na set a side. Napahinto ako sa paglakad ng may humawak sa braso ko dahil ng paghinto ko. “Ano pa ba ang gusto mo!” malakas na tanong ko sa kanya. Now hindi ko na pigilan ang sarili ko. You push all the buttons Miguel. “Ano titigan mo lang ba ako kung ganun lang ang gagawin mo uuwi na ako!” inalis ko ang hawak niya sa braso ko. “Doon kana sa mga kunsintidor mong tropa magsama sama kayo!” Lumakad na ako ulit palayo kay Miguel. “Mahal saglit lang naman.” habol niya pa sa akin. Maabutan niya ako ulit ay hinawakan niya ako sa may braso. “Mamaya pag-alis nila tsaka tayo mag-usap tsaka dito ka na matulog,” pag kumbinsi niya sa akin. “Ayoko!” matigas na sagot ko. “Uuwi na ako dyan kana sa mga tropa mo!” Ang gusto niya at ako pa ang maghihintay sa kanila. Hindi ako papayag ako dapat ang top priorities dito at wala ng iba. “Sino ba ang girlfriend mo?” tanong ko sa kanya. “You need to choose wisely Miguel!” hamon ko sa kanya. Ngayon hindi na ako papayag. Ngayon pa lang dapat alam na niya kung sino ang pipiliin niya. “Sagot Miguel naghihintay ako!” malakas na sabi ko. “Bakit kailangan ko pumili?” tanong pa niya. Halatang hindi na niya alam ang gagawin. “Mahal naman.” Wala ng epekto sa akin yan hindi na gagana. “Ngayon Miguel mamili ka na!” I pressure him. Kailangan lalo na’t magkakaroon na kami ng anak kailangan niya ng ayusin ang buhay na meron siya. Ang tagal niya sumagot. Hirap na hirap siyang bitawan ang mga punyetang tropa niya. “Mahal wag naman ganito,” nagmamakaawa na siya. Pag sa tropa niya kaya niyang gawin ‘yan. “Mahirap ba?” tanong ko pa sa kanya. Sa tingin ko ay wala na pag-asa kay Miguel. Mas gusto niya ang buhay na kasama ang tropa, alak at babae. Humahaba lang ang usapan namin rito. “Wag mo na patagalin.” sabi ko. Dahil alam ko na ang magiging sagot niya sa huli. Mukhang ako na lang mag-isa ang haharap sa magulang ko para sabihin na buntis ako na magkakaroon na sila ng apo. Malas talaga ako pagpilian na ang usap lagi akong napupunta sa maling desisyon. “Bitawan mo na ako at uuwi na ako pero wag ka na umasa na makikita mo pa ako at ang magiging anak ko.” sabi ko sa kanya at ako na mismo ang nag-alis ng kamay na nakakapit sa braso ko. Mabilis akong lumakad palayo kay Miguel. Nag-uunahan na bumagsak ang mga luha na kanina pa gustong tumulo. Ang sakit ng aking dibdib parang hindi ako makahinga ng maayos.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD