Kumain kami ni Osang and we really enjoy the day. Sinulit namin ang araw na iyon na magkasama. I know na deep down her ay bothered siya sa punyeta niyang ex-boyfriend na gago. At least today kahit papaano ay na iba ang iniisip niya nalibang siya sa pag malling namin. Napadaan kami sa baby section sa Mall store kaya pasimple lang akong tumingin ng mga baby clothes. Hindi ko pa nga alam kung ano ang gender ng baby ko even– kung ilang weeks ba siya o months na. All I want is a healthy baby. Mahirap daw sabi ni mama na nagkakasakit ang bata dahil hindi raw nito masasabi kung ano ang masakit sa kanila.
“Nilalamig ka?” tanong ulit ni Osang sa akin. Nakasuot na kasi sa akin ang jacket na dala ko kanina mahirap na baka magka sipon pa ako.
Kanina ay tinanong na ako ni Osang kung nilalamig daw ba ako at isa pa niyang tanong bakit daw ako nag jacket. Malamang nilalamig ako. Anong klase na tanong ba iyon.
“Oo kaya nga nag jacket ako,” nailing na sagot ko sa kanya kasi naman ang tanong niya.
“Ready ka ah, alam mo na lamigin ka at nagdala ka na agad ng jacket.” turan pa niya.
Wala akong naging sagot doon. Tumuloy lang ako sa pagtingin ng baby clothes doon habang si Osang ay nakasunod sa akin.
“Gusto mo na ng baby?” tanong niya.
Tumingin ako sa kanya. “Oo tih gusto ko na gagawa na nga kami mamaya.” pag uurat ko sa kanya.
Dapat lagi akong ready dahil hindi ko alam baka bigla na lang ako magkasakit kawawa naman ang baby ko.
Patakbo akong lumapit sa nakita kong cute na dress. Color pink iyon na simple pero ang ganda sa paningin ko. Hindi ko alam pero tuwang tuwa ako ng makita ko iyon at ng mahawakan.
Emotions again. My baby is playing with my emotions.
“Cheska!” Sigaw ni Osang.
Nilingon ko lang siya saglit tsaka muling binalik sa dress na hawak ko ang aking atensyon.
“Baliw ka na!” sermon niya sa akin ng nasa tabi kona siya.
“Bakit ba Trinity angcute kaya!” galit din ako syempre. Ang killjoy naman kasi niya.
“Ewan ko sayo Cheska. Hindi mo naman masusuot yan kasya ba yan sayo?” Alam ko na-weirdohan na siya sa akin sa mga ginagawa ko. I’m trying to act normal pero kasi ang emotions ko ang naglalaglag sa akin.
“Wala lang ang cute lang niya pwede naman akong bumili ng aso tapos isusuot ko sa kanya.” pangangatwiran ko pa.
Binitawan ko na ang dress.
Umangkla na sa braso ni Osang tsaka siya ginaya palayo roon.
“Kain tayo ulit,” aya ko sa kanya.
Nakita ko na kakaiba ang tingin niya sa akin.
“Walang pang isang oras tayo natapos na kumain,” paalala niyang sabi sa akin. “Tapos ngayon gutom ka na?” tanong pa niya. Hindi siya makapaniwala.
“Dali na kain tayo ulit jollibee naman tayo,” pag pilit ko na kumain. Nag crave ako sa burger steak.
Hindi ako papayag na hindi ko yon makain ngayong araw. Hinila ko na siya papunta sa isang kilalang kainan para mas lalo na wala siyang palag. Tinanong naman niya ako kung anong gusto ko order. Sinabi ko ang mga cravings ko. Lahat ng iyon pinabili ko kay Osang.
Wala nagawa si Osang kung hindi ang samahan ako at kumain kami roon. Ngiting ngiti ako habang hinihintay siya na bumalik sa table na inupuan ko. Siya kasi ang pinag order ko ng food namin.
Nag cellphone lang ako. Panay ang lingon niya sa akin mula sa counter na pinilahan niya. Nginingitian ko lang siya. Alam kong pikon na pikon na yang si Osang sa akin pero hindi naman siya nagagalit agad.
Kanina kumain kami nag-check ako ng message kaso wala pa rin reply sa message ko. Hinayaan ko na lang muna siya mamaya talaga ay sadyain ko na siya sa apartment niya. Ako na gagawa ng paraan para magkausap kami dahil hindi na pwede patagalin ang bagay na ito. Hindi bobo at tanga ang magulang ko— anytime soon malalaman at malalaman nila na buntis ako.
“Huy! Tulala ka na.” puna ni Osang.
Nasa harapan na siya ng table naminn dala ang order naming food marami yon puno ang tray na hawak niya. Akala ko ba ako lang ang kakain pero marami siyang binili, hindi lang ata para sa dalawang tao yon pang-tatlo o apat na tao.
“Sarap ang dami!” excited kong sabi ng makita ko ang food. Iniba ko na lang ang usapan kasi baka mahalata niya pa.
Ang concern today ay ang food na binili ni Osang para sa amin. Tinulungan ko na siyang alisin lahat sa tray ang food namin.
“Ayan na ha baka umiyak ka pa!” kunwari pang galit.
“Yiee thanks Trinity!” masayang sabi ko.
Mukbang ata ang gagawin namin ni Osang today pero kasi craving satisfied.
After na kumain sa jollibee ay inaya ko siya na mag banyo dahil naiihi na naman ako.
“Panay panay naman ang pag-ihi mo!” komento pa niya sa pag-aya ko.
Daming na papansin ni Osang sa akin. Gusto ko sana sabihin na buntis kasi ako kaya ganyan na panay ako ihi at mabilis na akong lamigin.
Sinamahan niya rin naman ako na magbanyo. Parang pumutok na ang pantog ko pag tumagal pa na hindi ako umihi.
“Kamusta pala sila?” tanong ko kay Osang habang lumakakad kami patungo sa banyo. Nasa 2nd floor kasi ang banyo kaya kailangan pa namin na bumaba.
Nakakaramdam na ako ng pangangalay ng mga binti at paa sa kakalakad.
“Maayos naman sila busy lang din.”
Minsan lang kasi ako nakapag backread sa group chat namin kaya hindi ako updated sa mga ganap nila sa buhay.
“Buhay pa ba sila?” pabirong tanong ko.
“Gago ka oo naman mga lumalandi pa nga ih, kaya mga buhay pa ang lahat.” natawang sabi ni Osang sa akin.
Maging ako natawa sa kanya. Maharot talaga lahat ng tropa namin kaya iyon ang basehan ng lahat kung buhay pa ba ang lahat.