Mas lalo na akong nahihirapan sa sitwasyon ko kaninang umaga pagkagising ko masama na agad ang sikmura ko at panay na ang suka ko. One thing is good wala sila mama at ako na lang ang nasa bahay. Kung hindi tatanungin na naman niya ako. Malamang sa malamang alam na niya na dahil nanay na siya ilang beses na niya napagdanan. Yon ang kinatatakutan ko na baka malaman ni mama ng hindi pa alam ni Miguel, malaking gulo pag nagkataon. Kaya kailangan maunahan namin na kausapin ni Miguel ang parents ko. Ang hirap dahil suka ako ng suka at hilong hilo ako ng sobra.
Nakakapanghina.
Umakyat ako sa taas para manatili sa loob ng kwarto dahil nga sa masama ang timpla ng aking pakiramdam. Kahit ang emosyon ko ay parang pinaglalaruan. Napakahirap naman mabuntis nagsisimula pa lang pero ganito na agad paano na kaya pag lumabas na siya.
Nag cellphone lang muna ako, nilibang ang sarili. Nag message ako ulit kay Miguel pag mamaya ay wala pa siyang response sa mga messages ko ako na mismo ang pupunta sa apartment niya para makausap siya. Hindi na basta basta ang sitwasyon ngayon dahil magkakaroon na ng bata na involve sa relasyon namin. Gagawa na kami ng sarili naming pamilya.
We work it as a partner.
Para sa magiging anak namin. Mapalaki ng masaya, maayos at buo ang pamilya dahil pinalaki ako ng magulang ko ng kumpleto kaya ganun din ang gusto ko sa future family ko— magkaroon ng sariling buong pamilya.
Nagbasa na muna ako about pregnant women.
Maraming kailangan gawin lalo na sa pagkain, need ng balance diet at naglalakad lakad. Nakakapagod kaya tsaka ngayon palang na halos wala pang malaking umbok ang tiyan ko mabigat na ang katawan ko paano pa kaya pag malaki na mabigat na lalo ang katawan ko non.
Nakakita ako ng masarap na food sa f*******: feed parang gusto ko nun. Grabe talaga ang cravings ko habang tumatagal. Mukhang masarap iyon nakakapag laway siya. Ilang segundo pa ako nakatitig sa picture na iyon.
Nag message pa ako kay Miguel na dalhan niya ako ng food na gusto ko. Nag send pa ako ng pictures para alam niya ang bibilhin niya at dadalhin rito.
Parang wala naman pag-asa na mag reply siya kaya naisipan ko na ako na lang ang bibili para sa sarili ko wala akong ibang aasahan.
Bumangon na ako at humanap ng komportableng damit na susuotin. Maliligo muna ako ng mabilis lang dahil tamad na akong kumilos pa ng kumilos.
Kawawa ako iniwan ako mag-isa rito sa bahay. Hindi ko pa na check kung may pagkain na sa baba pero malabo na wala dahil pag-aalis ang mama meron siyang iniwan. Everyday na nagluluto ang mama sa umaga dahil si papa nagdadala ng foods sa work niya para makatipid.
Dala ko ang towel pati na ang damit na suot ko pagkatapos maligo.
Nilagay ko muna sa loob ng banyo ang damit ko tsaka muling bumalik sa kusina. Baka may magustuhan akong kainin doon.
Naisip ko na sana nag message ako kay Osang na tatamabay ako sa kanila. Tinatamad akong pumunta sa groupings namin. Nagpaalam ako na masama ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko rin na konti ang pupunta dahil kanya kanya ng dahilan ang bawat groupmates namin so nakisabay na rin ako. Pag konti lang ang pupunta tatamarin na silang gumawa kasi kulang kulang ang member.
Hindi ko gusto ang mga nakita kong food na niluto ni mama kaya naligo na lang ako para makaalis at mabili ang cravings ko baka magwala pa ang baby ko sa tiyan ko.
All set na ako. Waiting for Osang’s go signal. Napag-isip-isip ko na magpapasama ako sa kanya para mabili ko ang mga cravings ko.
Tumawag pa si mama tinatanong kung nasaan ako. Nagpaalam na rin ako na aalis ako kasama si Osang alam naman niya na walang class pero hindi niya alam na may mga groupings kami syempre hindi ko na sasabihin kasi pag nalaman niya pa lalong hindi papayag na umalis ako ng bahay.
Kahit anong aya nila Osang na uminom mamaya ay hindi na ako pwede hindi ko lalagay sa alanganin ang health ng baby ko. Gusto ko sa pag lumabas siya healthy at kumpleto ang lahat ng organs niya. May possibilities kasi na magkaroon ng side effect ang pag-inom ko ng alak sa kanya maging ang pag-inom ng gamot.
Nakakatakot.
Dapat ko ng ingatan ang sarili ko dahil sa bata na nasa sinapupunan ko.
Nag message na si Osang at nagbigay na ng go signal para bumiyahe na ako nagdala ako ng extra jacket baka kasi gabi na kami makauwi. Malamig sipunin pa ako.
I need to be extra careful.
Sinabi ko na kay Osang na on the way na ako, nakapag prepare naman na siya.
Lumakad na ako papunta sa kanto namin para mag-abang ng tricycle. Sumakay naman agad ako sa humito na tricycle sa harapan ko.
“Kuya sa barangay hall lang po.” sabi ko sa driver para hindi na ako panay tingin sa daan, sa mismong barangay na niya ako ibaba.
Nag cellphone muna ako. Abang na abang ako sa message ni Miguel dahil kailangan nga namin na mag-usap ng seryoso dahil sa sitwasyon ngayon.
Nag-abot ako ng bayad tsaka bumaba na. Lumakad papunta kila Osang.
“Sang dito na ako!” sigaw ko. Pumasok na ako sa loob dahil bukas naman.
Lumakad ako papasok sa loob para hanapin si Osang kung saan nandoon.
“Trinity!” sigaw ko na tawag sa pangalan niya.
Sa kusina ako nagpunta baka nandoon siya. Pagpasok ko ay sakto naman na lumabas siya sa banyo.
“Tagal mo naman,” bungad niya sa akin. “At bakit buong pangalan ko pa talaga ang sinisigaw mo sa loob ng bahay!” pagsita niya sa akin.
Tawa-tawa lang ako sa kanya inis talaga siya sa sarili niyang pangalan.
“Maganda naman ang real name mo ah,” pang aasar ko pa sa kanya. “Diba yun din ang tawag sayo ng ex mo?” tanong ko pa para mas mainis.
“Ako nga Francheska tigilan mo ako sa mga ganyan mo!” saway niya sa akin.
Lumakad na siya at iniwan na ako. Sumunod naman agad ako sa kanya pumunta siya sa living room.
“Nagugutom na ako Osang!” rekalmo ko sa kanya.
“Ano pupunta ka lang rito para makakain?” tanong niya.
“Maraming food dito sa inyo.” sagot ko pa.
Humiga ako sa mahabang sofa nila. “O bakit humiga ka diba aalis tayo?” mabilis na baling niya sa akin ng makita na higa ako roon.
Nakaramdam ako ng katamaran kaya nahiga ako.
Nakatingin sa akin Osang na parang sinusuri ang kabuuan kong katawan. Kakaiba ang mga tingin na iyon na parang may nakitang kakaiba.
“Why?” tanong ko sa kanya dahil nakaramdam ako ng kaba sa mga tingin na yon.
“Ano bang ginagawa mo ngayon?” usisa niya.
Out of nowhere— tinanong niya ako ng ganun?
Ano kaya ang napansin niya sa akin? Masyadong observant ang babaeng ito kaya minsan nakakatakot siya.
“ANO BA KASI YUN!” sigaw ko sa kanya.
Hindi na ako komportable sa tingin niya.
“Tumaba ka anong ginagawa mo tapos mukhang bloated ang tiyan mo.” sabi niya.
“Grabe naman!” inis na sabi ko sa kanya. Alam ko kasi kung bakit may tiyan na ako dahil nga sa buntis ako. Hindi ko pa naman pwede na sabihin sa kanya dahil hindi pa.
“Napansin ko lang mag exercise ka ulit bahala ka, baka maging lumbalumba ka,” pananakot pa nito.
I rolled my eyes to her.
“Sinasabihan lang kita.”
“Oo na Trinity!” kunwari na inis kong sabi.
“Tumayo ka na at aalis na tayo.” utos niya.
Masarap pa ang higa ko. Bumangon ako pero tamad akong sumandal doon. Hinihintay ko si Osang na bumaba ulit kinuha niya lang ang bag niya.
Bumalik na siya sa harap ko na bitbit ang bag niya nakatingin sa akin.
“Tara na.” aya niya sa akin.
Tamad na tamad akong tumayo. Nauuna na lumakad si Osang palabas. Inaantok na naman ako. Masyado akong naging tamad na tao.
“Bagal mo naman!” reklamo niya.
“Mabilis ka lang lumakad.” sagot ko.
Totoo naman iyon. Dahil nga sa tamad ako kaya mabagal akong humakbang ang bigat ng katawan ko kaya. Gusto ko mag reklamo kay Osang kaso nga lang hindi pwede malaman niya.
“Kamusta naman kayo ng babaero mo na jowa?” tanong niya.
“Ayos na kami.” maikling sagot ko. Alam ko kasing inis pa rin sila kay Miguel dahil sa ginawa nitong pangbabae.
Pero support pa rin naman sila sa akin kasi masaya ako. Nakikita naman nila.
“Baka pinagtatakpan mo lang ah.” sabi pa niya.
“Hindi nga magsasabi ako at magkwento sa inyo.”
Habang nasa biyahe kami ni Osang nagkwentuhan lang about random things. Buhay buhay namin matagal rin na walang bonding kasi lahat busy sa kanya kanyang hassle sa buhay.
“Ikaw ang kamusta sa work?” tanong ko.
“Sa work ko okay lang pero may punyeta na gumugulo sa akin sa working place ko,” hala sa mukha niya ang matinding inis habang binabanggit iyon.
Ano nga kaya ang ganap?
“Ha gumugulo sa working area mo?” takang tanong ko. Curiosity kills the cat– nga diba?
“My ex-boyfriend happened,” madiin at may inis sa tono ng boses. “Gusto ko na nga mag report sa police.”
Masyado na sigurong masakit sa ulo ang ex niya. “After ka niya break ganyan siya ang kapal ng mukha niya!!” inis na sabi ko. Totoo na makapal ang mukha.
“Ang tibay niya Osang!”
Triggered ako ngayon dahil sa gago na iyon!
“Mag-ingat ka sa kanya kasi baka kung anong gawin nun sayo,” paalala ko. Pag ganun kasi na despirado na nakakatakot na dapat ng mag take ng actions.
“Lagi naman akong nag-iingat.”
Hindi ko maiwasan na mag-alala para kay Osang. Ang kapal na lang talaga ng mukha ng ex niya na guluhin siya pagkatapos ng lahat ng ginawa nito na kagaguhan. Kala ko nga dati sa kasalan na ang hantong nila pero nalaman na lang namin na break na sila.
Kaya pala she looks bothered.
Kumapit ako sa braso niya. “Let’s enjoy today, pero libre mo ha.” pag cheer up ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot sa sinabi ko.