CHAPTER 37

1173 Words
Nagising na lang ako ng may malakas na pagkatok sa pinto. Naririnig ko rina ng boses ni mama na tinatawag ang pangalan ko. Antok na antok pa rin ako. Hindi ko alam kung anong oras na at ilang oras ang itinagal ng tulog ko. “Cheska.” tawag ulit ni mama. Tamad pa akong bumangon o idilat ang mga mata. Nananatili lang ako na nakapikit at nakahiga sa kama. Hindi ako kumikilos dahil wala akong plano na bumangon sa kama. Parang nadikit ang katawan ko roon. Ang bigat ng katawan kaya ayoko pa talagang bumangon sa pagkakahiga. “Anong oras na wala ka ng itutulog mamaya,” medyo may inis sa boses niya. “Puyat ka na naman!” I knew it iyon ang kasunod nun. Wala pa kasi siyang alam na panay lang ang tulog ko dahil nga sa preggy ako ngayon kaya bago na ang libangan ko ang matulog. “Cheska!” muling tawag niya sa pangalan ko. Nakakainis si mama. Antok pa ako pero pinipilit niya ako na gumising at bumangon sa pagkakahiga ko. Binuksan ko ang mga mata ko. Sa tingin ko ay madilim na.  Bumangon na ako. “Gising na ako mama kaya wag na you maingay.” malakas na sigaw ko. Naiinis ako sobra. “Bumaba ka na roon ha!” balik niyang sagot na sumigaw. Natawa ako ng bahagya dahil na inis yon sigurado ayaw na ayaw niya na sinisigawan pero madalas gawain naman niya. Ngayon tuloy naisip kong maghanap ng pwedeng kainin. Kumakalam na ang sikmura ko. Mas dumoble ang dami ng kinakain ko dahil may batang nakikisali sa pagkain. Need some healthy food. Wala pa akong alam kung ilang buwan ang tiyan ko. Sana maayos lang ang bata kasi naalala ko na panay pa ang inom ko then stress kay Miguel at sa school works ko. I pray na maayos ang lagay niya sa loob ng sinapupunan ko. Umalis ako sa ibabaw ng kama I get my phone tsaka lumakad palabas ng kwarto. Nailock ko pala ang pinto kaya hindi nakapasok si mama. Usually hindi ako nag lock kasi wala lang kaya  nga lagi akong ginugulo ni Carlota na impakta. Pagbaba ko nakita ko si Lota na nasa living room nakaupo, malakas ang sounds ng TV kung saan tutok na tutok ang bruha. Pag pinatay ko kaya ang TV iiyak kaya siya? Masyado akong natutuwa sa tuwing gagawin ko na napaiyak si Lota. mabilis siyang piyakin dahil sa pikunin siya pero hindi magpapatalo kasi maldita rin. Lalo na sa ibang bata sa labas namin. Natakam ako sa popcorn na kinakain niya kaya lumakad na ako palapit sa kanya para makahingi. Humuha ako sa platito na hawak niya. Nabaling ang tingin niya sa akin ng makita akong kumuha ay mabilis na inilayo sa akin ang hawak niyang platito na may lamang popcorn. “Hoy wag kang madamot!” sita ko agad sa kanya. Gustong gusto ko pa naman iyon dahil nga sa bigla na lang ako natakam sa itsura non. “Pumunta ka sa kusina humingi ka kay mama.” paangil niyang sabi sa akin. Kahit pa sinabi niya iyon ay hindi ako napigilan o nagkaroon ng interest doon dahil nga sa ang gusto ko ay ang mismong popcorn na kinakain ni Lota na madamot. “Ayan na lang ang akin, ikaw nalang ang kumuha ng bago.” kumbinsi ko. Inagaw ko ulit ang platito sa kanya na pilit na inilalayo mula sa akin. “Ate ano ba kasi!” inis na inis siya dahil nahihirapan na siyang ilayo sa akin malapit ko ng makuha kaya mas lalo akong nang gigil. “MAMA!” tawag na niya kay mama nagsusumbong na siya dahil hindi na alam ang gagawin niya para ilayo ang pagkain. “Akin na kasi yan, matatapon pa yan Carlota.” pagpupumilit ko. Walang gustong magpatalo sa amin na dalawa. I badly want it. “MAMA!” humingi na siya ng saklolo kay mama. “Ano ba ang gulo nyo dyan!?” narinig kong tanong ni mama. Nabitawan na ni Lota ang platito kay agad ko yon kinuha. Tumakbo na siya palapit kay mama. Feeling na aping-api siya samantalang gusto ko lang naman manghingi ng kinakain niyang popcorn. “Ano na naman ang pinag awayan niyo?” tanong pa ni mama ulit sa amin. Abala na ako sa pagkain ng popcorn na kinuha ko mula kay Lota. Hmm ang sarap talaga pag nakuha mo ang gusto mo. “Mama si ate inagaw yong popcorn ko.” sumbong niya kay mama. “Nanghihingi lang ako.” sagot ko agad. Syempre dedepensahan ko ang sarili ko sa kanya hindi ako papatalo. “Meron pa sa kusina marami pa tapos ayaw kayo ng away!” inis na sabi ni mama sa amin ni Lota. “Siya kasi mama inagaw!” hindi nagpatalo ang bruha talagang gusto ako ang idiin kay mama para ako lang ang sermonan. “Ang damot kasi ng anak mo ma.” Habang nakikipag diskusyon ako sa kanila tuloy lang ako sa pagkain ng popcorn na inagaw ko mula kay Lota. “Tigilan niyo yan naiinis na ako pagluluto ko kayo ng maraming popcorn at papakain ko sa inyo pag hindi niyo na ubos tatamaan kayo sakin dalawa!” inis na pagbabanta ni mama sa amin bago lumakad paalis. Naiwan kami ni Lota roon. She rolled her eyes at me, she even made a face at me like I care. Masaya na ako sa popcorn na nakuha ko at wala ako paki sa kanya ang gusto ko lang ay kumain non. Naupo ako sa sofa doon. Kinuha ko ang remote at hininaan ng volume ang TV then naghanap ng ibang mapapanood. “Mangaagaw mo naman!” tili ni Lota sa akin. Galit na galit siya sa akin. I don’t mind kasi nga abala ako sa pagkain at paghahanap ng mapapanood na maganda. Libang na libang ako sa palabas na nakita ko kaya hanggang sa matapos ay nakatutok pa rin ako. I really enjoy the TV show that I watch. Nag walk out na si Lota sa pikon sa akin kaya ako ang nanalo sa TV at sa popcorn. Umakyat na muna ako sa kwarto dahil tapos na ang pinanood ko. Pinatay ko na lang muna ang TV. Baba naman ako ulit mamaya kasi kakain ng hapunan. Nakalimutan ko na icheck ulit ang phone ko kasi nalibang ako sa panonood ko nakalimutan ko na ang kailangan kong gawin ngayon. Icheck my phone. But still no sign of Miguel. Nasaan na naman kaya ang lintik na yon kung kailan ko siya kailangan wala na naman. Don’t tell me— may ginagawa ulit siyang monkey business. Nako talaga wag naman magkakaroon na kami ng anak. He promise na hindi na niya uulitin ang kung anong ginawa niya. Maybe he has a valid reason why he's not responding to messages. Hinawakan ko ang tiyan ko. “Pag talaga yang tatay mo sasakalin ko.” sabi ko. Ayoko na patagalin pa dahil I need to have my first check up at para malaman ko ang lagay ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD