Questions are already answered. Kaya pala lagi kong gusto matulog at kumain ng mga weird na combination ng food. Ang iba naman ay hindi ko kinakain. Masyado rin akong naging tamad na kumilos. Kaya pala bawat araw ay mas lumalala ang cravings ko sa kung ano-anong food. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng parents ko about my pregnancy. Hindi pa ako makaka graduate agad pero kaya ko naman na pagsabayin dahil konti na lang kaya push ko na kahit anong mangyari. Sayang ang oras imbis na graduate na ako at makapag work na ay baka hindi pa matuloy.
Natatakot ako sa future ko at ng magiging anak ko.
Isa pang iniisip ko paano kung gawin ulit ni Miguel ang pang babae niya kahit pa na magkakaroon na kami ng anak. Magbabago na ba siya once he knew about my pregnancy? Another question in my head.
Nag message ako kay Miguel na kailangan namin mag-usap. Hindi lang naman ako mag-isa ang gumawa ng batang nasa sinapupunan ko. Teamwork kaya ito dapat dalawa rin kami ang haharap sa magulang ko para sabihin ang lagay ko.
Kabado rin ako sa kung anong reaksyon niya pag sinabi ko na preggy ako.
Hindi ko maiwasan na mag-alala at mag-isip sa mga susunod na mangyayari once na malaman nila. After ng malaman ko ang totoo ay hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Antok na antok ako. All I want is to sleep all day long.
Bumaba ako kanina para kumuha ng food kasi gising na ang mama kaya ng ending sabay-sabay na kami kumain. Maraming kwento si mama habang hinihintay namin si Lota na magising yon ang ginawa niya. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko habang nakaupo roon. Marami na akong pinag sinungaling kaya mama kaso this time parang unti-unti niamon ako ng guilt sasabihin ko naman sa kanila pero kailangan ko muna ng support from Miguel. Umaasa ako na sa ganito ay siya ang kasama ko. Dalawa kami ang gumawa nito kaya dapat samahan na niya ako.
“Cheska nakikinig ka ba?” pagsita niya sa akin. Napabaling ang tingin ko sa kanya na abala sa paglalagay ng pagkain sa lamesa.
“Oo naman ma,” sagot ko ba mabilis. “Hindi ko pala ma.” agad ko rin na bawi dahil sa paraan ng tingin niya.
“Napapansin ko na lagi kang lutang at wala sa sarili mo. Ano ba ang pinaggagawa mo sa buhay mo ha bata ka?” tanong niya pa tsaka lumapit sa akin. Pinakatitigan niya ako ng mabuti.
Naghahanap ako ng tamang mga salita upang buoin para pang sagot sa mama ko. Mama buntis kasi ako at hindi ko alam kung paano ko alagaan. Ganun ba dapat ang sagot sa klase tanong niya.
Having a conversation with mama now— mas lalo nadagdagan ang takot ko na baka hindi nila ako matanggap.
“Ayos ka lang ba Cheska?” tanong niya pa ulit ng walang nakuha na sagot mula sa akin. Bakas na bakas ang pag-aalala niya.
Mama, sorry. Ang tanging nasa isip ko habang tinatanong niya ako. Magtatanong pa kaya si mama ng ganyan pag nalaman na niya ang ginawa ko. Masyado kaming mapusok at hindi nag-ingat. Kampante ako na hindi agad yan mangyayari.
“Ayos lang ako mama.” tanging sagot ko sa kanya.
Hindi siya naniniwala sa sagot ko. Wala na siyang imik. Alam ko na iniisip niya pa rin ang totoong sagot. Si mama siya kilala niya ako masyado.
Kumain kami na tatlo syempre hindi mawawala ang bangayan namin ni Lota.
“Ang panget mo ate!” gigil na gigil siya sa akin kasi kinuha ko ang pula sa itlog niya wala na siyang magawa kundi ang magalit.
Pag kuha ko kasi sinubo ko sa bibig ko at pinakita ko sa kanya kung paano ako sarap na sarap na nginunguya yon.
“Ang daldal mo kasi.” puna ni mama kay Lota.
Binigyan na lang ulit siya ni mama ng bagong itlog. “Ikaw umaga na naman kaya nangaasar ka. Alam mo na pikon yang si Lota hilig na hilig mo pa na ibwisit.” sermon ni mama sa akin. Nakangiti lang ako syempre papatalo ba ako sa baboy na impakta. Ang satisfying kaya pag nakikita ko na nag-iba ang itsura ng mukha niya.
“Galit na galit pigs?” tanong ko na mapangasar. Mas mapipikon kasi siya pag tuloy tuloy ko. Konti na lang paiyak na yang si Carlota.
“Tigilan mo na ang kapatid mo Cheska!” pigil ng mama sa akin. Ako na ang goal napaiyak si Lota, tuloy lang.
Tapos na ako kumain siya hindi pa nag-isip pa ako ng ibang pang asar.
Tumayo ako dala ang plato na kinainan ko. Sinadya ko na dumaan sa likod niya para pasimple na hilahin ang buhok niya.
“ATEEEEE!” galit na galit na sigaw niya.
Time to escape now.
Umalis sa pinangyarihan ng krimen. Baka mahuli pa ni mama at mahila pa ang buhok.
“FRANCHESKA!” Kasunod na narinig ko ay ang sigaw ni mama ng pangalan ko.
Huli na dahil naka ayat na ako at nasa loob na ng kwarto. Natatawa na lang ako sa ginawa ko na iyon kay Lota. Mamaya gaganti yon sa akin panigurado.
Agad ko tiningnan phone ko para icheck kung nagreply na si Miguel. But still no sign of him. Kagabi pa ang last message update niya sa akin. Kung kailan kailangan namin na magkita dahil nga sasabihin ko na sa kanya na buntis ako doon pa biglang nawawala. I want to tell my parents kung anong na ang lagay ko na may bata ng unti-unting nabubuo sa loob ng aking katawan pero paano kung ganito wala siya at hindi.
Ayoko siyang puntahan dapat ko na siyang makausap ng maayos to know his plan with me and the baby. Naiiyak ako. Totoo pala na mas magiging extra sensitive ang pregnant women. Grabe ang changes ng moods. Mas malala pa sa pms.
Habang wala pa siya mahihiga mun ako't matutulog. Mamaya na naman siguro may reply na iyon sa paggising ko at alam ko na rin ang gagawin.