Nagmamadali akong magpalit ng damit na maayos, kailangan kong malaman kung tama ang hinala ko. I really need to know the truth— pero kasi ang mga signs na nangyayari sa akin ay lahat ng yon— pregnancy symptoms.
Meron akong boyfriend, check. Sexually active kami, check. We don’t use any protection, check and check. Kaya malakas ang kutob ko na buntis nga ako. Delayed ako hindi ko na nga halos maalala kung kailan ang huli kong dalaw. Regular ako because I’m healthy female kaya malayong hindi tama ang kutob ko na buntis nga ako ni Miguel sa lib*g ba naman ng lalaking iyon na parang magkadikit lang kami gusto na agad pumatong sa akin. Wala naman din ako na reklamo kasi I enjoy it ka g lang palag na palag— he knows na hindi pa ako makaka graduate tapos may buntis na agad na magaganap.
I don’t know how?
Having a baby is the biggest responsibility.
Kung buntis na talaga ako paano ko alagaan? Sarili ko nga minsan hindi ko na alagaan paano pa ang isang sanggol. Nakita ko kung gaano kahirap dahil malaki na ako ng ipinanganak ni mama si Lota. kaya hindi basta basta ang pagkakaroon ng anak.
Lumakad na ako pababa.
“Saan ka pupunta?” tanong ni mama.
Hindi ko siya napansin agad naka-upo pala siya roon. Nilingon ko siya bago ko siya sinagot na. “May bibilhin lang ma,” mabilis lang na sagot kasi ang kabog ng dibdib ko ay hindi na normal. “Sige na bye. Babalik din me.”
Lumakad na ako at hindi na siya hinintay na sumagot. Baka mahimatay pa ako sa harap niya sa kaba. Saan ba akong botika bibili non? Ilan kaya? Mga tatlo bilihin ko pero hindi ko alam kung magkano ang isang pregnancy test.
Dapat medyo malayo hindi ako pwede na dito lang na botika dahil baka kumalat agad na buntis ako. Hindi pa mismo sa akin manggaling kung totoo na buntis na nga ako. Sumakay ako ng tricycle para pumunta sa polo mas marami roon na botika.
Mabilis lang ako nakarating.
Nakahanap na agad ako ng botika para bilhan ng pregnancy test.
Ganito pala ang pakiramdam ng kaba, takot at hiya.
Alanganin pa ako.
Mabagal akong lumakad papasok sa loob. Ang lamig sa loob mas lalo akong naihi dala ng kaba.
“Good afternoon ano ang bibilhin mo?” tanong ng nandoon sa bungad.
Parang nawalan ako ng boses dahil nahihiya ako. Nagtatanong na ang itsura nito.
“Uhmm magkano po isang pregnancy test?” tanong ko.
“Fifty pesos isa.” nakatingin lang siya sa akin dahil hinihintay niya akong sumagot.
“Pabili po ng tatlo.” sagot ko.
Naglabas ako ng two hundred bill at inabot ko sa kanya. Hinintay ko siyang bumalik ulit para ibigay ang binibili ko.
Hindi tumagal ay bumalik na siya dala ang binibili ko.
Nagmamadali akong kunin mula sa kanya ang binili ko para maitago at makaalis na para umuwi.
I need to use these things to confirm something.
Lumakad na ako palabas.
Iba’t iba ang mga bagay at senaryo na pumasok sa aking isip ko. I am even questioning myself right now.
Nag-abang ako ng masasakyan para umuwi sa bahay.
First thing— na gagawin ko kung tama naman na talaga ang hinala ko na nagdadalang tao na nga ako. Hindi ko maisip ang mga plano na dapat kong gawin. Kasi mas nauna na ang takot sa akin. This is not really good. Stress na ako agad wala pa man ang result.
Makarating ako sa kanto namin ay nag-abot ng bayad tsaka lumabas na at lumakad palabas ng tricycle.
“Nasaan na ang binili mo?” tanong ng mama ko.
Kakapasok ko lang ng bahay ay agad akong sinalubong nito para tanungin lang ni mama kung anong binili ko.
“Ubos na ma.” maikling sagot ko bago ko siya lagpasan at lumakad paakyat muna sa kwarto.
Kailangan ko na pakalmahin ang sarili ko then act normal. Iniisip ko pa na baka nahalata agad ako ni mama sa pagpasok ko palang ng bahay. Halata atang kabado ako at may tinatago.
Nag stay lang muna ako sa kwarto nag-isip lang muna. Mamaya ko na gagamitin ang mga binili ko pag tulog na sila at tahimik na ang buong bahay.
Isasabay ko sa paligo ko mamaya ang paggamit ng pregnancy test para hindi masyadong halata. Kung magtatagal man ako sa loob.
Hinintay ko na tawagin ako para kumain bago ako bumaba. Ibinalik ko sa bulsa ko ang tatlong pregnancy test bago bumaba bitbit ko na rin ang damit ko para mamaya pangligo.
“Ang tagal mo bumaba!” bungad ni Lota.
“Pake mo.” sabi ko lang.
Lumakad ako papasok sa kusina nakahanda na ang hapunan. Nakaupo na rin si papa sa pwesto niya, si mama naman naglalagay ng pagkain sa lamesa.
Umupo na ako sa pwesto ko. Tahimik lang akong nakaupo roon habang kumakain. Ayoko muna magsalita ng magsalita kasi baka kung ano lang ang masabi ko.
“Cheska saan ka na naman galing?” tanong ng papa.
Binaling ko ang tingin ko kay papa. “Sa polo lang bumili ng pagkain kaso hindi na umabot rito.”
Tumango lang siya bilang sagot.
“Kamusta na kayo ng nobyo mo?” tanong pa niya ulit sa akin.
“Ayos lang naman po.” sagot ko. Pero ako papa hindi ako okay kasi nga natatakot ako.
“Basta ang bilin ko sayo mag-ingat ka lagi.” paalala niya pa.
“Lagi naman po and alam ko naman na pag kasama niya ako hindi naman siya gumagamit.” kahit pa ang totoo ay nakita ko na siyang sabog na sabog at kasama ko pa siya sa public place.
Tahimik lang na nakikinig si mama roon habang nag-uusap kami ni papa.
After ng hapunan ay nagpahinga lang ako saglit para makaligo na. Uminom ako ng maraming tubig para mabilis akong maihi.
Pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo.
Kinuha ko na mula sa bulsa ko ang tatlong piraso ng pregnancy test binuksan ko na may kasama pala siya dropper. Nilapag ko sa ibabaw ng drum na may takip.
Kumuha na ako ng sample ng ihi ko tsaka pinatak sa bawat isang pregnancy test.
One red line negative then two red lines positive. Basa ko sa likod ng pregnancy test.
Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito.
Ilang segundo ang hinintay ko. Nakita ko na unti-unti ng lumalabas ang dalawang pulang guhit.
Sa lahat ay malinaw na malinaw ang pulang guhit.
POSITIVE buntis nga ako.
Napatigagal ako sa nakita ko kahit expected ko na.