CHAPTER 34

1162 Words
Chapter 34- Nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko. Kahit na kakamulat ko pa lang ng mata ay bumangon na ako patakbo sa ibaba sa banyo. Ang sama talaga ng sikmura ko. Nawalan ako ng lakas. Nahihilo rin ako. Ano ba ang nangyari sa akin. Nag hilamos ako ng mukha tsaka lumabas ng banyo para kumuha ng maiinom na tubig. Nakatingin lang siya sa akin na may tanong sa mata. Maging ako may tanong din kung bakit ako nagkaganito. “Uminom ka na naman ba?” tanong ni mama sa akin. Masama ang mga tingin ni mama sa akin. “Hindi po mama. Masama lang talaga ang pakiramdam ko parang nalamigan lang ang sikmura ko.” sagot ko. Matagal na rin akong walang inom dahil hindi na ako nag sasama kila kalbo at hindi rin nag-aaya sila Osang. No more walwal days. Mas gusto ko pa matulog at kumain na lang kaysa sa umalis. “Magkape ka na para mainitan ang sikmura mo.” utos ni mama. Sumunod ako sa utos niya nagtimpla ako ng kape. “Ikaw na bata ka wag panay ang inom mo ayan na!” Sermon niya. “Sisirain mo ba ang atay mo?” Maagang sermon galing sa aking nanay. “Mama umiiwas na nga ako sa inom.” pangangatwiran ko. “Siguraduhin mo lang Cheska.” Tahimik na kami. Siya nagluto na ng breakfast. Ako tahimik na nagkakape. Pumasok na naman sa aking isip ang nangyari nung isang araw kaya kahit anong aya ni Miguel sa akin na lumabas ay hindi ako pumayag dahil sa naging takbo ng usapan namin. Nauna na ako pumasok sa loob dala ang dalawang helmet na ginamit namin ni Miguel. Nilagay ko ang bag ko roon sa gilid. Nakaupo sa sofa roon para makapag pahinga. Nag libang sa phone habang hinihintay si Miguel na pumasok sa loob this time kailangan na naming mag-usap ng maayos about sa nangyari nalaman ng papa ang mga kagaguhan niya. 10 minutes na ata ang lumipas pero wala pa rin si Miguel hindi pumapasok sa loob ng bahay. Pinatay ko ang phone ko at nilagay ko sa may gilid. Tumayo para sugurin na si Miguel. Pasimple ko muna siyang sinilip sa bintana. Nakataas ang kilay ko ng makita kong may kausap siya sa telepono niya. “Sino na naman kaya ng kausap ng lalaking ito at happy masyado?” bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa nakikita ko na masayang masaya siya sa kausap. Sinubukan kong marinig kung ano man ang usapan nila. Babae na naman kaya ang kinakausap ng lalaking ito? Masayang masaya siya, aliw yern? Dahan na dahan akong lumakad palabas ng pintuan alam kong hindi niya naman ako mapapansin kasi nga aliw na aliw siya sa kung sino ang kausap niya. Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nila. “Oo naman pwede ako nun.” sabi pa ni Miguel na sinisigurado sa kausap na uubra siya sa araw na iyon. Hindi ko marinig kung ano man ang sinasabi ng nasa kabilang linya kaya naiinis ako. “Okay sige all set na iyon ha.” sabi niya at nagpaalam na sa kausap. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay baka kasi bigla na lang niya akong makita na nandoon ako at nakikinig pa sa kanila ng kausap niya. Naupo akong muli sa sofa at kunwari ay inabala ang sarili sa cellphone pero ang totoo ay nasa kanya lahat ng atensyon ko. Iniisip ko pa rin kung sino ang kausap niya roon ng ganun katagal. “Mahal gutom ka na ba?” tanong niya sa akin. Nanatili akong tahimik. Naupo siya sa tabi ko tsaka sumiksik na parang pusa. “Mahal pansinin mo na naman ako.” binaba ko ang telepono ko tsaka siya tinapunan ng tingin. Nakikipag titigan siya tsaka ngumiti sa akin na parang nagpapa-cute. Tinaas ko ang gilid ng labi ko dahil sa ginawa niyang pagpapa-cute sa harapan ko. “Mahal bakit ka naman ganyan?” tanong niya sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita nanatili na nakatingin sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisngi. Ngiting-ngiti pa siya sa ginawa niya. “Bakit ang tagal mo?” seryoso kong tanong sa kanya. “Mahal tumawag tropa ko, inaaya niya lang ako.” sabi niya. Humalik ulit sa pisngi ko. “Sinasabi ko sayo Miguel!” banta ko sa kanya. “Subukan mo ulit.” Hindi ako mapakali dahil iba na naman ang kutob ko sa kausap niya sa telepono. “Cheska!” Snap me back. Tumingin ako kay mama na panay na pala ang tawag sa akin. “Bakit ma?” tanong ko. “Ewan ko sayo na bata ka nababaliw ka na.” nailing niyang sabi tsaka lumakad palabas ng kusina. Naiwan ako mag-isa sa loob ng kusina, tahimik ang buong paligid. Inubos ko ang kape ko tsaka bumalik paakyat sa kwarto. Pagpasok ko sa loob humiga ako sa kama ulit. Hinawakan ko ang impis kong tiyan. Ano bang nangyari sa akin hinahalukay ang sikmura ko samantalang wala pa naman akong kain kasi kagigising ko lang rin. Wala na naman akong magawa sabado na naman kasi at walang class. Natapos na rin ang mga kailangan naming ipasa kaya pahinga muna kami kaso ngayon ang boring dahil dito lang ako sa loob ng bahay. Gusto ko matulog at kumain ng kumain. Tumayo ako at kumuha ng barya sa wallet pero limang piso lang ang barya. Lumakad ako pababa ng kusina para humingi kay mama ng barya sa pinagbentahan ng yelo. “Mama penge barya.” nanghihingi ako pero kumukuha na ako ng barya. “Ano na naman ang bibilhin mo?” tanong niya. “Gummy worms.” Kumuha na ako ng mga barya sa ibabaw ng ref. “Bili mo rin ako ng vetsin.” utos pa niya. Dinagdagan ko ng barya. “Ilan ma?” tanong ko para alam ko para alam ko kung magkano ang idadagdag ko. “Isa lang mamaya mamimili kami ng papa mo.” Kumuha na lang ako ng extra four pesos. “Okie.” Lumakad na ako palabas. Bigla na lang akong nag-crave sa gummy worms sa tindahan. Himala wala pang mga bata na nagtatakbuhan sa labas anong meron? Bumili na ako agad sa tindahan ng gummy at ng pinapabili ni mama sa aking vetsin. Bumalik na rin ako agad sa bahay ng mabili ko iyon. Binigay ko kay mama then umakyat na ako ulit sa kwarto. Sinimulan ko ng kainin ang mga gummy. Sarap na sarap pa ako ng nabaling ang tingin ko sa calendar na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto. “Tang*na!” nasabi ko ng biglang pumasok sa isip ko ang thoughts na yon. Hindi imposible na mangyari ang bagay na iyon dahil. Hindi ko na alam ang iisipin ko. “Pero paano nga kaya?” tanong ko sa sarili. Ano ang gagawin ko? Tanong ko sa aking isip. Paano nga kaya kung totoo? Anong gagawin ko. Para akong mababaliw sa kaiisip na sa posibilidad na mangyri ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD