CHAPTER 33

1057 Words
Kinabukasan pumasok ako sa school sinundo ako sa bahay at hinatid ako sa school. Magising ako kanina hindi kami nag kikibuan ng mama alam ko din kasi na tutol na siya sa relasyon na mayroon kami ni Miguel. I don’t know what to do? Nahihirapan ako sa sitwasyon. Naipit ako sa gitna ng magulang ko at ng boyfriend ko. Alam kong nag-aalala lang ang parents ko sa magiging lagay ko pero kasi mahal ko si Miguel. Gusto ko na kausapin si Miguel tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit niya ginawa na gumamit ng ipinagbabawal na gamot para saan ba iyon?  Ang tanging alam ko lang na bisyo niya ay ang pag-inom at pagyoyosi. Ilang beses na akong nagtangka na i-open ang topic about it. Akala ko ng una ang biro lang ng asawa ng tropa niya ng sabihin ang bagay na iyon. Pero ng sabihin ni papa kagabi hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. “Cheska okay ka lang?”  Napatingin ako sa nagsalita. Ngumiti ako kay China at tumango lang bilang sagot. “Maniwala ako sayo tulala ka na naman nga.” sabi niya pa. “True mars!” sang ayon ni Tep na kararating pa lang. Nakakabaliw naman kasi mag-isip. Nitong mga nakaraan ay madalas kong nagagamit ang utak ko pero okay din kasi sayang naman kung mabulok lang rito sa ibabaw ng ulo. “Ano ba kasi yang iniisip mo na yan masyado naman napakalalim?” tanong ni Tep. “Some random thoughts lang naman ito.” sagot ko na lang ayoko kasi na pag-usapan pa. “Just stand straight, Cheska and flip your hair.” sabi pa ni China. Napangiti na lang ako sa advice niya na iyon. Tumambay lang ako saglit kasi uuwi na ako sa bahay. Maya maya rin ay nandyan na si Miguel para sunduin ako at ihatid sa bahay namin. Marami kaming tinapos ngayon at marami na namang bago na ibinigay na may deadline na agad. Kakabigay pa lang pero may date na agad ng pasahan. Napakahirap maging student. Inaya ako nila Tep na kumain sumama muna ako para malibang kahit paano. Nakipag kwentuhan muna ako sa kanila ng mga kung ano-ano. Mga chismis sa loob ng campus namin. Ang galing nga kasi nakakasagap kami ng chismis na galing sa mga higher year. Bago pa kami bumalik sa kanina namin tambayan ay lumibot muna kami roon para tumingin ng iba pang tinitinda. Nakabili sila ng sweets na treats. Sakto ng nag message si Miguel sa akin na on the way na siya ay pabalik na kami roon. “Totoo ba Cheska na pinagseselosan ng jowabels mo yung ex mo?” biglang tanong ni China. “Oo kaya nga sana sa susunod hindi ko na iyon ka group.” pagkumpirma ko sa tanong niya. Nakarating din pala sa kanila ang balita na iyon tungkol sa amin ng ex-boyfriend ko. Ang hirap ng sitwasyon ko iwas na iwas ako. Ganun na nga ang ginawa ko pero si Miguel kung ano-ano pa ang pinag-iisip na ginawa ko habang kasama ko ang ex ko sa groupings namin. Bumalik kami sa kanina na upuan namin. “Nasaan na si Ry?” tanong ko kay China. Sabi kasi niya na pupuntahan daw siya nito roon. Pero nakabalik na kami wala pa rin samantalang si Ed nandito na at nakikipag harutan na kay Tep. “Sakit niyo sa mata!” sita ni China sa dalawa. Sabay pa kaming tatlo na natawa kay China. Magkaaway na naman sila malamang ni Ry kaya ganyan yan. “Topak yern?” pang aasar ko sa kanya. “Ayaw na naman?” takang tanong ni Ed. Inirapan lang siya ni China at sinimangutan. “Awit lods may topak ang ate mo China.” mapang asar na sabi niya pa rito at tumatawa pa habang nakatingin kay China. “Tang*na mo ED!” pikon na pikon na sabi niya rito. Pero kami tawa lang ng tawa. “Ano na naman ba ang pinag awayan niyo?” tanong ko sa kanya. Madalas ay napakaliit na bagay lang yon kung isip pero sa kanila iba kasi iyon well ganun talaga siguro. Iba iba rin naman kasi ng taas ng pang unawa ang bawat tao. Ako sinasabi ko ay  hindi ganun kalawak ang pag-iisip ko intelektual. Marami pa akong maaring matutunan pag nagtagal. Bata pa naman kasi kami kaya hanggang ngayon ay may mga kailangan pang matutunan. “Ayan na pala ang babe mo.” sabi ko dahil natatanaw ko na si Ry na naglalakad na papalapit sa amin. Inaasar pa ng mag jowa si China. Tumunog na yung phone ko kaya nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na ako dahil nandyan na ang sundo ko. Lumakad na ako palabas para puntahan na si Miguel. Agad kong nakita si Miguel na nandoon nakasakay sa motor niya habang nakaabang sa aking paglabas. Lumakad pako palapit sa kung saan siya naroroon. “Hey mahal.” I greet him. Ngumiti siya at bahagyang lumapit para humalik sa akin. “Hello beautiful.”  Nilagay niya na sa ulo ko ang extra helmet na dala niya. “Mahal tambay ka muna sa apartment.” aya niya sa akin. This is the sign that I need to open– about sa nalaman ni papa tungkol sa kanya. Mas mabuti pa rin kung naririnig ko mula sa kanya.  “Sige.” pagpayag ko. Sumakay na ako sa motor. Agad na yumakap ang mga braso ko sa katawan niya. Pinaandar niya na ang motor paalis.  Habang nasa biyahe kami pauwi sa apartment niya ay nag-iisip na ako kung paano ko sisimulan o bubuksan sa kanya ang topic about sa bagay na yon. Ang hirap hindi ko alam pero kailangan dahil ayoko at nangako kami sa isa’t-isa na magiging honest kami. Nakarating kami sa tapat ng apartment agad akong bumaba mula sa pagkaka angkas sa likod. “Pasok ka na roon mahal.” utos sa akin ni Miguel tsaka inabot ang isa pang helmet para ipadala sa akin papasok sa loob. Ayusin pa kasi niya ang pagkaka-park ng motor niya sa tabi at magreklamo ulit ang kapit bahay nila. Masyadong mga maepal kaya nag-iingat na rin si Miguel baka punain na naman ulit siya. Kung sa amin maraming marites at cctv syempre dito naman mga judge akala mo nasa loob ka ng korte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD