Hinatid na nga ako ni Miguel sa tapat ng gate namin hindi ko na siya inalok na pumasok pa sa loob lalo pa’t palaisipan pa rin sa akin ang dahilan ng pagbabago ng pakikitungo ni mama kay Miguel. Naging ganun lang ang tao kapag may nalaman na hindi maganda. Pero ano ba kasi iyon?
“Mahal tulala ka na naman.” sabi ni Miguel napatingin ako sa kanya. Hindi ko na napansin na bigla nalang ako natutulala dahil sa pag-iisip.
“Sorry may iniisip lang ako.” maikling sagot ko.
Lumapit na siya sa akin at mabilis na humalik sa akin labi. “I love you.” bulong niya bago lumayo sa akin.
“I love you too. Ingat ka message me if you got home.” paalam ko sa kanya tsaka humalik sa pisngi niya.
Lumakad na siya at sumakay na sa motor. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos ang helmet.
Kumaway pa siya sa akin bago paandarin paalis palayo sa akin.
Naiwan ako roon nakatanaw kay Miguel papalayo sa akin. Hindi ko na siya matanaw ay pumasok na ako papasok sa loob ng gate.
Nakakunot ang noo ng marinig ko na may nagsisigawan mula sa loob ng bahay, boses yon ni mama at papa. Again? Ano ba kasi ang puno at dulo ng pag-aaway nila. Kahapon lang nag-aaway sila tapos ngayon away na naman. Malaki na kami para mag-away pa sila at matanda na sila para mag-away. Hindi naman sila ganyan mag-away nakakapanibago.
Paano ang approach ko sa kanila? Papansinin ko ba o tuloy-tuloy na lang ako sa pag-ayat sa itaas sa kwarto. Kinakabahan din ako sa kanila dahil wala akong kaalam-alam kung ano ang nangyayari ngayon. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyan na pumasok sa loob ng bahay namin. Patuloy pa rin sila sa pinagtatalunan nilang dalawa.
Pagbukas ko ng pinto nanadoon lang pala sila sa may sala kaya narinig mula sa labas ng bahay. Mabuti nga rin na hindi ko na inaya na pumasok si Miguel sa loob ng bahay mas nakakahiya na makita niya ang parents ko na nag-aaway. Nasa na kaya si Lota? Tulog na naman na siguro iyon kasi pag nakita niya na nag-aaway ang magulang namin masaktan iyon baka umiiyak na yon ngayon.
Napunta sa akin ang atensyon nila.
“Ayan na pala ang anak mo.” sabi ng papa ng makita ako. Pero iba ang tono ng pananalita niya. Nakakatakot ang pagka sabi niya.
Naguguluhan ako at ano ba ang nangyayari? “Tigilan mo yan!” saway ng mama sa kanya.
Mas naging matigas ang ekspresyon ng mukha ni papa habang nakatingin ng masama sa mama. “Ano ba ang gagawin ko sayo!” galit na sabi ni mama. Halatang hindi na niya alam ang gagawin kung paano patigilin ang papa. Galit na galit ito na parang masyadong malalim ang pinag ugatan ng away nila.
“Bakit mo ba ako pinipigilan na sabihin ang bagay na yon?” tanong ng papa.
Lalakad na sana ako patungo sa itaas. Hindi ko na kaya magtagal pa ng ilang segundo roon na pinanonood sila habang nagtatalo sa kung anong bagay na hindi ko matukoy kung ano.
“Saan ka pupunta?” tanong ng papa. Nahinto ako sa paghakbang.
“Sinabi ng tumigil kana nag-usap na tayo!” sigaw ni mama.
“Bakit ba pinipigilan mo ako!” galit na galit siya na nakatingin kay mama.
Bumaling ako paharap sa kanila.
Binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin.
“Bakit ba kayo nag-aaway?” tanong ko pa sa kanila.
Tahimik naman sila at walang gustong sumagot. Nagtatanong lang ako.
“Cheska umakyat kana.” madiin na utos ng mama sa akin. Kaysa sagutin ang tinatanong ko sa kanila.
No one dared to answer my question. Ganun ba kahirap ang tanong ko sa kanila.
“Ano ba kasi yon?” tanong ko pa ulit. Mas nilakasan ko ang loob para tanungin muli.
Mas lalo kong gustong malaman kung bakit sila nag-aaway ng ganitong oras.
“Wag mo akong pigilan.” banta niya kay mama bago humarap sa akin.
Nakaramdam ako ng matinding pagkabog ng dibdib dahil sa tono ng boses ni papa. Seryoso ito na nakatingin sa akin. Sumenyas siya na lumapit ako sa kanila at umupo.
“Napag-usapan na natin ito.” tutol ng mama. Walang naging sagot si papa.
Naupo na ako doon kaharap ko ang mama at papa.
“Anak gaano mo na ba katagal kilala yang nobyo mo?” panimulang tanong ni papa.
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Tama ba ang hinala ko na kaya nagbago ang pakikitungo ng mama ko kay Miguel dahil din ba sa may nalaman talaga sila tungkol rito? Ano pa ba ang bagay na hindi ko alam sa kanya. Don’t tell me na may nalaman talaga sila. Pero bakit sila ang nag-aaway.
“Bakit po papa?” tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang tamang sagot sa tanong niya.
Nag-iisip ako ng isasagot sa tanong niya.
“Anak natatakot ako na baka madamay ka.” sabi niya. Mas lalong gumulo ang isip ko sa sinabi niyang iyon. Habang nandito ako kausap sila gumugulo ng gumugulo ang isipan ko imbis na malinawan hindi.
“Madadamay saan?” tanong ko.
Pinipigilan pa rin ni mama si papa. “Kailangan niyang malaman.” sagot niya kay mama. Nakumbinsi na rin ng papa si mama na sabihin ang bagay na nais nitong ipaalam sa akin.
Natatakot ako at kinakabahan ngayon sa malalaman ko. Another detail about Miguel.
“Si pareng Nestor kilala ang nobyo mo,” umpisa ni papa. “Yon ang kumpare ng papa mo na balita na gumagamit ng marijuana.” dagdag ni mama.
Don’t tell they telling me na gumagamit si Miguel ng m*******a?
“Then ang sabi ay madalas na nagpupunta ang nobyo mo sa bahay nila kasama nito nag anak ni pareng Nestor.” diretso na sabi ni papa. Walang pero pero sinabi na niya. “Gumagamit din ang nobyo mo ng m*******a at siya ang nag babagsak sa bahay nila pareng Nestor.”
Alam kong tropa ni Miguel si Norville.
“Malaki ka na anak, gusto ko lang malaman mo ang nalaman ko pinipigilan ako ng mama pero kasi hindi ko maiwasan na mag-alala.”
Tahimik lang ako na naiisip.
“Salamat sa tiwala papa.” sagot ko.
Nagpaalam ako na aakyat na sa taas. Totoo pala ang sinabi ng asawa ng tropa niya na gumagamit siya ng m*******a. Hindi ko pa nakikita kung ano ang epekto nito kay Miguel kaya mas natatakot ako na baka iba talaga ang ugali niya. Pilit kong pinagtatakpan ang ginawa niyang pambabae pero ito ang hindi ko napigilan. Ngayon ay sira na ang pangalan niya sa magulang ko.
Nakakapagod mag mahal.
Nag handa na ako sa pagtulog nakakapagod.