Umalis na nga kami ni Miguel para kumain sa labas at makapag date na rin ulit matagal na bago nasundan ang huli naming date. Ang huli ay ang 1st monthsary late celebration. Nag dinner kami with a romantic setup– made by him. Pang bawi sa mga luha na iniyak ko ng mahuli ko siya. Nakaabang ako sa mga gagawin ni Miguel. Pero parang may kakaiba sa kanya ngayon. Tahimik lang siya at pangiti-ngiti lang. Pagka kausapin mo sumasagot naman siya. Nagtataka nga ako sa kanya ng sobra.
“Mahal parang iba si tita kanina,” sabi ni Miguel. Napatingin ako dahil sa sinabi niya. “Kasi hindi niya ako pinapansin kanina, hindi rin nga ako nginitian basta na lang niya akong pinapasok sa loob ng bahay niyo.” kwento niya pa.
Napaisip ako sa sinabi ni Miguel. Pansin ko nga rin iyon nag-iba bigla ang timpla ng mama ng makita si Miguel na dumating sa bahay kahit pa na alam na niya na aalis kami ni Miguel para mag date. Tinanong na rin niya ako kanina. Nung mga oras na nagsisipilyo pa ako. Okay naman siya? Hindi naman pwede yung issue nila ni papa yon. Kasi kinakausap niya ako okay na siya at parang wala na lang. O baka may nalaman sila tungkol kay Miguel.
“Hindi kaya nalaman niya na nambabae ako?” tanong ni Miguel.
Pag ganun naman ay hindi masyadong– big deal kay mama dahil nga sa isyu namin yon. Kilala ko si mama hindi mahilig makisali sa isyu ng iba iyon dahil alam niyang nakakainis pag may ibang nangingialam sa problema. We already resolved it– kaya kahit makarating pa iyon kay mama wala na kasi tapos na.
“Paano naman niya malalaman mahal hindi naman ako nagkwento sa mama dahil wala namang paki yon.” sagot ko. Kumain na lang ako ulit ng tahimik. Iniisip ko bakit nga ba naging ganun ang treatment niya kay Miguel at biglaan masyado ang pangyayari na nagbago ang pakikitungo niya.
Unang beses okay ang lahat kay mama. May time na pakikipagkwentuhan pa si mama kay Miguel kasama ang papa.
“Masarap ang food no mahal.” pag-iiba ni Miguel sa kwento.
“Ha?” tanong ko kahit na narinig ko naman ng malinaw. Wala gusto ko lang na ulitin niya ang sinabi niya.
“Sabi ko masarap ang food.” pag-ulit niya.
Ngumiti ako sa kanya. “Oo nga masarap.” sang ayon ko na lang.
Masyado akong naguguluhan at napapaisip ng dahil sa nangyayari ngayon. Magkakaroon na naman ba ulit ng problema sa relasyon namin ni Miguel.
Need more time to figure out– bakit ganun. Hindi ko masabi agad ang problema kay mama.
Tahimik lang ako na nakaupo sa harapan ni Miguel. Pinanood ko lang siyang kumain. Marami kaming order kaya matagal namin iyon bago maubos.
“Kumain ka pa mahal.” aya niya sa akin. Nilagyan niya ako ng food ulit sa plato na nasa harapan ko.
I can’t help it! Hindi ako matahimik ng pag-iisip ko sa mga maaring dahilan kung bakit ganun ang mama ko kay Miguel. Nakakabaliw mag-isip.
Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa pagkain na nasa harapan namin ni Miguel. Kanina pa kain ng kain si Miguel parang hindi siya nabubusog.
“Mahal alam mo ba na nag-aaya ang isa kong tropa sa birthday niya na mag swimming daw,” kwento niya. “Sama kaya tayo? Next month pa naman iyon sakto mag second month na tayo.” kumbinsi niya sa akin.
Kaso nandito pa rin ang kaba ko pag napag-usapan ang tropa niya. Mga puntang*na ng mga iyon! Tanda ko pa rin na tinulungan nila ang gagong kaibigan nila na makapang babae.
“Mahal ayos ka lang?” tanong ni Miguel sa akin. “Mahal?” tawag pang muli niya.
Nakatitig lang kasi ako sa kanya ng diretso.
“Ha– hindi na ako natapos sa sasabihin ko pa sana.
Inagaw sa akin ni Miguel yung bread knife na hawak ko. Nagtataka ako na tumingin sa kanya. Sinundan ko kung saan nandoon ang mga mata niya nakatingin.
Nasa plato ko pala. Tumapon na ang ibang pagkain na nasa loob nun sa gilid.
“Ayos ka lang ba talaga?” tanong niya pa ulit sa akin habang nakatingin ng seryoso sa aking mukha.
“Okay lang ako mahal sorry.” nahihiya ako dahil sa ginawa kong iyon sa food.
“You sure?” tanong niya pa ulit na naninigurado na.
Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Ayoko na sabihin sa kanya ang naiisip ko habang ginagawa ko ang bagay na pag durog sa mga pagkain na nasa plato ko.
“Kung may problema mahal sabihin mo agad sa akin.” ani niya ng nakangiti pa sa akin.
Wala pang problema hindi ko pa alam kung magiging problema ba ang bagay na iyon. Kung ano man ang malalaman ko. Kinakabahan ako pero dapat handa ako at alam kong– anytime baka may dumating na problema.
Pagod na ako ng paulit-ulit na umiiyak at nasasaktan. Gusto ko lang sumaya, mahalin yon lang naman ang damot naman.
“Oo syempre wala na nga tayong maging secret sa isa’t isa diba?” sabi ko ng may patanong pa sa dulo.
After we decided to fix our relationship– nag promise kami na no more lies and secrets.
Matapos ang mahabang oras namin sa pagkain ang sunod na ginawa namin kay naglibot doon sa paligid bago naisipang umuwi.
Gusto pa ni Miguel nasa apartment ako uuwi ngayong gabi ang sabi ko hindi muna sa susunod na araw na lang sabi ko kasi baka madelikads ako kay mama. Hinatid na lang niya ako pauwi sa bahay.
Kailangan kong malaman ang dahilan ng pagbabago ng pakikitungo ni mama kay Miguel.
Suddenly change? Real quick naman. Maayos sila kay Miguel feeling ko nga na tanggap nila ito dahil kinakausap nila hinahayaan na pumunta sa bahay. Iyon din kasi ang gusto ko ang maging open siya sa pag punta sa bahay para hindi na namin kailangan pang mag tago.
Akala ko maayos na pero hindi pala. Parang saglit lang pinadama sa akin ang saya. Ang hirap maging kampante.