Kinabukasan pagkagising ko ay bumaba na ako agad papunta sa kusina para icheck kung anong nangyari kagabi rito sa ibaba ng bahay. Wala naman kahit anong bakas na iniwan pero alam kong meron pero hindi malinaw sa aking isipan ang ganap sa pagitan ni mama at papa. Pero malaking tanong sa akin kung anong dahilan nila? Okay naman sila pero magising ako na nagtatalo sila? Anong bagay ba iyon para pagtalunan nila?
Wala akong lakas ng loob na mag tanong kung bakit hindi okay si mama at papa.
Nagising ako sa mga malakas na sigaw na galing sa ibaba. Antok na antok pa ako kaya hindi ko masyadong naririnig ng maayos kung ano man ang pinagtatalunan ng dalawang tao na nasa baba. Bumalik na lang akong muli sa pagtulog dahil sa antok ko hindi ko na pinansin iyon.
Alam ko kung anong narinig ko kanina.
Nagmamadali akong kunin ang phone ko tsaka agad iyon sinagot.
“Mahal!” excited na tawag ko sa kanya.
“Mahal masyadong halata na miss na miss mo ako agad.” pabiro nitong sabi. Nakangiti ito sigurado.
“Nakakainis ka kamo!” reklamo ko sa kanya. “Paano naman kasi kanina pa ako naghihintay ng update mo sa akin.”
Tumawa lang ito sa kabilang linya na parang inaasar pa ako. Kahit kailan talaga si Miguel ang lakas mang asar.
“Mahal ang nguso mo ha! Humahaba na naman.” pang asar niya.
Suntukin ko kaya bibig ng lalaking ito.
Nakakapikon na siya, hobby na niya na ma-bwisit ako everyday.
“Naiinis na ako!” banta ko sa kanya.
“Mahal binibiro ka lang naman,” paglalambing nito sa akin. “Tara date tayo sunduin kita dyan sa inyo.” aya niya. Bigla nalang nawala sa kabilang linya.
Nailing na lang ako sa aking sarili. Lakas ng amats ng lalaking iyon. Ibinaba ko na ang phone ko sa gilid.
Hindi pa man nagtatagal tumunod muli ang phone ko.
“Tingnan mo talaga.” sabi ko ng makita kong tumatawag siyang muli sa akin.
Muli kong dinampot ang phone ko para sagutin ang baliw na tao.
“I love you mahal!” sigaw niya sa kabilang linya kaya agad kong inilayo sa tenga ko ang phone.
“Gago ka ang sakit sa tenga!” inis na inis na sabi ko.
Tumatawa lang ang gago sa kabilang linya.
Nagtataka ako bakit parang asal lasing ang hinayupak na ito kahit hindi naman nagsabi na iinom siya.
Tsaka hindi niya ako aayain umalis kung nakainom na siya.
“Mahal mag-ayos ka na ha!” paalala niya. Bakit ang energetic ng gago?
Pinatay na niya ang tawag.
Nag prepare ako ng sarili na para pagdating ni Miguel ay oks good na at aalis na lang kami. Naligo ako naghanap ng damit na pwede na isuot sa alis namin.
Hindi naman na pwede na parang oks na ganun na lang ang suot ko kailangan sa akin lang ang tingin ni Miguel. Babaetro pa naman ang jowa ko. Kaya binibiro ko siya na nasa tamang babaero na ako. Ang loko sinasabayan rin ako sa trip kong ganun.
Nagpuyod ako ng buhok para hindi magulo mamaya pag-ka-sasakay ako ng motor ni Miguel.
Almost one hour pa rin ang inabot ng preparation ko kahit na nakaligo na ako. Ganun na ba ako katagal mag-ayos ng sarili.
Nakaupo lang ako sa ibabaw ng bed habang hinihintay si Miguel na tumawag at sabihin na nasa baba na siya. In the second thought kailangan kong bumaba na para makapag toothbrush ng ngipin. Pinagalitan ako ni mama pag may naghihintay sa aking tao tapos hindi pa ako tapos mag prepare.
Saan kaya kami pupunta ni Miguel ngayon. Nag crave ako sa mangga at bagoong. Shocks ang sarap naman ng naiisip ko! Pag bibili ako kay Miguel mamaya.
“Cheska saan ang punta mo?” napatingin ako kay mama na nandoon nakatayo sa pintuan ng kusina. “Saan ang punta?” tanong niya pa ulit dahil hindi ko iyon sinagot.
Ngiting ngiti ako kay mama. “Date.” pabebe kong sagot.
Lumakad na ako papasok sa loob ng kusina papunta sa loob ng banyo para mag toothbrush.
“Hoy bruha ka ang tanong ko saan ka pupunta hindi kung anong gagawin mo?” habol tanong ni mama sa akin.
Saan? Ako nga mismo hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Miguel. Every date siya naman ang nag desisyon kung saan. Pag food ako ang nag desisyon. Kaya basta mamaya lahat ng craving ko ipapabili ko sa kanya.
“Mama ako nga hindi ko alam kung saan kami pupunta.” sagot ko. Yon ang totoo malay ko ba kung saan kami pupunta ni Miguel.
“Nako ha baka kung saan-saan kayo nag pupunta?” tanong pa niya. “Ikaw ha mag-ingat ka.” paalala niya sa akin.
Alam ko naman na may tiwala si mama sa akin kaya ganyan siya. Minsan lang din kasi na sumusobra ako sa mga gusto kong gawin kaya nagagalit ang mama.
“Syempre naman mama. Gagawa ng katangahan pero hindi ipahahamak ang sarili.” ngiting-ngiti pa ako sa sagot ko. “ARAY KO NAMAN MA!” malakas na daing ko kasi bigla niya akong binatukan ng malakas. Yung tipo na nalog na ang utak ko sa lakas.
“Kung ano ano kasing pinagsasabi mo na bata ka!” galit pa siya. Dapat ako magalit kasi masakit ang pagakakahampas niya sa ulo ko.
“Mama kaya siguro ako naging bobo sa school kasi panay ang batok mo.” reklamo ko.
Mas sumama ang tingin ni mama sa akin. Kaya pumasok na ako sa loob ng banyo para mag sipilyo. Nag text na ang baby ko na on the way na daw siya. Ano ba yan excited na siyang makita ang maganda niya jowa! Aba dapat lang ano! Hindi lang maganda, masarap pa.
“Cheska bilisan mo!” sigaw ng mama mula sa labas ng banyo.
Kanina na hindi pa ako pumasok sa loob hindi naman niya ako pinapansin ang banyo ng pumasok ako tsaka siya nagmamadali. Anong trip ni mama?
“Bilisan mo nandyan na ang boyfriend mo!” sigaw niya para ipaalam na nasa labas na na ang akin loves.
Tinapos ko ang pagsesepilyo tsaka lumabas ng banyo para salubungin ng halik ang bebe ko. Miss na miss ko na siya kaya naman nagmamadali na ako. Alis na alis narin ako. Naka plano na ang mga craving ko na– need na ma-unlock today with the of my boyfie.