CHAPTER 29

1105 Words
Nagmamadali akong tumakbo pa akyat sa itaas sa kwarto pero pasimple lang kasi baka mahalata ng mama. Malalaman niya kung bakit pag ganun.Sakto na sumilip ako sa bintana at nakita ko na nag park si Miguel ng motor sa tapat ng gilid ng gate namin. After how many days ngayon pa lang niya naisip na puntahan ako para suyuin? Ano na kailangan pa niyang patagalin! Naiinis na talaga ako sa lalaking iyon. Wala na nga akong ginawa sa loob bahay pag nandito ako kundi kumain. Nag-stress eating ako ng dahil sa away namin. Ayaw niya makinig hinayaan ko na lang napagod na rin ako sa kakasunod at ako na nagpupumilit sa kanya na makinig sa sasabihin ko pero nanatili na sarado ang kanyang isip. So I let him– then now nandito siya sa bahay pupuntahan niya ako para saan ayaw niya makinig diba. Pagpasok ko sa loob ng kwarto sinara ko agad ang pinto para isipin na kanina pa ako nandito. Mabilis ang pagkilos ko na humiga sa ibabaw ng kama. Nagtakip ng kumot sa buong katawan pati sa mukha. Gusto ko maisip muna ni Miguel na mali siya. Masyado akong pinapak ng lamok sa paghihintay sa kanya na matapos ang pag-iinarte niya sa akin. Kakausapin naman pala ako kailangan pang lumipas ang ilang araw bago niya ma-realize. Ano ang utak na meron ang lalaking ito. Nakikiradam at nakikinig ako sa paligid kung may aakyat ba o may magbukas ng pinto ng kwarto. Malamang sa malamang hindi niya alam kung paano kausapin si mama at papa. Serve his right! Gago kasi siya kaya ganun. Buti nga sa kanya. Naiinis na naman ako. Wag naman sana si mama ang umakyat para tawagin ako kasi hundred percent pinagalitan ako nun kahit wala naman akong ginawang kasalanan. Nanigas ako sa pwesto ko, pinilit na huwag gumalaw dahil narinig kong bumukas ang pinto. Inaabangan ko kung sino ang nagbukas at magsasalita. Ilang minuto na ang dumaan walang nagsasalita. s**t! Sino naman kaya itong pumasok sa loob ng kwarto ko. Narinig ko ang tunog ng pinto na sumara. Silipin ko ba kaso paano kung si mama yon. Pero parang lumabas na kasi wala naman na akong naririnig na kahit ano sa loob ng kwarto. Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kung sino ang nandoon. Mabilis kong binalik ang pagkakatakip sa aking mukha ng kumot. “Anong ginagawa mo dito!” inis na tanong ko. Akala ko hindi na ako naiinis sa kanya pero ng makita ko siya ng malapitan mas kumulo pa ng malala ang dugo ko!! Nararamdaman ko ang pag-upo niya sa bed. “Mahal..” tawag niya sa akin na parang pagka lambing-lambing. Ganyan sila pag may ginawang mali o kaya may kasalanan. “Kausapin mo na ako.. Mahal sorry na,” bakas sa boses niya ang lambing at mahinahon. Tahimik lang ako hindi ko siya pinapansin. Ako grabe ang kagat ko ng lamok tapos siya nga swerte niya pinapasok siya sa loob ng bahay at pinaakyat pa siya sa kwarto ko para makausap ako. What a lucky assh*le!   Paalis niya itong hinihila. “Ano ba tigilan mo ako umuwi kana!” malakas kong sigaw sa kanya. Hindi siya nakinig tuloy lang siya. Hanggang sa tuluyan na niyang na alis ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Masama ang mga tingin na pinupukol ko sa kanya para mas malaman niya na hindi nakakatawa ang ginagawa niya ngayon. Naupo ako sa bed. “Anong kailangan mo?” diretso kong tanong sa kanya. Nag papa-cute na naman siya sa akin na parang ganun lang kadali ang ginawa niyang pagbabalewala sa akin. “Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo kasi masyado na ang ginawa mo.”  Wala akong plano na kausapin siya pagkatapos ng nangyari noong nakaraang araw. Ilang beses kong ginawa ang lahat ng makakaya ko para lang makausap siya sabihin ang totoo upang maliwanagan niya ng sobra pero no use kasi nga mas gusto niya ang iniisip niya. “Mahal sorry hindi ko sinasadya,” malungkot na ang boses niya habang nanghihingi ng paumanhin sa akin. “Alin doon ang hindi mo sinasadya?” hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Ang bigat ng loob ko ng ilang araw dahil sa hindi niya pag kausap sa akin. “Iwas na iwas ka sa akin na akala mo may sakit ako na nakakahawa!” galit na ako ngayon kasi naalala ko na naman ang mga kagat ng lamok sa akin. “Masyado kasing maarte!” tuloy ko pa sa aking pag linya. Lumapit siya sa akin at yumakap. “I’m sorry mahal… promise sa susunod makikinig na ako sayo,” Pilit kong inaalis ang yakap niya sa akin. “Hindi ko alam Miguel ano ba ang mangyayari sa atin ngayon,” totoo natatakot ako lalo sa naging takbo ng relasyon namin ngayon na parang saglit ay sasaya kami then ilang araw lang hindi na naman kami maayos ni Miguel. Kumalas siya sa yakap sa akin. “Sorry nagseselos lang ako mahal. Paano kung balikan mo yun lalo pa na ang gago ko, paano kung iwan mo ako at sumama ka sa ex mo,” para siyang bata na hindi alam ang gagawin habang nagsusumbong. “Walang ikaw kung meron pang siya,” naninigurado ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa taong iyon at parehas na kaming masaya sa mga bago naming karelasyon. Masaya ako kasama si Miguel kahit na minsan sarili lang niya ang iniisip niya at mas gusto niya na siya lagi ang baby. “Sorry mahal at salamat sa patuloy na pag-intindi sa akin,” seryoso niyang banggit habang nakatingin sa aking mga mata.  Ang puso ko ay sobrang bilis ng pintig. “I love you always mahal,” lumapit ang mukha niya at dinampian ako ng halik sa labi. Mabilis lang yon pero bago pa ilayo ang labi niya ay muli niya akong hinalikan. “I love you too, Miguel.” We talk about the days we never talk about. Maraming bagay na ginawa sa work lagi raw siyang pagod kaya madalang siyang nakakaalis. Over time din madalas.  Biniro ko pa siya na nagsisipag siya para sa future namin. “Para magkaroon na tayo ng  bahay mahal,” pilyo niyang sabi. “Nako tigilan mo yan alam kong kahalayan na naman ang naiisip mo,” saway ko nga sa kanya. Pabiro kong hinampas sa balikat. Nanatili lang kami sandali sa kwarto bago bumaba dahil nalaman kong hindi pa pala ito kumakain ng hapunan. Ayun marupok na naman ang ate niyo Cheska! Basta masaya ako okay na kami ng bebe ko Miguel. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD