CHAPTER 7

2262 Words
Balak ko na talaga na umuwi sa bahay kasi nga para magpa-goods kay mama dahil sa monday incident. Pero dahil inaya ako nila kalbo na pumunta sa bahay nila China para tumambay at mag chill ng inom. Ayun sumama rin naman ako sa kanila kahit na sabi ko ay hindi nga dahil sa uuwi na ako. “Kain muna kayo,” naglalakad papalapit sa amin si China na may dalang pagkain. Ano nga kaya ang dala niya para sa amin. Madalas na rin kami narito. Spot na pag nag ayaan ng inom. Nandito na nga kami kila China at nakapwesto na para mag inom pero syempre bago iyon ay kakain muna kami para hindi masyadong malasing. Sabi chill lang kaya okay lang isa o dalawang bote lang ito malamang. Kumilos na ako para kumuha ng food. “Hoy Che bakit pala absent ka ng monday?” tanong bigla ni Dina. Tiningnan ko lang siya ng saglit bago bumalik sa pagkuha ng pagkain. Marami namang pwedeng itanong iyon pa alam niyang nasa malapit lang ang mga chismoso. “Late akong nagising,” sagot ko habang abala sa ginawang pagpili roon ng foods. “Ulol lagi ka namang late sa first subject pero pumasok ka pa rin,” singit ni Ed. Tang*na nitong si Ed. pag narinig ni Kalbo yan nakikisali pa naman yun pag ganyan. Binigyan ko nga ng masamang tingin si Ed para tumigil dahil alam kong magsasalita pa siyang muli. “Bakit Che totoo naman sinasabi ko alam na alam na namin yan tanong pa natin si Kalbo,” Hindi ko na alam gagawin ko walang preno ang bibig ng bwisit na ito. Sinadya pang lakasan ang pagsabi ng Kalbo. Kaya ayan na papalapit na sa amin si Kalbo. Hinanda ko na ang sarili ko dahil alam kong pagtutulungan na nila akong asarin. Hindi naman ako gaanong kapikunin pero pagdating sa kanilang dalawa napipikon talaga ako ng malala. Hindi sila titigil hanggang sa hindi ko sila hinahabol at pinapalo o kaya sinuntok sa inis. “Ano yan at narinig ko na naman ang kalbo?” tanong niya agad ng makalapit sa akin. Tiningnan ko ng masama si Ed baka sakali na mahuka sa tingin ang hinayupak. “Gago bo sabi ni Che kaya daw hindi siya pumasok ng monday kasi late siya nagising diba lagi naman siyang late at wala ng bago sa bagay na iyon?” Hayop na yan hanap kakampi ang gago. Nasaan na ba si Tep! Pisti ng jowa niya masyadong trippings! Nakatingin lang ako sa dalawa. Kunot ang noo ni Kalbo pero agad namang nawala iyon bago sa akin binaling ang tingin na kakaiba. Inalis ko ang tingin ko kay Kalbo at Ed, nag tuloy lang ako sa pagkuha ng food tsaka agad na sumibat palayo sa kanilang dalawa. Paaminin nila ako. “Saan ang punta mo?” tanong ni Ed na nakasunod sa akin kasama si Kalbo. “Yan Che nahuhuli ka,” narinig ko pang sabi ni Dina. Siya may kasalanan nagtanong pa kasi kaya ayan na pagtutulungan ako ng dalawa ngayon. “Wala nga late lang ako nagising kaya hindi na ako pumasok,” sagot ko. They give me ‘weh look’ “Francheska Duran kilala na natin ang isa’t isa halos dalawang taon na tayong magkasama kami pa ang uungasin mo?” “Pwede bang tinamad lang ako?” tanong ko pa. “Kung ganun di sana nag-aya ka,” sagot ni Ed. “Agree ako sayo tol,” Nakasunod talaga sila sa akin hanggang sa nakaupo na ako roon. “Ako nga tigilan niyo!” kunwaring inis kong sabi. “Tol may tinatago!” Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Ed. Binigyan ako ni Kalbo ng nagtatanong na tingin. Hindi ko alam isasagot ko kasi pag nagsasalita ako ginagamit nila iyon laban sa akin kaya dapat mag-ingat lalo pa’t sa dalawang ito. Umiwas ako ng tingin baka kasi makita nila na hindi ko alam ang sasagot ko. “Sabi sayo bo may tinatago na sa atin yan si Che,” Masyado lang ginigiit na may tinatago ako sa kanila. “Tigilan niyo kumain ako,” Kumain lang ako kahit panay ang anong ng dalawa. “Nasaan ba ang jowa niyo at ako naman ang iniinis niyo rito?” “Wala ito bo,” Akala ko ay titigil na ang mga bwisit tuloy pa sila tapos dumating pa si Ry na boyfriend ni China. Mas lalo akong pinagtutulungan ng tatlong ito. “Timpla na para makapag simula na tayo,” tawag ni Tep. “Hoy Ed timpla na daw,” sabi ni Ry sa kanya. Tumingin lang si ED kay Tep. “Awit nangangamoy LQ lods,” tawang tawang pang aasar ni Kalbo. Mas lalong lumakas ang tawanan at pang asar kay Ed ng makita namin na umirap si Tep sa kanya. Confirm LQ sila. Nalipat kay Ed ang panunukso. Kamo- kamot lang siya ng ulo. Iyon na ang pagkakataon ko na umalis doon habang busy pa sila sa pang aasar kay Ed. Lumakad ako papunta kay Tep at China, nandoon na din pala si Jess siya ang nililigawan ni Kalbo. Nasa classmate daw ang forever. “Timpla na tayo Che,” sabi ni Tep sa akin. Parang malala ang LQ nila ni Ed pero sila minsan lang mag-away. Sila China at Ry ang madalas kaya parang natural na lang sa amin na makikita silang ganun pero sa kanila hindi nakakapanibago. Ano naman kayang pinag awayan nila. “Ano bang binili niyo?” tanong ko. Pinakita nila sa akin yung gin ba binili nila. Nalukot yung mukha ko ng makita ko ang dami nito. Ang sabi chill lang pero bakit parang walwalan ata. Mali ng desisyon na sumama ako. “Dami naman niyan,” “Si Tep bumili niyan,” sabi ni Dina. Malala nga ang pinag awayan nila. “Ano bang ginawa ni Ed?” tanong ko. Akala ko nga hindi na sila nag-aaway pero may ganito din pala silang tagpo. Ayaw sumagot ni Tep sa tanong ko. “Nambabae ba?” “At nahuli mo?” segunda na tanong ni Jess sa sinabi ni China. Wala pa rin kaming na kuhang sagot mula kay Tep. lahat kami nag-iisip kung ano at bakit? “Nag heart na naman ba ng mga babae sa t****k?” tanong ko. Nakita ko na nagbago ang itsura ni Tep, so tama ako sa sinabi ko na iyon. “Ayun pala kaya pala badtrip si boss Panyang!” pang aasar ni Jelly na kakadating pa lang. “Tang*na mo!” Hinyaan ko lang sila roon sa tabi ko na nag-aasaran. Kumuha na ako ng gin para matimpla na ng maayos para masimulan na. Naririnig ko pa na pati pala si Kalbo nahuhuli ni Jess na nag heart ng mga babae sa t****k na naka bra lang. Mga lalaki talaga. Panay tuloy ang reklamo nila. Jowa pa more hindi ko lang masabi. Magtimpla ko yung alak ay pumwesto na kami. Tahimik lang sila roon. “Upo na nasimulan na,” sabi ko kay Jed na kararating lang. Nakikinig ako sa mga kwentuhan nila sa paligid ko. Pagpapaikot lang ako ng shot doon dahil mga tamad kasi sila at madalas nalilito kung sino na dapat ang iinom. Hindi ko alam kung lasing na o makakalimutin lang talaga sila. Wala pa ring napapatinag kay Tep at Ed. “Wa pansinan?” pang aasar ni Jed. ngayon pa lang ata niya napansin na ganun yung dalawa. Pagkaubos na yung laman nag timpla na agad. Hindi ko na bilang kung ilan na ang timpla ko tinamaan na ako ng iniinom namin. “Jed ikaw muna mag paikot,” sabi ko. Gusto ko kasi mag cellphone kaya ganun. Pumayag naman si Jed sa sinabi kong iyon. Nagpalit kami ng pwesto ni Jed pero bago ako umupo sa pwesto ni Jed kanina kinuha ko muna yung phone ko. Ngayon katabi ko na si China. Lasing na siya. Feeling strong ang bakla. Dama ko na nag doble na paningin ko shuta. Ilang beses ko pang inulit yung pag type ko ng password ko sa phone dahil may mali. ‘Lasing na nga ata ako,’ Wala pa rin pala akong naging reply kay Miguel. Kasi kanina naisip ko baka pag nag reply agad ako sa kanya isipin niyang easy to get akong babae tsaka hindi naman siya gold. “Hoy respeto sa single!” sigaw ni Dina. Lasing na din siya, madalas siya ang unang nalalasing ewan ko mababa masyado ang alcohol tolerance niya kaya madalas siya ang trip na paiyakin sa inuman, sad girl kasi masyado. Lalakero kasi siya-- I mean flirty siya. Nagreply ako kay Miguel. Nag sorry kasi siya sa akin na hindi daw siya nakapag reply agad. Nakakainis naman kasi kahit pa sana nag seen siya para alam kong nabasa niya pero hindi inbox zone lang ako. Hala gago typing siya! “Che ano na shot mo na yan,” Kinuha ko na yung shot ko na nilapag ni Jed sa harapan. “Ayun busy!” “May kabebe time na?” “Ay Bo baka yan yung tinatago sa atin,” Wala akong pake sa kanila. Hinayaan ko na lang sila sa mga sinasabi nila. I just raise my middle finger to them. “Awit bad girl!” “Tang*na niyo talaga!” Nasa akin na naman ang spot light ng mga kupal. “Taray may bebe na!” Nakita kong nag reply na si Miguel pero dahil nasa akin ang atensyon nila ayun hindi ko makita kung anong sabi sa reply kasi pag hinawakan ko phone sure aagawin nila iyon. “Lasing na ba kayo?” tanong ko pa. “Kung ano anong sinabi niyo na,” We continue drinking. Maingay at masyado ng masaya ang kwentuhan nila. “Timpla na,” Hirap na akong ibalanse ang sarili ko pero dapat strong dahil nagtitimpla pa ako at uuwi pa ako sa bahay. “Hoy Che kaya pa ba?” tanong ni Ed. “Oo namna boy,” Kasunod ko naman si Jed kaya pag natumba ako may sasalo sa akin pero syempre dapat hindi ganun, bawal pabuhat sa inuman. Strong tayo ako si Francheska. “Buksan mo nga Jed,” utos ko sa kanya. Kinuha niya sa akin ang bote ng gin tsaka iyon binuksan bago ibalik sa akin. “Dalawa na lang pala ih,” Kaya ang ginawa ko pinabukas ko na din sa kanya para sabay na ang timpla. “Kaya ba yan?” tanong ni Jed ng mabuksan niya yung isang bote. “Wala ka bang tiwala kay Che?” tanong niya. “Ako pa ba,” mayabang ko pang sabi. Malaki kasi yung jug kaya goods naman ng dalawa ang timpla ng gin na sabay. Ewan ko lang kay Tep kung susundan pa namin. “Susundan pa ba ni Tep?” tanong ko kay Jed ng matapos ko na timpla ng alak. “Gago kaya pa ba nila?” tanong niya pa sa akin. “Ako parang di na last two na lang ang kaya ko,” pag-amin ko kay Jed. Wala kasi ako sa kundisyon na mag-inom ngayon inaya lang din talaga nila ako. “Totoo ba Che?” hindi naniniwala na tanong niya. “Oo wala ako sa kundisyon,” Alam nila na pag sinabi ko na hindi ko na kaya hindi na talaga kasi ayoko naman na pilitin kasi kung kaya ko pa makipagsabayan ako sa kanila kahit hanggang umaga pa. “Kung pasundan pa taga timpla na lang ako,” sabi ko kay Jed. Bumalik na kami ni Jed, siya na ang nagdala kasi nga medyo hilo na ako kasi naman marami na ng nainom ko. Bumalik na sila sa dating pwesto nag yosi kasi si Kalbo kaya nandoon sila sa may gate malapit kausap sila Ry at Ed. “Sundan pa ba?” tanong ni Jed ng nakaupo na lahat. “Tama na sa next set na lang,” pigil agad ni China. “Sige itatabi ko muna yung pera na dapat pang bili ngayon,” sagot ni Tep. “So paanong ikot ang ganap?” tanong ko. “Chill lang tayo boss,” Nag play sila ng sound trip. Habang chill lang ang ikot ng baso. Nagkwentuhan na din kami roon. “Hoy Dina ikaw na tama na ang bebe time,” sigaw na tawag nila dito. “May bago na naman siya?” tanong ko pa. Malay ko ba kung bago na yun o yung dati pa rin na 4th year electrician. “Oo gagi,” “Nasaan na yung dati niya?” usisa ko pa. “Pagka graduate ayun nakipag split daw,” Kaloka ano yun jowa lang siya para lagi silang magkikita. Kaya ayan nabuhay na ang asaran nila. Nalaman ko pa yung punyetang kausap ni Dina ngayon ay yung lalaking nakakabwisit sa office nung nakaraan na magbabayad ako. Kanya kanya talaga tayo ng trip sa kahit ano at kahit saan bagay. Naalala ko na naman ang hinayupak na yun. Inis na inis pa naman ako. “Next time sama ko siya,” sabi pa ni Dina. Sumama agad ang mukha ko ng marinig ko iyon mula sa kanya. Mahangin kasi ang isang iyon kaya bakit kailangan isama pa. Supalpal lang kila Ry yun panigurado baka hindi na niya gustuhin na sumama sa amin. Masyado pa naman ungas si Kalbo pag mayabang ang kaharap nila. Kwento lang ng kwento si Dina about sa guy na iyon. Halatang may gusto na siya rito dahil sa kislap ng mata niya habang nag kwento. Mabilis kasi siyang ma-attach sa guy kaya malimit na nasasaktan tapos parang mamasang pa ang bakla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD