CHAPTER 8

2115 Words
Matapos na kami mag-inom tumulong ako sa pagliligpit kasi daming kalat. Sumusuka pa nga si Dina ang harot harot kasi niya masyadong galaw ng galaw. Kawawang Jed yun taga linis ng suka at taga uwi sa kanya sa bahay nila. Around 1:00 am na din kasi kami natapos. Yung last na set kasi ay chill lang ang ikot, di na daw kasi susundan ng isang bote. Tamang kwentuhan na parang wala kaming pasok kinabukasan. Chill lang naman talaga dapat kaso ayun nauwi sa walwalan. Kaya dapat bring your own jowa lagi para sila ang mag uuwi sa mga girlfriend na malapit ng mag-- pass out. Kanina nag papaikot pa ako ng shot lasing na talaga ako hindi na nga ata fair yung tagay ko dahil blurred na ang paningin ko. Maganda na din na nagkwentuhan sila ng matagal kaya nahimasmasan ako kahit paano. Kaya ko ng maglakad ng maayos at hindi na rin ako nahihilo. Naglalakad na kami palabas ng compound nila China ang ingay ni Dina. Epekto ng alak, lasing. “Shhh Dina ang ingay,” saway ko sa kanya. Tahol kasi ng tahol yung mga aso. Syempre baka feeling nila magnanakaw yun kasi ang behavior ng mga aso. Hirap na si Jed na umalalay sa kanya. Lahat ng mga girlfriends nila ay pabuhat na. “Paano uuwi na kami,” paalam ni Kalbo ng marating namin ang kanto. “Una na kayo?” tanong ni Ed. “Oo pre tingnan mo si Jess patay na,” sabi niya at tumingin pa sa jowa niyang halos wala ng malay. “Feeling strong kasi,” tumatawang sabi ni China. Napatigil siya dahil sa ginawa ni Ry. Bigla kasi nitong hilamos ang palad sa mukha ni China. “Ry ang baboy mo!” Away again. Nagpaalam na si Kalbo sa amin. Pinaalalahanan pa si Jed na sabayan din ako. Nakaalis na sila Kalbo dahil tulog na si Jess at tumatawag na ang mama nito. Nag-aantay na kami ng daraan na masasakyan. “Panis kay Che strong!” “Tanga kanina mamatay na ako,” Dumating na tricycle magkasunod tinawag siguro ng sinasakyan nila Kalbo. “Salamat see yah girl,” paalam ko kay China bago lumakad papunta sa tricycle. Nag back ride kasi ako. Ayoko naman na ako ang katabi ni Dina sa loob jusko baka ihagis ko siya palabas pag nainis ako. Hinintay pa kami ng mag jowa na makalayo bago pumasok at umuwi doon kasi matutulog si Ry. Bebe time nila. Dama ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha. Malamig at refreshing. Wala pang limang minuto ay narating namin yung kanto roon kung saan kami mag-aabang ng jeep. “Salamat,” sabi ko kay Jed siya kasi nag bayad ng pamasahe. Akay niya pa rin si Dina, hindi siya natitinag kahit na aalog na siya. Pinauna ko na sila umakyat sa jeep dahil pareho silang may dalang mga lasing. Nakakahiya sa ibang pasahero. Naiilang na lang ako sa nakikita ko ang sitwasyon nila ngayon. ‘Hindi ko po sila kilala,’ iyan ang laman ang isip ko habang nakatingin sa dalawa na todo ang alalay sa dalawang zombie. Kinuha ko nga yung phone ko tsaka sila pasimpleng video, hindi nila ako mahahalata dahil busy sila sa ginagawa nila. Inaantay ko na tumingin sa akin si Jed, malapit na akong bumaba. ‘Tumingin ka!’ Ngumiti ako sa kanya. Nagpaalam ako sa kanya sa pagbuka ng bibig pero wala itong boses. Tumango lang ito pabalik. “Sa tabi na lang ho,” malakas kong sabi. Tinabi na niya sa gilid tsaka ako tumayo at lumakad pababa. Makababa ako doon ay lumakad ako papunta sa sakayan ng tricycle pauwi sa amin. Hindi ako nakapag sabi kay mama na late ako uuwi. Nakasarado na ang pinto roon. Lagot ako. Sakto naman na may nagtitinda sa gilid kaya bumili muna ako ng candy at yakult para hindi ako maamoy ni mama. Hindi na ako lasing dahil nga sa bumaba na ang tama ko. Nakabili na ako ng kailangan ko sumakay na ako sa tricycle na nasa unahan. “Looban po kuya,” Habang nasa byahe ako ay iniinom ko yung yakult at kinakain ko yung candy na binili ko. Mas mabuti ng mag-ingat kaysa naman mahuli ako ulit ni mama durog ako ulit hindi pa nga nito nakakalimutan yung ginawa ko. Naway si Papa ang magbukas ng gate at pinto kasi kung si Mama, sermon ng malala. Naglabas ako ng pera na pangbayad kay kuya dahil malapit na nakalampas na ako sa barangay outpost namin. Marating kami sa kanto ay nag-abot ako ng bayad tsaka lumakad na. Eto na naman tayo! Kabado bente na ako! Nagmamadali ang lakad ko para marating ang tapat ng bahay namin. Patay na ang mga ilaw, madilim na. “Papa!” tawag ko mula sa gate. Tulog na ba sila? Kainis ang lamok pa naman rito sa labas. Panay ako galaw pero sa pwesto lang dahil nga sa mga lamok na pilit na dumadapo sa aking binti. Buti pa yung lamok handang mamatay matikman lang ako! Naiinis ako mismo sa laman ng aking isip ng mga oras na iyon. “Papa!” nilakasan ko ng kaunti ang boses ko para marinig. Dapat ay hindi masyadong malakas kasi yung mga aso ng kapit-bahay mag-iingay kaya dapat moderate lang. Ang tagal! “Papa!” sunod sunod ang pagtawag ko. Lumipas pa ang ilang minuto na nakatayo ako roon at tumatawag. Nagkaroon ako ng pag-asa ng makita kong bumukas ang ilaw sa salas. “Papa!” tawag ko. Finally bumukas na yung pinto sa loob, lumabas mula roon si papa na may dala ng susi para bukasan yung gate. “Umaga na Eska,” Bakas sa mukha niya ang inis sa akin ng makita akong kakauwi pa lang. Pagbukas ng gate pumasok na ako sa loob. Pagtuloy ko sa loob nandoon si mama na naka cross arms at masama ang tingin sa akin. Inihahanda ko na ang sarili ko sa sasabihin niya. “Umaga na Cheska,” maldita niyang sabi. Ngumiti lang ako ng alanganin tsaka tumuloy sa loob patungo sa kusina. Pag marami akong ininom kailangan kong mag water therapy para kinabukasan ay maayos na ang pakiramdam ko. Naririnig ko pa rin si mama na panay ang sermon sa akin kahit pa na wala na ako sa harapan niya. Kumuha ako sa loob ng 1.5 na bote na nilagyan ni mama ang tubig sa refrigerator. Makuha ko ang pakay ko sa loob ng kusina lumakad ako palabas doon at umakyat na sa taas. “Humanda ka sa akin Eska!” Talaga naman nadagdagan na ang kasalanan ko sa kanya. Bukas na lang ang pagtutuos namin ni mama. Nagbukas na ako ng electricfan bago naupo sa bed tsaka ko nilaklak yung tubig, the goal is-- maubos ko siya. Habang pilit kong maubos ang tubig ay nag cellphone muna ako. Nag update ako sa group chat namin na nakauwi na ako. I sent my reply to Miguel. Sakto pa’t online siya kaya ang usapan namin ay tuloy tuloy. Naubos ko na yung tubig ko at ilang beses na ako bumaba para umihi. Hanggang sa banyo dala ko yung cellphone ko baka kasi hindi ko napansin na nagchachat na si Miguel. Para na ako tanga na napapangiti rito. Masama na ito, hindi na nakakatuwa. “Huy Cheska!” saway ko sa aking sarili. Nagpatay na ako ng ilaw tsaka humiga sa bed pero nanatili akong abala sa aking cellphone. Patagal ng patagal ang usapan namin ni Miguel ay mas nararamdaman ko na interesado na ako sa kanya. ‘May boyfriend ka na ba?’ Hala! Bakit kailangan tanungin pa niya yun! Nag-isip pa ako ng magandang reply sa tanong niyang iyon. Kasi makipag chat pa ba ako sa kanya kung may boyfriend na ako dapat understandable na iyon. Nagreply ako ng syempre wala akong boyfriend gusto mo ba na ikaw na lang? Pero agad kong sinundan ng charot! Simple harot lang baka isipin niya gustong gusto ko na agad siya pag ganun. Masyado akong nalibang sa usapan namin ni Miguel kaya inabot na kami ng 3:00 am. Nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa malakas na tunog ng alarm ko. Inabot ko agad yung phone ko para patayin yung alarm. Ang sakit ng mata ko hirap akong magmulat ng mata. Tsaka ko na lang naalala na nakatulog na ako ng hindi nakapag sabi kay Miguel. Nag check ako ng messenger ko may mga unread message nga ako from Miguel. Hirap man ako sa pagmulat ng mata ay pinilit ko na makita at mabasa ang last message niya. Can we go out? Hey where are you? Tomorrow? Marami pa mga message pero tanging iyon ang nakakuha ng atensyon ko dahil doon napabalikwas ako ng bangon. Teka sandali lang! Totoo ba na inaaya niya akong lumabas? Date ba yun? Ilang ulit ko pa na binasa ang message na mula sa kanya. Anong sasabihin ko papayag ba ako na lumabas kami? Ano ba yan, hindi ko alam ang sasabihin ko o kung anong reply ba dapat ang isend ko. Nakaupo ako roon nakatingin sa cellphone ko na hawak, patuloy na nag iisip kung anong irereply ko sa mga tanong niya. I don’t expect that he will ask me to go out with him. Masyado pang maaga para mag assume ako na may gusto siya sa akin. Maybe it's just an attraction, even me I’m attracted to him when we first met. Wala muna ako sinagot sa mga tanong niya. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Binalik ko yung phone ko sa pagkaka charge. Bumaba na ako para kumain dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Uunahan ko na si mama baka umakyat pa siya para gisingin ako mas lalong award winning iyon. Sa kusina ang tuloy ko. “Good morning ma,” bati ko sa kanya. Nilingon niya ako ng mabilis tsaka sinamaan ng tingin. Naupo ako roon tininganan kung anong mga niluto at hinanda ni mama ng umagang iyon. Masarap lahat ng nakikita ko kaya mas nakaramdam ako ng gutom. Kumuha ako ng plato para maglagay ng pagkain. Tahimik pa kami roon kasi nagluluto pa si mama pero ng matapos siya nagsimula na ang seremonyas niya sa umagang iyon. Nakikinig naman ako pero pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Pag sumagot yari ka. Kahit nag dadaldal si mama patuloy lang ako sa pagkain. Tumusok akong muli ng hotdog pang apat na ata iyon. “Hoy ate pahingi ako, tirahan mo ako niyan.” Kababa lang din ni Lota. Inutusan siya ni mama na maghugas ng kamay at magmumug na bago kumain. Ang maldita nagdadabog pa. Yawa ayaw makisama ni Lota mas lalong bad mood si mama. After ng breakfast bumalik ako sa kwarto para maglinis muna. Masyado na ang kalat ng kwarto pag nakita pa ng nanay namin yung lagot ako lalo. Kailangan magpa good shot muna ako. Lahat ng pwede linisin ay nilinis ko na. Feeling mabait lang. I’m almost done. Nagpahinga muna ako nag cellphone na muna. Nagugutom na naman ako. Nag message ulit si Miguel asking me to go out with him. “Enebe yen Miguel,” Papayag na ba ako sa pag-aya niya sa akin lumaba mamaya. Kung papayag ako saan naman kaya kami pupunta? Para naman akong tanga dito na kinakausap ang sarili. Gutom na talaga ako. Dahil pabebe ako pumayag din naman ako sa pag-aya niya sa akin. Bumalik na ako sa paglilinis. Pakanta kanta pa ako habang nagwawalis. 1:00 o’clock in the afternoon na ako bumaba para sa late lunch ko. “Aba anong nakain mo at naglinis ka?” bungad ni mama. Ganyan siya lagi pag naglinis ako. “Baka lagnatin ka niyan,” Hindi ko maintindihan si mama. Ngiti ngiti lang ako, sorry mama maganda ang mood ko today so don’t touch me mama! Kumain lang ako mag-isa roon. Naghugas na rin ako ng plato bago umakyat sa kwarto matutulog muna ako para fresh ako later. Nahiga na ako sa bed just to relax ang kaso hindi ako mapakali dahil iniisip ko kung ano ba ang magandang isuot mamaya sa date namin ni Miguel. Assumera lang date na agad inaya lang lumabas. Dahil bida bida ako nag hahanap na ako ng damit na pwedeng isuot mamaya. Hindi naman sa excited syempre kailangan awra tayo later. Lulubusin ko na ang landi ko later. Wala akong mapili. Hindi ko naman kasi alam ang details. Kinuha ko yung phone ko then I check Miguel’s message. He will fetch me later, sabi niya. Well ganda ako eh. Ginawa ko pumili na lang ako ng top 3 outfit na pwedeng pagpilian ng mabilis later. Bumalik ako sa pag se-cellphone. Para malibang ako habang naghihintay ng oras para mag prepare sa aming date ng aking baby Miggy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD