Sinundo ako ni Miguel. Pero syempre hindi pa sa bahay marami pang tanong si mama pag nakita na may lalaki akong kasama at susunduin pa ako. Ingat din ako sa paglabas baka makita ako ng mga marites sa street namin magsusumbong na naman sila. Mga inggitera kasi!
Pagkita namin ni Miguel hindi ko alam kung anong sasabihin ko or paano ko siya babatiin. Medyo malayo pa ang distansya ko mula sa kanya amoy ko na agad ang lalaking lalaking amoy niya. Jusko! Bakit ganito ang nangyayari sa earth? Amoy yummy. Feeling ko pa mamaya ay magka amoy na kami ni Miguel.
Tiningnan ko sumunod ang suot na damit ni Miguel. Akala ko nga over dress ako, hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ni Miguel. Wala akong idea kung saan ba kami pupunta kaya I wear comfortable. Palagay ko ay hindi sakto lang ang suot ko.
Inabot sa akin ni Miguel ang isang helmet. Nakatingin pa siya sa akin habang ginagawa kong ikabit iyon sa aking sarili.
“Baka matunaw naman ako nyan,” pabiro kong sabi sa kanya.
Hindi siya kumibo pero mas lalo lang lumawak ang ngiti niya.
Sumakay na ako sa motor sa likod niya syempre.
“Bakit?” tanong ko pa sa kanya.
“Kumapit ka,” utos niya. Kaya ginawa ko kumapit ako sa balikat niya.
Kala ko ay aalis na kami pero hindi pa rin. Ano bang trip niya? Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko tsaka ibinaba sa may baywang niya.
“Ayan kumapit ka ng mahigpit baka mahulog ka,”
Bahagya akong natawa.
“Bakit hindi mo ba ako sasaluhin?” seryoso kong tanong. “Charot!” mabilis kong bawi.
“Tara na,” aya ko sa kanya.
“Ayusin mo ang kapit mo ha,” ulit niya pa na paalala tsaka niya pa lang pinaandar paalis doon.
Nag stroll lang kami sa kung saan then we go to the food bazar baka gutom na siya.
Maganda ang place ng bazar malawak. Medyo madilim na ng nakarating namin ang bazar kitang kita mo ang magandang ilaw na nagbibigay ng ilaw sa paligid. Maraming mga couples ang nakasalubong namin ni Miguel ang iba naglalandian pa. Naglibot libot lang kami all over the place then kumain ng kumain kung anong matripan na kainin. Sabi ko sa kanya okay lang naman na fifty kami sa pagbabayad ng food kaso ayaw niya, siya daw ang guy kaya siya ang gagastos at siya naman daw ang nag-aya sa akin. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang iyon.
I really enjoy his company walang dull moments, I don’t expect na madaldal si Miguel I mean makwento pala.
Marami din kaming napag usapan.
Ang hilig niyang mag corny jokes mas natatawa ako sa pagsasabi niya hindi sa joke mismo. Pero nahihiya ako na tumawa kasi ang lakas ng tawa ko pero ayoko naman maging pabebe.
Madalas din na tinitingnan kami ng mga babae, masyado siguro silang nagagandahan sa akin. Snob na lang sa kanila. Hindi ako nagpunta rito para imbyerna lang sa kanilang mga pangit.
I really enjoyed the whole day with Miguel.
Hinatid niya ako pauwi sa amin. Grabe ginabi na kami ng uwi kaya nag-isip na ako ng magandang sasabihin kay mama pag tinanong ako. Nasa alanganing sitwasyon na naman ako. Again and again! Ayun ang nasa isip ko habang nasa byahe kami pauwi ni Miguel.
Unang narinig ko mama ng makapasok ako sa loob ng pinto. ‘Ganyan ba ang uwi ng isang matinong babae?’
Syempre hindi tayo sasagot dahil mabait tayong anak. Gigil na naman siya sa ako akala ko nga babatuhin pa ako. Hanggang sa paggising ko kinabukasan ayun pa rin ang topic ni mama. Pag ako may kasalanan hirap siyang makalimutan iyon.
Ang nakakabwisit na Miguel na iyon hindi na nag chat ulit after ng message niya ng makauwi kami ayun ang huli. Na ghosting ata ako. Feel na feel ko pa naman ang date namin ni Miguel. Tapos ang punyeta ang lalaking iyon ay mang ghost lang pala. Mag send sana ako ng message sa kanya ng mga tatlong araw na kaso na isip ko wag na lang baka isipin ay bet na bet ko siya. Desperada move kasi iyon kaya pinigilan ko sarili ko.
Nakikita ko na naka online siya pero hindi siya nag reply sa last message ko. Kaya naisip ko pa kung may nagawa ba akong mali sa kanya kaya ganun siya? Hindi ko alam kasi wala naman talaga akong ginawa o nasabi. Ang happy pa nga ng date namin e, okay na okay nga kami ang sweet kaya namin.
Nang gigil talaga ako kay Miguel medyo paasa ng very light! Kainis naman kasi bakit ba kasi umasa pa ako na goods kami. Na turn off kaya siya sa tawa ko? Marami tuloy akong tanong dahil sa kanya. Hinayupak na iyon!
Abang na abang ako sa message niya na baka bigla na lang siyang mag reply sa chat ko. Kaso wala nga! Ayun asadong asado ako ngayon. Ika-apat na araw na niya itong walang paramdam pero hanggang ngayon naiisip ko nag mag reply pa rin siya sa akin. ASA PA MORE! Bakit ba masama ba? Malay mo naman diba may chance pa baka busy lang siya kaya ganun. Masamang maging judgemental.
“ATE BILISAN MO DAW!” narinig kong sigaw ni Lota.
Mabilis kong kinuha ang bag ko tsaka nilagay sa aking balikat tsaka lumakad palabas ng kwarto pababa. Ihahatid ako ni papa sa school ngayong umaga para daw ma-sure ni mama na papasok talaga ako ngayon. Yung nanay mong may trust issue, ako rin ma meron na lalo na sa lalaki.
“Hoy Cheska ano babagal bagal ka na naman!” bungad ni mama. “Wag mong sabihin na ayaw mo na namang pumasok?” tanong pa niya.
Si mama kung ano ano na iisip. Wala akong sinabi na ayoko pumasok. Eto na nga at nakabihis na ako at papasok na ayaw ko pa rin ba? Agang high blood ni mama ngayon.
Wala ako sa mood kaya hinayaan ko lang si mama.
“Aalis na ako mama,” paalam ko tsaka lumakad na palabas ng bahay.
Doon ko na lang hihintayin ang papa. Masakit ang tainga ko sa boses ni mama, halata naman na high blood na siya. Hindi pa ako nagtatagal ay lumabas na si papa.
“Tara na at umalis baka malate ka pa,”
Nakatayo lang ako roon habang hinihintay na mailabas ni papa ang motor sa gate. Tuwing gabi kasi ay pinapasok na ni papa ang motor sa loob dahil marami na ang mga magnanakaw. Dati kasi ayos lang na naiwan sa labas ang motor pero ngayon hindi na dahil nga sa baka pag gising namin ay wala na pala kaming motor. Katatapos pa lang naman bayaran ang motor namin. Halos isang taon din namin hinulugan at nakaraang buwan lang natapos.
Sumakay na ako sa motor para maka alis na kami ni papa. Wala ako sa mood ngayon ay hindi lang pala ngayong araw mula ng hindi na nag chat si Miguel sa akin. Pero hindi pa naman ako nag-aya ng inom kaya hindi pa ganun kalala tsaka ayoko pa mag talk about it baka kasi bumalik pa siya diba. Move on agad kahit wala pa.
Mabilis lang kami nakarating sa tapat ng school. Inalis ko ang helmet na suot at ibinalik yon kay papa. Uuwi na siya agad dahil kailangan niya mag ready sa pagpasok niya rin sa work. Mapilit lang din kasi si mama na ihatid ako. Bahala siya pag nalate si papa kasalanan naman niya.
“Pasok ka na,” sabi ni papa.
“Sige na papa ingat ka sa pag-uwi,” paalala ko tsaka tumalikod na at lumakad papasok sa gate.
Tatlo lang naman ang subject namin ngayon ang dalawa computer laboratory pa, the other one naman pasahan lang ng plates na late na ibinigay pero isang araw pa lang deadline na agad, bongga!
Sumalubong agad si China sa akin.
“O bakit?” tanong ko sa kanya.
“Gaga ka akala ko hindi ka papasok,”
Nakakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Maaga pa? Hindi pa ako late bakit hindi agad papasok?
Sa computer laboratory na kami agad nagtuloy ni China. Nandoon na rin ang iba pa namin classmate na bida-bida. Sila yung mga feeling teacher na akala mo sila ang nagbibigay ng grade e hindi naman mga feeling lang talaga.
Wala ako sa mood na makisali sa mga ganap nila sa buhay ngayon kaya tahimik lang ako sa upuan ko nakamasid lang sa paligid kung ano ang ginagawa nila. Ang ingay nila kalbo pinagtatawanan nila yung classmate naming bida-bida na sila na naman ang punteriya kaya inis sila roon.
Ilang beses pa akong pinuntahan at nilapitan nila kalbo para tanungin kung ayos lang ba ako. Syempre sabi ko ayos lang ako. Dumating na rin ang professor namin nagpa activity na lang din siya. Tahimik lang akong gumawa roon sa pwesto ko. Mahirap siya kaya natagalan ako bago matapos ang lahat ng program na iyon. Almost time na ng prof namin pero bukas daw pwede pang ituloy ang pagagawa.
Break na pala ang kasunod nun. Nag-aya sila na kumain na daw muna kaya ayun sumama na rin ako kasi gutom na ako. Kahit naman na wala ako sa mood syempre dapat kakain pa rin. Hindi dala ni Miguel ang kaldero namin.
“Ano ba kasing meron ha?” tanong ni kalbo.
Hindi ko siya pinapansin kasi naman ayoko pa pag-usapan ang nangyari last four days ago sa pagitan namin ni Miguel baka mas lalo pang hindi matuloy ang kung anong dapat mabubuo.
“Nakakapanibago si Che,” komento pa ni Tep.
Bakit na sa akin na naman ang mga atensyon ng mga ito, nanahimik ako na kumain dito tapos nagtatanong ng nagtatanong sa akin ng mga tanong na pati ako hindi ko na rin masagot.
“Baka broken hearted siya,” si Dina iyon na kararating lang.
“Paano nga ma-broken yan wala naman akong napapa balita na may boyfriend yang si Che?”
Kung mag-usap sila ay parang wala ako sa harapan nila. Wala na akong magagawa sa kanila. Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga sila? Pero mas pinili kong magpasa walang kibo na lang. Naiinis lang ako pag naalala ko.
Mabilis din kasi akong umasa na baka may pag-asa diba?
Buong oras na kumakain kami ako ang topic nila kahit hindi ako nakibo ay tinatanong pa rin nila ako ng mga bagay-bagay. I just let them talk about it.
Bumalik na kami sa computer laboratory dahil doon ang next class namin. Eto yun prof namin na laging late pumasok. Ayun na nga late siya pumasok mga 30 minutes na lang ang oras na tinagal niya sa pag discuss ng lesson namin. Wala kaming magawa dahil madalas talaga na late siyang pumasok sa class niya sa amin. Mabilis lang din natapos kaya naman next subject na. Nagpasa lang naman kami ng plates na hindi pa natapos kala namin mag pasa lang ayun may pinagawa pang bagong plates na on the spot ang gawa niya. That day din ang pasahan. Desisyon sa buhay na professor!
Kaya before dapat umuwi ay natapos na yung plate na ibinigay niya. Ginawa ko na agad kaso nahirapan ako sa paggawa medyo komplikado ang pagkakagawa ng plate. Nahuli na akong nakauwi dahil nga sa mahirap at natagalan ako. Gusto na nga ako tulungan nila kalbo kaso tumanggi ako na kaya ko naman kaso talagang mahirap kaya natagalan ako.
Pang-lima ata ako sa huli lumabas ng room.
“Natapos ka rin Duran,” sabi pa nung professor namin. Madalas ko siyang kaasaran kaso wala ako sa mood makipag asaran sa kanya. Bahala na siya dyan basta ko na lang pinasa kanya ang gawa ko tsaka bumalik sa pwesto ko.
Inayos ko na ang gamit ko tsaka lumakad palabas ng school.
Isang oras ata akong nandoon gumagawa ng punyetang plates na yun!
Naabutan ko pa sila kalbo sa labas na yosi break na stress ata sa ginawang plates. Lumapit ako sa kanila para magpaalam na mauuna na para umuwi. After lumakad na ako para mag abang ng jeep but all of the sudden-- may bigla na lang huminto sa harapan ko na nakamotor siya.
Kinabahan ako ng una pero ng inalis na niya ang helmet nakita ko kung sino iyon. Ang lalaking ilang araw ng walang paramdam. Nasa harapan ko siya ngayon nakangiti.
Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito?