Wag mo akong ngitian. Yan ang laman ng isip ko habang nakatingin sa kanya ngayon na nakangiti pa. Hindi nakakatuwa na hindi siya nagpaparamdam ng ilang araw tapos bigla na lang susulpot ngayon tapos lakas ng loob na ngitian pa ako.
“Hi,” bati niya pa sa akin. Sungalngalin ko kaya nguso nito! I cross my arms-- habang nakatingin sa kanya.
Lakas ng loob niyang mag pakita after niya akong i-ghosting. Hindi ko mapigilan ang paglabas ng pagiging maldita ko. Inirapan ko nga ng malala. Nakakabwisit talaga ang lalaking ito. Tapos ngayon ang lakas niyang mag pakita pa sa akin.
“Hey come on, look I’m sorry,” See alam niya na may mali siyang nagawa na hindi siya nagpaparamdam ng ilang araw. Tiningnan ko siya, bakas naman ang sincerity niya.
“Pangit mo kasi kabonding tapos mo akong idate bigla kang mawawala!” reklamo ko pa. Totoo naman kasi ako ng sinasabi.
Wala akong paki alam kung anong iisipin niya basta gusto ko lang malaman niya kung anong nararamdaman ko sa ginawa niyang hindi pag rereply sa message ko.
“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” tanong ko pa na parang naiinis. Nakakagulat na nandito siya dahil ilang araw na kaming walang usap. Kunwaring maldita, deep inside kilig na kilig naman. Bakit pati sarili ko ay hindi sumasang ayon sa pag-iinarte ko. Hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi-- knowing nandito siya sa harapan ko at ako ang dahilan kung bakit narito siya.
“Sinusundo ka para ayain magdate,” nakangiti niyang sabi. Umirap pa ako sa kanya para mapigilan ang ngiti ko. Date na naman tapos pag tapos wala na ulit usap. Ano ganun ganun na lang ba iyon? Pagkatapos niya akong hindi pansinin papakita siya sa akin ngayon. Feeling ko tuloy ngayon ang ganda ganda ko dahil sa ginawa niyang iyon.
“Tara na sama kana,” kubinsi pa niya sa akin. Anong akala niya madadala niya ako sa pagpapa cute niya? Tiningnan ko lang muna siya. Napapayag din naman niya ako lalo na sa ngiti niyang iyon. Sabi ko pa hindi niya ako madadala sa pagpapa cute niya. Siya na mismo ang naglagay ng helmet sa akin. Sumakay na ako sa motor, sa likod niya amoy na amoy ko lalo siya.
“Kumapit ka ng mabuti,” paalala niya. No need to remind me. Nakakatakot naman talaga ma mahulog sayo baka hindi mo na ako saluhin ng pag tuluyan akong na hulog.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sumama naman ako kahit ganun. Masaya ako pag kasama siya kahit na nakakatakot. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Basta nag drive lang siya, I don’t ask him kung saan. Hinayaan ko na lang siya. Sa tuwing kasama ko siya feeling malaya ako mula sa lahat. Huminto siya roon-- I think iyon na ang destinasyon namin. Dinala niya ako sa sea side. Tanaw namin ang city lights habang rinig na rinig namin ang lakas ng paghampas ng alon. Malakas din ang hangin doon kaya ang buhok ko ay magulo na sa lakas ba naman ng hangin na kahit anong hawi mo sa mga hibla na napupunta sa mukha ay hindi mo yun mapipigilan sa lakas ng hangin. Dinama ko ang hangin na humahaplos sa aking mukha, ang sarap sa pakiramdam sa kung paano ito marahan na dumaarmpi sa aking mukha. Mga ngiti sa aking labi ay bigla na lang sumibol. Nakaramdam ako ng kapayapaan na bihira ko lang madama. Kung sun set sana kami nandito panigurado napakaganda ng tanawin na iyon.
Napaka romantic nun para sa aming mga babae. Damay damay na bakit? Ako lang na na feel na ang romantic ng ganun na pareho kayong nanonood ng kung paano ang paglubog ni haring araw. Magkasama kayo ng matapos ang araw na iyon, nakangiti at nakatingin sa isa’t isa. Lumalabas ang pagiging hopeless romantic ko sa mga ganun. Kakabasa ko ng fiction novels to, lumalala na ang imagination ko. Tahimik kami ni pareho ni Miguel na nakatingin sa malayo.
Malalim din ang iniisip niya kaya hinayaan ko siya. Syempre ako rin mag moment. Sarap kaya ng hangin na kapayapaan ang dala sa kalooban. This is the real deal tho! Nature lang and self. Napatingin ako kay Miguel na nakaupo sa tabi ko. Napansin ko kasi na bahagya siyang umusod palapit sa akin hanggang sa magkatabi na kami ng upo. Wala sa akin ang mga tingin niya kundi nasa malayo. Gusto niya ata akong makatabi. Dapat sinabi na lang niya. Pero syempre hindi ko ipapahalata na gusto ko rin. Baka isipin niya agad gusto ko na siya agad. Hinayaan ko na lang siya sa trip niyang iyon basta ako tumanaw na lang ulit sa langit. Masyadong maganda at nakaka relax ang paligid para sirain lang ng chika ko, maybe later na lang. I will enjoy these minutes.
“Ang ganda,” Narinig kong sabi niya pero hinyaan ko lang. Kunwari ay hindi ko narinig dahil alam ko namang maganda talaga ako. No need to state the fact. “Ang ganda,” ulit niya pa sa sinabi niya. Makulit din itong si Miguel. Humarap ako tsaka sinabi.
“Alam kong maganda ako,” nakangiti ako sa kanya ng malapad. I don’t expect na nakatingin siya sa akin. Para akong nahiya sa tingin niya sa akin. Enebe yen Miguel bakit ka nakatingin sa akin. Pereng tenge ke! Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Nanlaki talaga yung mata ko. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Bakit niya ginawa yun? Wtf Miguel ano na? Why biglang nang hahalik!
“Hep hep!” pigil ko sa kanya.
“Baka pag nag sorry ka masampal pa kita kaya shut up ka na lang okay!” inis na sabi ko. Baka kasi mag sorry bigla aba masasampal ko talaga siya ng malala.
“Hindi ako mag sorry,”
“E anong gagawin mo?” tanong ko.
“Uulitin ko pa ulit,”
“Gago!” nagulat kasi ako sa naging sagot niya.
“Hoy Miguel hindi ako babaeng kaladkarin lang na hahalikan mo na lang basta basta!” Nainis ako dahil tumawa siya. Aba gagong itu!
“Bakit ka tumatawa?” tanong ko naiinis naman ako.
“Wala lang ang cute mo kasi,”
“Excuse me MAGANDA ako!” I pop the word maganda.
“I know, na amaze lang ako on how you said my name,”
“Ano namang meron sa pangalan mong Miguel?”
“Sounds good lang pag ikaw ang nagsasabi,” Napairap na lang ako sa kawalan. Magaling mambola ang isang ito ibuh ang tabas ng dila. Bolerong nilalang. Nanatili kami roon. We talk about random things. Halos hindi na namin namalayan ang oras dahil sa mga nakakatawa na kwento ni Miguel.
“May tanong ako sayo?” tanong niya.
“Ano yun?” tanong ko pabalik.
“May boyfriend ka na ba?” Nainis naman ako sa tanong niya.
“Malamang wala kasi kung meron sa tingin mo sasama ako sayo,” Tumango tango lang siya.
“See my point?” Tatanungin niya e malamang wala kasi naman kung meron. Ma-bored kami ay lumakad lakad kami sa paligid. Naghanap ng makakain. Pasimple pang umakbay si Miguel habang naglalakad kami. Mga galawan niya nako!! Baka kasi mahiya siya pag pinuna ko siya.
He doesn't make me uncomfortable-- naman sa ginawa niyang pag-akbay sa akin. Maraming stall doon sa paligid.
“Masarap no?” tanong ko. Sinubuan ko kasi siya ng kinakain ko. “Masarap hindi ba?” tanong ko pa ulit. Sumang ayon siya sa sinabi ko. Kumuha rin siya ng kinakain niya tsaka iyon inilipat sa aking bibig.
“Mas masarap hindi ba?” tanong niya naman sa akin. Kumakain kasi kami ng takoyaki. Favorite pala ni Miguel ito. Ang dami niyang food na binili kung ano ano. Iba ibang stall. Mga limang stall ata ang binilihan namin. Busog na busog na ako pero hindi ko masabi kay Miguel na busog na ako nakakahiya sa kanya. Siya pa rin ang nagbayad ng food. After ng food trip namin ay inaya na niya akong umuwi at hinatid niya ako sa bahay. Hindi ko makalimutan ang ginawang paghalik sa akin ni Miguel ng gabing iyon.
Pag-uwi ko sa bahay hindi maalis sa isip ko ang senaryo na iyon. Napahawak ako sa labi. Naalala ko ang ginawa niyang pag halik sa akin. Nagulat pa ako na nag message sa akin. Akala ko ghost na naman niya ako. Wala rin naman sinabi si mama. Siguro ay nagsawa na siya. Araw araw na ata akong late na umuwi.
Puyat na naman ako kasi nga nag late night talks na naman kami ni Miguel. Ang daming gusto sa buhay pero okay lang at least marunong na siyang mag reply. Inabot na kami ng umaga. Nakatulugan ko na nga siya sa sobrang antok at pagod sa date daw namin. Kaya kinabukasan na ako nakapag reply. Ang ganda ng gising ko. Lumabas na ako sa kwarto tsaka bumaba sa kusina para magkape at kumain ng agahan. Don’t touch me, I'm happy! Ayoko masira ang araw ko.
“Good morning,” bungad ko kay mama ng makapasok ako sa loob ng kusina. “Aba anong meron?” tanong niya. “Wala ma,”
“Aga mo may lakad na naman kayo ng boyfriend mo?” tanong niya. Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Sino may boyfriend? AKO? Hala meron ba ako? Sino?
“Mama ang aga ng joke mo,” sabi ko ng natatawa tawa pa. Nag ready ako ng cup ko na pagtimpla ng kape.
“Ikaw nga Cheska tigilan mo ako sa mga maangmaagan mo,” Mas nagtataka ako sa mga sinasabi ni mama. Tinigil ko ang ginagawa ko tsaka ko hinarap si mama.
“Sino na namang Marites ang bumulong sayo ng maling balita na yan?” tanong ko sa kanya.
“Balita dyan sa labas may gwapo daw na lalaki ang naghahatid sayo dyan sa kanto,” Wala naman akong matandaan na nagpahatid ako sa kanto namin? Malayo lagi ng konti sa kanto kaya paano nila malalaman na ako iyon. Matalas talaga ang mga mata ng mga marites dito sa amin.
“Taray mo naman ma, updated ka. Ako na may jowa daw hindi informed,” Maagang chismis na naman. Sikat ako sa street namin ngayon 100% yun. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kape ko.
“E sino pa bang Cheska na anak ko daw,”
“Mama wag kang mag-alala kung meron na ako ulit na boyfriend ikaw agad makakalam,” Mga kwento mali mali pa.
Nasa talking stage palang kami ni Miguel pero sa kwento nila boyfriend ko na agad.
Nagpapa-bebe pa nga ako. Mga excited kaya ayoko na nagkwento baka maudlot pa. Love life na nga naging bato pa. Ingat nga ako ngayon syempre gusto ko na ng serious relationship.
“Lintik ka! Pa akyatin mo ng ligaw dito,” What the ef! Ligaw sa bahay? Hindi ko nga alam kung ano na kami, ang alam ko lang nasa talking stage na kami. Jusko baka maging assumera pa ako. Kaya dapat kalmado lang sa ligid. Siya na ang gumawa ng paraan. If he wants me then get me baybe!
“Baka walang bayag yang manliligaw mo,” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Ang bibig ni mama walang ring preno. Ay bet check ko nga kung may balls siya. Habang nagkakape kami ni mama panay ang tanong niya tungkol kay Miguel. Interview agad siya wala pa naman nga. Wala tuloy akong masagot na maayos sa mga tanong niya.
“Hoy pupuntahan ka ba rito ngayon?” tanong ni mama. Anong gagawin ni Miguel sa bahay, ako nga gusto kong umalis dito tapos papapuntahin ko pa siya here. Ang boring kaya sa bahay.
“Mama hindi siya pupunta,” sagot ko ng nakakunot ang noo.
“Di papuntahin mo siya rito,” Ay pala desisyon din ang nanay ko. Sino ako para utusan yun hindi ko pa naman siya boyfriend. Luh! feeling ko naman doon. Panay ang pilit sa akin ni mama na gusto niyang makita si MIguel kasi sabi daw ng mga Marites ay gwapo daw ito kaya ang mama ko intriga sa boylet ko. Buong araw ata akong kinulit ni mama na sabihin ko kay Miguel na pumunta sa bahay. Ang tiluk ng nanay ko. Ewan ko ba anong mga sinabi ng mga Marites sa kanya.