CHAPTER 11

2267 Words
I’m happy with Miguel. Lumalabas kami para mag date sa kung saan saan na nga kami napadpad para lang mag date at kumain. Feeling ko pag tumagal pa tataba ako ng kasama siya. Tuloy tuloy na rin ang talking namin ni Miguel. Good night bago matulog may pa good morning din siya every morning. Tatawagan pa ako bago siya mag sleep. Feeling ko may boyfriend na ako. The way he treated me. Feeling maganda ako sa part na iyon. Natatakot ako na baka one day mawala na lang bigla si Miguel. People come and go lalo na’t nagsisimula pa lang kung ano man ang mayroon sa amin. Sabi nga sa advertisement ng Nido check the label mommy! Paulit ulit pa ang lines na check the label mommy! Natatawa na lang ako pag naririnig ko iyon. Sa visual basic naman may label. I dunno pero laging natatapat na naririnig ko yung label. Punyeta lang diba, eto na ba ang sign na kailangan ko ng hingin kay Miguel ang label. Ayoko naman na masaya lang pero walang formalities na may KAMI na officially. Ang bilis nga ng oras na lumipas mag one month na pala kaming nag talk ni Miguel pero hindi namin napag uusapan ang abot that label o kung nanliligaw na ba siya sa akin. Tinatanong ko na agad ang sarili ko kung ready na ba ako kung sakali sa commitment na nagbabadya na. Scary the hell out of me! Sinusundo na rin niya ako madalas sa school at bago ako ihatid sa bahay di maaaring hindi muna kami kakain bago umuwi. Ligaw na ba ang tawag doon? Gusto na ba talaga ako ni Miguel Rosales? Dami kong tanong pero hindi ko alam, sabi dapat daw laging kasama si MAGTA, magtanong kung ano bang real score namin. Natatakot man ako pero gusto ko na si Miguel iyon ang totoo kaya gusto ko na alamin kung mag pag-asa ba na lagyan ng label ang-- thing na ito. Gusto ko rin ma-sure na may nararamdaman na rin siya para sa akin tapos one sided love lang pala ang lahat. Nag assume lang ako na hindi totoo ang lahat ng ipinakita ni Miguel sa akin. Gusto ko na nga siya iflex sa family and friends ko kaso natatakot pa ako na bigla na lang mawala ang lahat na parang bula. Masasaktan ako nun malamang. Nag expect na ako na magkakaroon ng KAMI. Kasi dapat pag mag chat siya ganito, kumain ka na ba? As a friend o kaya good night as a friend. At least alam ko na diba na hanggang friends lang kami. No more no less. Eto naman si mama kinukulit pa rin ako na makilala na si Miguel sa kanila, mabuti pa raw ang mga kumare niyang marites nakita na ang lalaki ko. Bongga sis! Kagabi nag-aya sila Osang na mag bonding daw kami. Dahil last month pa ata ang last na bonding namin mag totropa. Ang problema ko kung paano ako mag sasabi kay mama na pupunta ako roon at iinom. Iniisip ko baka magalit siya. Kanina pa nga ako nag-iisip kung paano ako magsasabi na aalis ako at doon ako pupunta. Sana good mood si mama para mabilis lang mag-paalam. Madalang na lang naman akong mag-inom ngayon. Nasa loob pa kasi ako ng kwarto, nag- iipon ng lakas ng loob para magpaalam kay mama na aalis ako para uminom. Kabado bente ako. Kanina pa ako sisilip silip dito. Sana nasa loob na ng bahay si mama. Naka ayos naman na ako bihis na lang ng damit. Ready to go na ang kaso nga paano ba mag paalam. Gusto ko na umalis kanina pa tawag ng tawag ang mga hinayupak. Naglakas loob na ako para lumabas ng kwarto at bumaba para harapin si mama. On the way na sila ako nandito pa at hindi pa alam kung papayagan ako ng nanay ko. Paano kaya ako magpapaalam? “Hoy ate aalis ka no?” bungad na bungad ni Lota. Ayan agad ang sumalubong ang maepal na kapatid ko. Ang lakas pa ng boses niya hindi pa nga ako nakapag paalam na aalis ako. Malalaman pa ni mama dahil sa impaktang ito. Yawa talaga! Binigyan ko nga siya ng pamatay ng irap. Ayan ang sayong impakta ka! Lumakad na ako para lagpasan siya. Lumapit ako kay mama nandoon pala sa may gate sa harap. “Mama,” tawag ko sa kanya para makuha ang atensyon niya. Nasa akin na ang atensyon niya. “Aalis ako ma,” paalam ko. Alanganin pa ako sa gagawin ko dahil hindi ko alam kung good mood ba si mama. Kunot ang noo niya sa sinabi ko. “May date na ulit kayo ng jowa mo?” tanong niya pa sa akin ng seryoso. Ano na ma? Bukang bibig ang jowa? Ako nga jowang jowa na pero kalma lang dito. Waiting lang. “Hindi, kila Osang pupunta ako nandoon sila Cess,” “Kaya pala ang bait mo,” nailing niyang sabi sa akin. Parang hindi naman same same pa rin naman ah. Mama ang lupit ng imagination daig pa si spongebob. “Mama kung ano ano na yang pinagsasabi mo,” “Mag-iinom na naman kayo ano?” tanong niya. Matic na ang bagay na iyon kung ang punta kila Osang siguradong inuman malala. “Kailangan pa bang sabihing oo?” tanong ko pa kay mama. No need to ask na. Nawa ay pumayag ang aking ina sa aking gustong gawin na pag-inom sa araw na ito. “Nako Cheska kaya ka pala naghuhugas ng mga plato at walis walis mo kanina magpapaalam ka pala para uminom na naman,” “Hala ka ma, anong na naman? Ngayon na nga lang ako nagpaalam ulit,” “Ay oo nga ano? Ngayon ka palang nag paalam na iinom ka pa lang kasi madalas uuwi ka lasing kana,” Sabi ko nga na wag na mag talk kasi na babalik lang din sa akin ang mga sinasabi ko. Shuta sapul ako sa sinabi ni mama. “Awit ate wala ka sa banat ni mama,” pang aasar ni Lota sa tabi ko. Kotongan ko kaya siya? “Ano mama? Alis na ako ha,” sabi ko sa kanya at nakangiti pa. Lumakad na ako pabalik sa kwarto para mag change outfit. Sakto naman na tumatawag na si Osang. Mga madaling madali sila. Kakapayag palang ni mama. Gusto nila nandoon na agad ako. “Hoy mabuti naman sinagot mo na kanina pa ako tumatawag,” bungad niya sa akin na nagrereklamo na. Well totoo naman na ang daming beses na niyang tumatawag sa akin. “Kalmahan lang natin Osang wag high blood,” sagot ko sa kanya. “Malapit na sila, ikaw ang pinakamalapit sa amin ikaw itong late lagi,” Puro reklamo si Osang daming sinasabi kala mo talaga may kausap siya. Natawa ako sa naisip kong iyon. “Ano na namang naisip mo ha!” pasita niyang sabi. “Oo na Trinity papunta na ako,” pang aasar ko sa kanya. Ayaw na ayaw niya na tinawag siyang Trinity sa pangalan niya naman iyon. Inuhan ko na siyang patayin yung tawag kasi alam ko mag rerebat pa ang gagang iyon. Tuwang tuwa ako pag nauunahan ko silang magbaba ng tawag kasi alam kong pikon na pikon sila. Nagpalit ako ng damit. Tsaka nilagay ang mga gamit na kailangan ko. Isinabit ko na sa katawan ko yung bag bago lumakad pababa. “Mama alis na ako,” paalam ko ulit. Kinaway ko pa yung kamay ko. “Mag-ingat ka!” sigaw ni mama. Lumakad na ako palabas ng bahay. Nag message muna ako kay Osang na on the way na ako baka mas umusok ang pwet niya. Abala sila ni Lota na magluto ng paninda na lalabas nila mamaya. Mabuti na lang talaga na may tricycle na agad na dumaan at nakasakay ako hindi na ako tumagal na naghihintay. “Barangay po kuya kanto,” sabi ko tsaka pumasok sa loob ng tricycle. Feeling ko nalalasing ako ngayong araw. Si Princess daw ang bibili ng drinks. Wala pa naman sa aming mag birthday ngayong buwan. Pakiramdam ko may broken hearted sa kanila. Naglabas na ako ng pangbayad sa driver. Anong oras pa lang traffic na. May mga malalaking track na dumadaan. Kaya nag chat ako kay Osang na para mag update, iisipin pa nila na hindi pa rin ako papunta. Eto ang nakakabwisit paglalabas o kaya papasok ang malalaking track. Inabot pa ng ilang minuto bago umusad paabante. Pag katabi ni kuya sa gilid bumaba na ako at inabot ang bayad ko. Makuha ko ang sukli ko umalis na ako lumakad patungo sa bahay nila Osang. Tumunog ang phone ko. Hayop na yan tumatawag pa naglalakad na ako papunta sa kanila. Sinagot ko iyon tsaka binilisan lumakad papunta sa harap ng bahay nila. “HOY MGA GAGO!!” sigaw ko sa phone. Sabay sabay naman ang mga bakla na lumingon sa akin. “Tawag pa ng tawag kala mo naman hindi pupunta,” inis na sabi ko. Pumasok na ako sa loob, ako na mismo nagbukas ng pintuan para makapasok sa loob. Anong aasahan ko sa mga bakla tititigan lang nila ako. “Salamat sa pagbubukas ng pinto ha!” sabi ko ng puno ng sarkasmo ang tinig sabay umirap sa kanila. Malakas na tawanan ang narinig kong sagot mula sa mga bakla. Lumapit ako sa kanila at pilit na sumiksik sa gitna ng mga bakla. “Cheska ano ba parang t*te panay siksik kung saan masikip,” reklamo ni Angel. “Asus favorite mo nga yun Gel!” sagot ko pa sa kanya habang pilit pa rin na nakikipag siksikan sa kanila. Pinanonood lang kami ni Osang na nakaupo sa pang isahang upuan. “Hindi talaga bagay sayo pangalan mo Gel,” komento ni Niem na kalalabas pa lang galing sa kusina. “Angel na may sungay,” dagdag pa ni Mola. “Shut up!” saway ni Angel sa dalawa. Isa-isa ko na silang napalayas sa pwesto roon. Pagka alis nila ang ginawa ko ay humiga ako roon. Patagilid paharap sa kanila. Nakangiti ako ng tagumpay dahil napaalis ko sila roon. “At late ka na naman!” reklamo ni Princess. “Nandito na ako wag kang high blood,” Nagtaas ako ng kilay. “Sinong broken hearted?” tanong ko. Wala sa kanila ang sumasagot. So I think meron ngang broken hearted dito kaya may ganap kami ngayon. “Tara shot puno!” sigaw ko. Bumangon ako sa pagkakahiga. Umayos ng upo. Tinititigan ko sila na nandoon sa harapan ko. Sino kaya sa kanila ang broken hearted. Kailangan pa bang lasingin bago magsalita? Binaling ko ang tingin kay Princess dahil siya raw ang nag-aya ng inom. “Gaga hindi ako,” tanggi niya agad. “Ako lang ang magpapa shot,” Kung hindi siya sino sa mga lukaret na ito ang broken hearted. “Mga gago kayo hindi ako manghuhula!” inis kong sabi. Nagpapalitan pa sila ng mga tingin. Wala ata silang balak na magsabi ng totoo. “Papanget niyo ka-bonding!” sabi ko pa at tumayo lumakad patungo sa pinto. “Saan ka pupunta?” rinig kong tanong ni Osang. “Uuwi na ako kaya niyo na yan,” Akmang lalabas na ako ng pinto ng matigilan ako sa narinig ko. “Break na kami ng boyfriend ko,” Agad akong bumaling ng tingin paharap sa kanila. What the ef! “Pakiulit nga ang sinabi mo?” utos ko. I don’t know what to say? “Bili na ng alak,” sabi ni Princess. Tahimik lang ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa nalaman kong iyon. Ang hirap paniwalaan ng mga iyon. Ang marami akong tanong. Bakit? “Anong iinumin natin?” tanong ni Princess. “Kahit ano basta alam mong nakakalasing,” sagot ni Niem na nasa tabi ko. “Hanap na kayo ng food pa-padeliver na lang tayo,” sabi pa niya bago umalis kasama si Mola. Nag -iwan na sila ng pangbayad sa food. Makaalis sila. Ako, si Niem, at Osang lang ang natira. Tahimik lang kami roon na nakaupo. Nasa kusina si Angel. “Paano ang nangyari?” tanong ko. “Huy mamaya na magkwento naman later,” pigil pa ni Niem sa akin. Kahit gaano kayo katagal na magkasama dadating sa punto na iiwan ka rin at maghihiwalay din kayo ng mga landas. Mahal niyo man ang isa’t-isa. Expect the unexpected. Wala talaga sa tagal ng pagsasama. Habang naghihintay kami na bumalik sila ay nag prepare na kami ng mga kailangan. Nag-order na rin si Angel ng food. Makabalik sila nagsimula na kami na kumain pero habang kumakain na iniinom na rin para raw makarami ng shot. Masyadong malungkot si Osang dahil sa paghihiwalay nila ng long time boyfriend niya. Hindi namin siya nakitang umiyak pero alam ko at dama namin na nasasaktan siya ng sobra-sobra. No one dare to ask her if she’s fine. Alam na namin na hindi siya okay. “Shot puno na!” Kilala namin si Osang magkwento naman siya pag-alam niyang kaya na niyang i-share. “Cheska kanina pa tunog ng tunog yan phone mo,” sabi ni Angel. Hindi ko napansin kasi naman abala ako sa pagbibigay ng shot sa kanila. “Hayaan mo lang,” “Kaya hindi ka nagkaroon ng bebe,” Binigyan ko siya ng masamang tingin.. “Pasmado bibig mo girl!” Tuloy lang kami sa pag-inom. Nag sound trip na rin sila sumasabay pa sila sa kanta. Mabilis ang ikot ng shot kasi salubong ang ginawa namin para mas mabilis talaga. Uhaw na uhaw ang mga bakla sa alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD