Pagdilat ko ng mga mata ko, umaga na pala. Napalingon ako sa tabi ko, agad na sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Miguel na mahimbing na natutulog. Ang gwapo ng mahal ko! Kaso pag gising siya mukha siya pilyo na alam mong gumawa ng kalokohan. Napahawak ako sa ulo ko ng biglang tumibok ng matindi dahil sa sakit marahil dala iyon ng pag-inom ko kagabi. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng ulo ko, malamang hangover yan Tih! Hindi ko na nagawang makauwi sa bahay dahil sa panay ang bigay sa akin ng shot ng kaibigan ni Miguel. Nahihiya naman ako na tumanggi sa kanila baka sabihin na ang kj ko at hindi ako sumasabay sa kanila. Kaya ko naman makipagsabayan pero kasi wala sa kundisyon ang katawan ko kaya parang ayaw ko, pinilit ko lang ang sarili ko na uminom. Eto namang Miguel nato walang gina

