Three o’clock in the morning– panay ang tawag ni Miguel nagising ako pero hindi ko nasagot ang mga tawag nito Good thing na mahimbing na ang tulog ko ng mga oras na iyon.
Naalala ko na lagi akong nagtatanong sa kanya kung ano ba talaga ang work niya at sa kung saang lugar ba ito pero pag ginawa ko iyon lagi niyang nililihis ang usapan namin para lang hindi niya masagot na parang iwas na iwas siya na masagot iyon kahit– harmless question naman iyon.
Marami na akong nalaman pero lahat ng iyon ay tungkol sa nakaraan niya pero ngayon ang kailangan kong malaman kung ano ba ang totoong ginagawa niya ng hindi ko nalalaman. Ngayon ko lang nabasa ang lahat ng message niya sa f*******: messenger ilang araw ko na rin siya hindi kinakausap dahil bihira na rin kasi siya mag update sa akin at nagsawa na akong maghintay, ramdam ko na parang napipilitan na lang siyang gawin ang bagay na iyon. Wala na akong alam sa kung ano ang totoong ginagawa ng lalaking iyon. Iba ang pakiramdam ko na may ibang nangyayari sa likod ko. Kaya mas nagiging extra sweet siya ng mga nakaraan dahil meron siyang gustong takpan at itago mula sa akin.
Walang sikretong hindi nabubunyag– sooner or later malalaman ko rin ang bagay na pilit niyang pinagtatakpan.
Huli niyang message ay gusto niya na lumabas kami para mag date. Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin. Ilang araw akong hirap na hirap matulog at halos hindi na rin makakain sa kakaisip kung ano ba ang ginagawa niya sa oras na sinabi niyang may trabaho siya. Hirap na hirap na akong maniwala sa mga bagay na sinasabi niya lalo na’t nalaman ko ang tungkol sa nakaraan niya. Yes I don’t have anything to do with his past but still it’s bothering the hell out of me.
Hindi na ako nag-abala na mag reply muna sa mga message niya kasi naiinis pa rin ako. Gusto ko rin sana siya komprontahin at itanong ang mga gusto kong malaman kaso hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na magsimulang pa siya sa akin.
Mula ng nagbago si Miguel ng pakikitungo sa akin lahat ng bagay wala akong gana.
Marami ang gumugulo sa isipan na gusto kong mabigyan ng kasagutan pero alam ko na hindi maiiwasan na ako ay masugatan.
Buong araw akong nasa loob ng bahay namin wala na naman akong class kaya eto sa bahay tulog na lang at cellphone. May pasok si Lota sa remedial niya kaya wala akong kaasaran para akong mababaliw sa loob ng bahay. Nagising ako kaninang nine o’clock in morning pinilit kong kumain then balik ako sa kwarto dahil aalis si mama– tinanong pa nga ako kung gusto ko sumama sa kanya pero mas pinili kong manatili rito sa bahay dahil nga wala akong gana sa kahit ano. Bumalik ako sa pagtulog. Then now nagising ako mga one o’clock in the afternoon na ulit ako nagising.
Naisip ko lang month ago– okay pa ako.
Nagsasawa na akong umiyak at magmukmok sa kwarto ng paulit-ulit dahil kay Miguel. I love him so much– kaya ang sakit para sa akin na malaman na magtago siya kahit na gusto ko lang na maging honest siya sa akin na walang sikreto sa relasyon namin.
Wala na kaming maayos na komunikasyon. Malabo at magulo na.
I trust him so much.
Sinubukan kong libangin ang sarili sa panonood ng tv kahit hindi maganda ang palabas para lang mabawasan ang pagkabagot ko rito sa loob ng bahay.
Naikot ko na ang buong bahay para lang mawala sa isip ko si Miguel pilit pa rin na bumabalik siya sa isipan ko.
“Mababaliw na ako ng tuluyan!!” I screamed in too much frustration.
Pinatay ko muna yung tv bago lumakad paakyat sa kwarto para maligo. Wala feel ko lang maligo muna para malamigan kahit paano. Syempre sad girl lang pero hindi mabantot.
Pag ako lang mag-isa ang dami kong naisip na kung ano-ano na dapat ay hindi ko iniisip ng masyado. Kailangan ko na harapin si Miguel kasi masyado na akong nagugulo ng sariling isip dahil sa mga pangyayari. Naghihintay lang ako kay Miguel na puntahan ako rito para mag-usap kami. Pero ilang araw na ang lumipas walang Miguel na nagpunta sa bahay para makipag bati o mag sorry sa akin. He act like their is nothing wrong to our relationship.
Tinapos ko na ang paliligo ko at nagbihis na. Nanatili akong nasa loob ng kwarto dahil wala akong ibang gagawin. Ako lang ang mag-isa sa bahay.Inatupag ko lang ang cellphone para mabawasan ang lumbay na nararamdaman ko. Kanina nag sound trip narin ako ng pang sad girl. Playlist ng sad girl. Pinipigilan ko nga na mag shared post kasi pag may isang nakakita lahat sila mag comment at mang asar. Balik tingin sa mga friends na may jowa at naglalandian sa comment section ng post. Kahit na story ng f*******: at i********:!
“Oo na hindi na kami okay ng jowa koo!” sinasampal pa sa akin ng paulit ulit. Ang sweet ng mga picture pati comment.
Tinigil ko na ang pag scroll sa news feed mas nakaka-sad girl. Bumangon ako sa pagka kahiga at lumabas sa kwarto.
“Cheska!” sigaw ni mama mula sa baba.
Dumating na pala ang ang nanay. May pagkain kayang dala si mama? Lumakad ako pababa.
“Hoy ate!” bungad ni Lota sa akin ng nakasalubong ako sa hagdan nakikipag unahan pa siya. “Ano ba yan ate!!” reklamo niya. Mananalo ba siya laban sa akin. HINDI.
Nagmamadali akong bumaba baka kasi gumanti pa siya sa akin.
“Ano na naman ang ingay niyo’ng dalawa?” tanong ni mama.
“Wala ma,” maikling sagot ko.
Nagkakalkal agad ako sa mga plastic bag na nasa ibabaw ng lamesa.
“Ma bakit basa?”
“Umuulan hindi mo ba naririnig?”
Nagulat ako at nagtaka sa sinabi ni mama. Totoo ba na umuulan?
“True ba?” tanong ko ulit.
She just nodded at me— para kumpirma. Hindi ako nakuntento sa sinabi ni mama agad ako tumakbo papunta sa pintuan para silipin kung totoo ang sinasabi niya. Pagbukas ng pinto agad na sumalubong sa akin ang malakas na hangin at tulog ng pagbagsak ng ulan.
“Manhid na ba talaga ako?”
Sinara ko na ang pintuan tsaka bumalik sa loob ng bahay.
“Naniwala ka na?” tanong ni mama.
Naghanap na lang ako ng makakain sa dala ni mama. Kumuha ako tsaka umakyat na sa kwarto para magkulong ulit doon pero hindi pa man ako nakalalayo.
“Babae ka saan ka pupunta?” habol na tanong ni mama.
“Akyat lang ako ma.” sagot ko sa kanya at naglakad ng muli paakyat.
Masarap ang dala ni mamang kakanin at suman pero parang mas gusto ko ang mangga dapat pala nagsabi ako kaso ngayon ko pa lang naman naisip.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama at doon kumain ng mga dala ko na nakuha sa pinamili ni mama, may apple pala akong nabitbit.
“Stress eating na ba ang tawag pag ganito?” tanong ko sa sarili habang sarap na sarap sa pagkain.
Well I don’t care basta pag may food kain lang ng kain.
Bigla na lang tumunog ang phone. Messenger tone, means may tumatawag. Inabot ko ang phone ko to check kung sino ang nilalang na tumatawag at gumagambala sa pagkain ko.
nanningkit ang mga mata ko ng mabasa ko kung sino ang tumatawag.
Miguel Rosales..
Did he remember that he has a girlfriend nice, anong nakain niya at tumawag at ipapakain ko ulit sa kanya para lagi na siyang tumawag.
Nakatingin lang ako sa phone ko na tuloy lang sa pagtunog. Nag-end na kaso tumawag pa ulit.
I tap to answer his call.
Naka-abang lang ako na magsalita siya sa kabilang linya. I don’t have anything to say– wala naman na akong dapat sabihin. He needs to explain every single detail to me.
“Mahal… nasaan ka? Miss na kita tara alis tayo mag date,”
I keep silent. Miss niya na ako samantalang mas inuuna pa niya ang mga bagay na iyon kaysa sa akin.
“Mahal sorry na bati na tayo babawi ako,”
“Wag puro salita,” matabang na sagot ko.
“Sunduin kita sa inyo ayos kana bye mahal, I love you.” bigla nalang nawala sa kabilang linya.
Maniniwala na ba ako sa kanya na pupuntahan niya ako rito para sunduin? Bakit ang hirap para sa akin na maniwala sa sinasabi niya pero hindi ko rin maalis na umasa na sana nga totoo na babawi siya sa akin kasi hindi talaga maayos ang relasyon namin. Mahal na mahal ko si Miguel kaya pilit kong inuunawa ang mga bagay na ginagawa niya.
Kahit na may duda ako ay kumilos din ako para mag-ayos ng sarili dahil baka nga totoo na bigla na lang sumulpot si Miguel sa harapan ng bahay nami at sasabihin na aalis kami. Nakaligo na rin ako kaya nagbibihis na lang ng maayos na damit.
Umuulan pa kaya?
Lumakad ako papunta sa harap ng bintana para sumilip kung umuulan pa. Sayang outfit pag-umuulan.
Goods hindi na umuulan.
Naghintay ako na tumawag ulit si Miguel bago ako bumaba at lumabas ng bahay. Tinatamad nga ako gusto matulog ulit.
Tumawag din naman siya para sabihin na nasa labas na siya. Iyon na ang signal na hinihintay ko para bumaba at lumabas ng bahay. Nagpaalam ako kay mama na aalis ako.
“Mama alis me.. bye,”
“Saan ang rampa mo?” tanong pa niya.
Ngumiti muna ako. “Date syempre ganda ako,”
Lumakad na palabas para makita na si Miguel. Lastly I saw him standing there. Yung puso ko parang gusto na lumbas at lumapit sa kanya. I’m happy seeing him now.
Humakbang ako palapit sa kanya.
“I miss you mahal,” sabi niya ng nasa harapan na niya ako.
He hug me so tight– gumanti naman ako ng yakap. Hindi niya alam kung gaano ko siya namiss. Parang ayaw ko ng bumitaw sa yakap niya sa akin. Amoy na amoy ko ang favorite kong pabango niya.
Kumalas na sa yakap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nakatitig lang siya sa akin na parang ang ganda-ganda ko. Well MAGANDA naman talaga ako.
Kiss me! Bilis ang tagal naman. That’s not clicking baby!
He gives me peck of kiss. “I love you,” sabi niya sa akin.
Napangiti ako ng marinig ko iyon mula sa kanya.
Umalis na kami pagkatapos ng moment namin. Yari na naman ako pag nakita ng mga Marites ang moment namin.
Basta na lang ako sumama ng hindi tinatanong kung saan ba kami pupunta. Mahalaga para sa akin ay kasama ko siya. Eto na ang pagkakataon kong malaman ang totoo mula sa kaniya.
Masaya ako na makakasama ko siyang muli ng kaming dalawa lang na lalabas hindi yung sa loob lang ng bahay. Nakakamiss din kasi ang ganitong date. Mula kasi ng masama niya ako sa bahay ng tropa niya palagi na akong bitbit sa inuman ng tropa niya. Masaya rin pero ayos din sana na may oras na kaming dalawa lang ang magkasama. Quantity time. CHESKA time lang walang tropa na kasama.
Dinala niya ako sa lugar kung saan niya ako unang dating place namin. Sea side. Madilim na ng makarating kami roon. Malakas ang simoy ng hangin tulad din nun. Malamig dahil kanina ay umulan.
Malayo ang tingin ko at nag-isip ng mga bagay-bagay na bitbit ko ng mga nakaraang araw. Tahimik lang din siya na nakaupo sa tabi ko malayo rin ang tanaw. Gusto ko ng magtanong sa kanya. Natatakot ako na masira ang moment namin pero kasi mas lalo akong hindi matahimik hanggat hindi ko malalaman ang lahat mula sa kanyang bibig.
I was praying to god– na sana magsabi siya ng totoo sa akin na hindi na niya itago ang kung ano man iyon mula sa akin. Sobrang nakakabaliw ang mag-isip ng kung ano-ano.
“Mahal, I’m sorry sa mga pagkukulang ko nitong mga nakaraang araw,”
Nanatili akong tahimik, hinihintay na magsalita siyang muli at magpaliwanag pero bigo ako dahil hindi niya ginawa ang bagay na magpaliwanag.