CHAPTER 12

2002 Words
Tumingin pa ako sa paligid. Tahimik na ang buong bahay patay na rin ang ilaw sa-- living room. Ibig sabihin tulog na sila mama. Maingat ang bawat hakbang ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Kinakabahan ako na baka magising si mama, magagalit siya pag nalaman na late akong naka uwi. Kabado bente na naman ako. Inayos ko ang paglock ng pinto baka may makapasok. Kakauwi ko lang kasama si Miguel. Every week ends lumalabas kami para mag date. Consistent naman ang set up namin ni Miguel. I think-- nagkakaintindihan na kami. The feeling is mutual. One month-- na ang nakalipas mula ng nag-umpisa kaming mag-usap at lumabas ni Miguel. Pinakita niya na nag-effort siya sa akin. Na gusto na niya ako. Nararamdaman ko naman iyon sa mga ginagawa niya at pinakita niya. Araw na nag-inom kami kila Osang sinundo niya ako roon para ihatid sa bahay. Akala ko nagbibiro lang siya. Lasing na ata ako. Umiiyak na si Osang dahil sa mga tunog nila. Gusto nilang paiyakin ito para mailabas ang sama ng loob at ang sakit na nararamdaman. “Lahat talaga ng lalaki gago,” si Angel na naniningkit na ang mga mata dahil sa kalasingan. May iniinom pa kami, marami pa ang nasa pitsel. “Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya,” Kitang-kita kay Osang na nasasaktan siya ng sobra sa mga nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niya. Malungkot ang mga mata niya, wala itong buhay malayo sa Osang na madaldal at laging nakikipag biruan. “I agree with you Gel!” Halos o karamihan sa mga kwento na nalalaman ko ay lalaki ang madalas na nagloloko sa mga babae. Masakit naman talaga maloko lalo pa’t mahal mo ang isang tao. “SHOT PUNO!” sigaw ko tsaka itinaas ang baso na hawak ko. Sumunod naman sila kinuha ang bago at itinaas din iyon. “SHOT PUNO!” “PARA SA PUSONG SAWI!” “BILISAN NA NATIN PARA SAKIT AY MAPAWI!” Pinag untog namin ang mga baso na hawak namin. Masaya kami pero syempre si Osang hindi. Paano ka magiging masaya kung naghiwalay kayo ng boyfriend mo na taon na ang pinagsamahan niyo. Sabay sabay namin na ininom ang laman ng baso hanggang sa maubos. Maduwal duwal ang lahat sa taas ng shot. “Tang*na ka Cheska!” reklamo ni Niem. “Tang*na mo rin Niem,” ganti ko. “Ang taas naman kasi!” Tingnan mo sila, nag reklamo pa samantalang ininom din naman ng sagad. “Ubos niyo na wag na magreklamo,” nailing ako sa kanila. Ginawa ko nilagyan ko ulit ang mga baso. “Gayahin niyo si Osang walang reklamo,” Tahimik lang sila. “Palitan niyo ang tugtog,” Umiyak na naman si Osang dahil sa tugtog nila. Maging ako ay nasasaktan para kay Osang. Makita ko lang siya na umiiyak. Namumula na ang ilong niya. Maga na rin ang ilalim ng mata niya sa kakaiyak. “Shhh we are always here for you Trinity,” alo ni Princess. Lasing na yan nag-english na siya. Madalas yan ganyan kaya pag nag english na lasing na. “Taray mamah!” pang aasar ni Mola. “Tang*na gising ka na!” Bagsak na kasi si Mola. “Alam niyo naman na hindi na ako umiinom madalas,” depensa niya sa sarili. Lahat ng alak na bili ni Princess ay inubos namin ng gabing iyon. Natatakot kami na iwanan si Osang sa bahay nila kasi baka anong maisip niyang gawin. Tinago na rin namin ang phone niya baka kasi mag drunk call or message siya sa ex niya. Baka masapak ko pa ang lalaking iyon. Kaya wag niyang subukan na lumapit pa kay Osang. Masakit na ang tiyan ko dahil sa bigat. Marami na rin kasing alak na laman dagdag mo pa ang pulutan namin. Marami kasing food. “Hindi pa masakit tiyan mo?” tanong ko kay Mola na nakaupo sa lapag at naninimot ng mga pagkain. Umiling lang siya dahil hindi niya maibuka ang bibig dahil sa puno iyon ng pagkain. Kanya kanya na kami ng ginagawa. Habang binabantayan si Osang. “Hoy Cheska sagutin mo na nga yan!” utos ni Angel sa akin. Kinuha ko ang phone ko then I tap to answer. Inilapit ko iyon sa tenga ko. Naghihintay ako na magsalita ang nasa kabilang linya. “Ano tatawagan mo ako tapos hindi ka nagsasalita?” hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kasi naman tatawagan ako wala namang sasabihin. “Lasing ka ba?” mababa ang tono ng boses nito buong-buo. Ganun na ba ako kalasing para marinig ko ang boses ni Miguel. Hala malala na talaga ang tama ko sa lalaking iyon. Lasing lang siguro ako. Nahinto ang pag-iisip ko ng muli magsalita ang nasa kabilang linya. “Now answer me, lasing ka ba?” Nanlaki talaga ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala na totoo ba ang naririnig ko. “Hoy sino yan?” usisa ni Princess. Lahat ng atensyon ay nasa akin. Nilakihan ko sila ng mata para sawayin. “Naka inom lang ako,” tangi ko. Kahit ang totoo ay umiikot na ang paningin ko sa sobrang dami ng nainom. Hindi na nga rin ako maayos. Nakasalampak na ako ng upo. Panay ang saway ko sa mga bakla na wag maingay. “Nasaan ka?” tanong pa niya. “Hmm nasa bahay ng friend ko,” “Saan ? sinong friend?” “Panis may naghahanap sa kanya,” Agad ko inilayo ang phone ko tsaka ni-tap ang mute. “Shh wag kang maingay shuta ka!” Tuwang tuwa pa ang mga gaga. Panay ang salita nito sa kabilang linya. “Did you mute?” tanong pa nito na parang galit. Ay bakit galit? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. “Sorry maingay kasi sila,” “Nasaan ka ngayon susunduin kita now,” Kinabahan ako bigla na parang na-excite ako. “Ah.. eh kasi ano baka dito ako matulog,” alanganing sagot ko. “Hindi susunduin kita at ihahatid ka pauwi sa inyo,” matigas na sabi niya. Balak namin na samahan si Osang dito sa bahay nila ngayon pero dahil kay Miguel uuwi ako. “Ay pala ka?” sarkastiko na tanong ko. “Stop it Cheska!” “Pala desisyon ka kasi,” “Just listen to me,” Lasing na ako stress pa sa lalaking ito na pala desisyon. “Prepare yourself now and send your location now,” utos niya tsaka narinig kong nawala na siya sa kabilang linya. Kikilos pa ba ako? Inaantok na ako at gusto ko na matulog. Nahihilo na rin ako kaso nga lang etong Miguel na ito desisyon masyado sa buhay. Si mama nga hindi pa nag text na umuwi na ako kasi nga alam niya na narito ako kila Osang. Nag message pa si Miguel, minamadali niya akong isend ang location ko sa kanya. Kahit na blurr na ang paningin ko nag send location na ako sa kanya. Inilapag ko na ang phone ko sa gilid then dahan-dahan na tumayo at lumakad papunta sa kusina dahil nandoon ang banyo nila Osang. “Huy saan ka pupunta?” tanong ni Angel. “Mag babanyo lang tih,” Lumakad na ako papunta roon. Nagmumog ako ng tubig mga tatlong beses. Then get some water to drink. Kailangan kong maging sober bago dumating si Miguel. Dala ko sa paglabas ko yung isang malamig na pitsel ng tubig. Goal ko na maubos iyon bago dumating ang paladesisyon na sa Miguel. Ayun na nga wala akong naging choice-- kundi sumunod na lang hinayaan ko siyang ihatid ako sa bahay. Ayoko sana iwanan sila roon dahil nag-aalala lang ako kay Osang. Pero ng makaalis naman ako saktong nahihimbing na ng tulog si Osang. Kinaumagahan pa ang bungad ni mama sa akin. “Himala umuwi ka,” Matic na kasi na pag kila Osang ang inuman wala ng uwian madalas. Hindi mawala sa isip ko ang takot na maaaring mawala ang lahat dahil sa masaya na naman ako lalo pa’t tulad ng nangyari kay Osang. Dalawang linggo na mula ng naghiwalay sila. Nabalitaan ko pa na nakikipag balikan sa kanya ang ex niya. Miguel make sure na binigay niya sa akin ang assurance na ako lang ang babae sa buhay niya na mahalaga ako para sa kanya.  Umakyat ako sa kwarto upang mag palit ng damit panbahay para mas komportable. Iniisip ko kanina ng magkasama pa lang kami ni Miguel na sasagutin ko na siya na gusto ko na magkaroon na kami ng label. Masaya ako pag kasama ko siya, masayang masaya. Bumaba ako ng matapos akong mag palit ng damit panbahay. Uminom muna ako ng tubig tsaka ako nag toothbrush at naghihilamos. May class ako bukas ng morning kaya kailangan kong magising ng maaga. Malalagot ako kay mama pag hindi. Matinding seremonyas na nagaganap pag late ang gising ko. Tinatamad na akong mag-skin care kaya umakyat na ako pabalik sa kwarto. Nagpa-antok muna ako kaya nag cellphone muna ako. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng mabasa ko ang message ni Miguel na nag-update na nakauwi na siya. Magkaharap kami ni Miguel habang hinihintay ang pagkain na dumating. “Wag mo akong titigan ng ganyan,” saway ko sa kanya. Kakaiba kasi ang tingin niya na binigay niya sa akin. Sumilay naman ang malawak na ngiti sa kanyang maninipis na labi. “Ang ganda mo,” Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. “Bolero yern?” “Bakit kita bobolahin,” “Aba ewan ko sayo,” Tahimik na ulit siya. Isang linggo ko na iniisip ito kaya para eto na siguro ang tamang oras para gawin ang bagay na iyo. “Ahmm..” panimula ko. Tumingin naman siya ng diretso sa aking mata. Tinitigan ko lang siya. Ang gwapo ng lalaking ito. “May sasabihin pala ako,” “Ano ang sasabihin mo? Kinakabahan ako,” “Kasi.. ano iniisip ko na papatigilin na kitang manligaw,” “ANO? BAKIT?” tanong niya na parang natataranta. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi na pilit na sumisilay. “Tapos tinatawanan mo pa ako,” reklamo niya. Pilit kong inalis ang ngiti ko sa labi at pina-seryoso ang mukha. “Sabi ko tumigil ka na sa panliligaw sa akin,” “Kaya nga tinanong ko kung bakit?” Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Bakit ba ganito kanina naman na ginagawa ko sa salamin okay naman pero pag nasa harapan ko na pala si Miguel kinakabahan ako ng malala. “Hey bakit?” tanong niya pa sa akin muli na namimilit na sabihin ko ang dahilan ko. “Kasi ayoko na manligaw ka sakin,” “Ano ba paulit ulit ka naman ano nga ang dahilan,” Galit na ba siya? “Bat galit?” pabiro ko pang tanong. “Cheska please sabihin mo and be serious,” Hala galit na nga siya. Seryosong seryoso na ang itsura niya. “Kasi ano eto na ayoko na manliligaw ka sa akin.. binitin ko muna saglit at tumingin sa kanya. Ay may tatanong pala ako?” Matagal muna siya bago sumagot sa tanong ko. “Ano?” “Anong araw ngayon?” Saglit siya nag-isip. Bago niya sinabi ang date. “So next month mag se-celebrate ba tayo ng monthsary natin,” Ang tagal niyang nakatingin muna sa akin bago niya na process ang mga sinabi ko. Ilang minuto pa bago niya ma-process ang sinabi ko. Tumayos siya at lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Thank you so much,and I promise na liligawan kita araw-araw,” “No need having you is giving me happiness,” Finally official na kami ni Miguel and masayang masaya ako ngayon na kami na-- for real. Feeling ko hindi na ako makatulog dahil doon. Bukas ang unang araw na girlfriend ako ni Miguel Rosales. Para akong baliw na nakangiti lang habang tinitingnan ang picture namin ni Miguel kanina. First photo together as a couple. Ang gwapo pala talaga ng Mahal ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD