CHAPTER 13

2109 Words
For the last one week ay masayang masaya ako-- being in a relationship with Miguel. Gusto na siyang ma-meet ng mga kaibigan ko. Pinipilit na ako ni Niem na dalhin ko raw si Migs sa mga bonding namin. Ang bilis nga ng araw pero sa mga araw naman na lumipas na iyon ay masaya ako at laging pinaparamdam ni Miguel na mahalaga ako para sa kanya. Masyado ako nasasanay na nandyan siya lagi kaya parang hindi healthy para sa akin. May mga what if’s pa rin sa isip ko hindi ko mapigilan. I want to enjoy being in a relationship with him I don’t like pressure.    Kaya nga ako nag boyfriend kasi gusto ko ng-- someone to be with and same understanding. Ayokong maging negative and paranoid kaya iniiwasan ko ang mag-isip ng mag-isip baka mabaliw ako. Dapat mag enjoy lang ako kasi kakasimula pa lang ng relasyon namin.    “Ano aalis ka na naman kasama ang boyfriend mo?” nilingon ko si mama ng nakakunot ang noo.  “Ikaw na bata dapat papuntahin mo na dito yang nobyo mo ng makilatis yan,”    Kami na ni Miguel pero hindi ko pa rin siya pinapupunta sa bahay kaya si mama panay ang chika na kailangan ko raw ipapakita ang secret boyfriend ko.  “Panget ba ang boyfriend mo?” Nakataas ang kilay na tanong pa niya. “Kaya hindi mo maiharap sa akin?”    Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita, napansin ko na parang nag-iisip siya. “Pero kasi imposible naman iyon kasi kahit pangit ka choosy ka sa mga jowaers mo pero pinatulan ka?”    Umirap nga ako kay mama. Siya ang nanay ko pero kung makapag sabi ng pangit ako wagas. Alam  niya na I want a poging jowaers well for me may tendency kasi na pag niloko ako diba tapos pangit pa ang kukunin ko parang lugi ako masyado pag ganun.  “Bat galit ka? Nagsasabi lang ako ng totoo,” “Talaga ba ma?”  “Bakit ate maganda ka ba?” nakikisali pa ang malditang bata.  “Oo ganda ako, ikaw ganda ka ba?” “Ate hindi ka naman tinuruan ni mama magsinungaling bakit at paano mo nasabi?”  “Aba nagsalita ang negra!”    Lakas ng loob makipag asaran mamaya iiyak siya ng malala.  “Ay! Mama baka naman bingot ang jowa ni ate,” Tuwang-tuwang sabi niya na nang aasar.  “Excuse ikaw nga ang jowa mo si Tonton eh.. Yung uhuging bata sa labas,” “Yacky ka ate!” inis na inis niyang sigaw.  “Balita ko binigyan ka pa nga ng candy nun,”   Masama na ang mga tingin sa akin ni Carlota. See pikon siya sakin madalas.  “Cheska tigilan mo nga yung kapatid mo,” pigil sa akin ni mama. “Sino nagsimula mang asar?” tanong ko. “Siya diba tapos siya ang pikon,”    Kumuha na ako ng pagkain at hindi ko na pinansin si Lota. Syempre ngiting tagumpay ako napikon ang impakta sa akin. Galit na galit siya kasi hindi na siya nakaganti pabalik sa akin. Kasama na ata sa routine namin sa araw-araw na magbangayan ni Lota, masyado kasing pabida.    Kumain lang ako ng tahimik doon. Alam kong masama ang tingin ni Lota nag-iisip yan ng paraan para makaganti sa akin hindi siya titigil hanggang hindi siya naka gaganti. Dapat laging alerto baka biglang sumugod ang kalaban.    Napangiti ako at tumingin kay Lota na sa harap ko. Sinusubukan niyang sipain ako sa ilalim ng mesa. Nararamdaman ko kasi ang hangin nangagagling sa paggalaw ng binti niya mula roon.  “Mama,” tawag ko para kunin ang atensyon niya sabay tingin kay Lota para maging aware siya na isusumbong ko siya.    Nakita ko na halos pumasok na siya sa ilalim ng lamesa para maabot lang ako. Ang posisyon niya ay nakahiga na halos para lang maabot ako sa kabilang banda.    Pangiti-ngiti lang ako roon at ipinagpatuloy ang pagkain.    “Aray!” daing ko ng maramdaman kong may kung anong tumama sa noo ko.  “Bulls eye!” masayang masaya niyang sabi.    Narinig ng malaglag ang plastik na baso sa lapag matatapos tumama sa noo ko, hindi naman ganun katigas iyon dahil manipis lang. Kinapa ko ang bahagi ng noo ko na tinamaan ng baso. Masakit iyon pero wala naman bukol.   Gusto talaga ng malditang ito ng away. Nanahimik na ako pero siya ang gumagawa ng paraan para lang inisin ako at patulan ko siya.    Lumingon sa amin si mama na naghuhugas ng mga kaldero.  “Kayo ano na naman ang ingay na yan,”   Walang sumagot sa amin ni Lota pero hindi ibig sabihin nun ay palalampasin ko na lang ang ginawa niyang pagbato sa akin. Binubugbog  ko na si Lota sa mga tingin ko. Yari ka sakin pag bumalik si mama sa paghuhugas niya.    Nagkunwari akong abala sa pagkain. Pag-iisipan kong mabuti kung paano ko siya magagantihan at mapapaiyak. Carlota hindi ikaw ang makakapantay sa kamalditahan ko. MAS maldita ako. Player ka palang, coach na ako.  Isipin mo lang na nagtagumpay kana.    Tapos na akong kumain kaya ang ginawa ko tumayo na ako at dala ang pinagkainan ko. Ibinigay ko kay mama ang plato ko. Pasimple kong tinitingnan si Lota na tumayo at pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Makita kong pabalik na siya sa pwesto niya. Nagmamadali ako, hindi niya ako napansin na kasunod niya ako sa likod niya. Hinila niya ang upuan, uupo na sana siya ay bigla kong hinila palayo.    Pinigil ko muna ang tawa ko tumakbo na agad ako palayo sa crime scene. Malakas ang pag-iyak ni Lota roon. Akala niya tapos na. Wag niya akong uumpisahan.    “FRANCHESKAAAAAAAAAAAAA!”    Mas natawa ako ng marinig ko ang malakas na pagtawag ni mama sa pangalan ko. Bahala sila dyan dalawa. Nag lock ako ng pinto ng kwarto baka umakyat si mama. Alam kong gaganti si Lota.    I get my phone-- bago humiga sa bed.    Nag message na si Miguel na nagtatanong kung pwede ko ba siya samahan na may pupuntahan na birthday. Sasama ba ako? Eto na ba ang oras para sumama ako at magpakita na ako sa mga kaibigan ni Miguel.    Mahal nahihiya ako. Reply ko sa message niya.    Totoo yun at kinakabahan ako baka hindi ako magustuhan ng mga tropa niya.  Bakit naman, mabait sila.    Kahit na mabait sila nahihiya pa rin ako sa mga kaibigan niya. Eto pa lang ang unang pagkakataon na ma-meet ko ang friends niya.    Eh.. kasi mahal. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko kung papayag akong sumama sa kanya.    Sige na mahal, paalam kana kay Tita. Pag kumbinsi niya sa akin na sumama sa kanya.    Anong oras na rin kaya. Hindi niya sinabi agad na aalis kami ngayon na may birthday na pupuntahan.  Saan ba iyon? Mahal. Tanong ko sa kanya.   Paano ako magpapaalam kay mama na aalis ako ng ganitong oras na.  Please mahal samahan mo na ako sa birthday ng kaibigan ko.    Shit anong gagawin ko ngayon? Mag-isip ka Cheska!! Binibigla naman ako ni Miguel. Paladesisyon talaga ang lalaking iyon.    Nasabi ko na rin sa kanila na pupunta ka. See masyadong desisyon sa buhay.  Bakit nasaan ka ba?  Nandito na ako sabi ko susunod ka sa akin rito.   Saan ba ang lugar na iyon.  Anong lugar ba yan?   Ayos rin siya eno? Hindi siya nagsabi na nandoon siya. Hahayaan niya akong bumyahe mag-isa, tapos anong oras na rin.    May polo plaza lang mahal.    Matagal akong nag-isip kung paano ako magpapaalam na aalis at pupunta kay Miguel. Malayo ang plaza dalawang sakay din ako patungo roon.    Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko. Nakita ko agad ang pangalan ni Miguel. Iniisip ko ng mabuti kung sasagutin ko ang tawag niya.    “s**t bahala na nga!”    I tap to answer his call.  “Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko anong ginagawa mo?” bungad niya sa akin.  Siya pa ang galit? Sa tono ng boses niya ay lasing na siya.  “May iba ka bang kausap!” akusa niya sa akin.    Nag-uumpisa na uminit ang ulo ko ng dahil sa lalaking ito parang gusto kong siyang sakalin ng walang bitawan. “Sandali lang nag-iisip pa ako!” inis na sabi ko.    Masyado niya ako pinipressure na puntahan siya.  “Wala akong pakpak para puntahan ka agad dyan!”  I can’t help it! He’s getting on my nerves! Napaka gago.  “Sorry mahal please pumunta kana,” biglang umamo ang boses niya.    Ayan ganyan ang mga hinayupak na yan! Magaling lang talaga pag may kailangan.  “Lasing kana ba?” seryoso na tanong ko.    Ang inis ko sa kanya mas lumalala habang kausap ko pa siya.  “Hindi mahal nakainom pa lang,” Pero sa tono ng pananalita niya ay bakas na ang kalasingan.  “Tol ano ba yan, tara na rito sino naman ba yan,”   Nakataas ang kilay ko ng marinig ko iyong sinabi sa kabilang linya. Marami ka palang kausap na lalaki ka kahit may girlfriend ka na.    “Mahal update mo ako, hihintayin kita. I love you bye,” sabi nito. Hindi niya ako hinayaang sumagot binabaan na ako agad.    Masama ang kutob ko sa mga sinabi ng tropa niya. Subukan niya lang talaga!    Tumayo na ako roon. Pumunta ako sa damitan ko para kumuha ng isusuot ko para puntaha ang lalaking hinayupak na iyon. Ngayon malalaman ko na ang ugali ni Miguel Rosales pag nakainom ng alak.    Nagmamadali akong nagbihis at baka kung anong ginagawa ng lalaking iyon. Kinuha ko ang phone inalis sa pagkakacharge. Ayos naman na ang damit na suot ko.    Lumakad palabas ng kwarto-- pababa sa sala. Magpapaalam muna ako kay mama.  “Saan ang punta mo?” bungad ni mama ng malingunan niya ako.    Nanonood sila ng TV ni papa. Nasa akin ang antensyon nila. Nagtatanong kung saan ako pupunta. Pass eight o’clock na kasi.  “Lalabas lang po ako saglit babalik din,”    Please wag na kayo magtanong kung saan. Iyon ang laman ng isip ko habang nandoon sa harapan nila. Sa loob-loob ko kinakabahan ako dahil baka magalit at hindi ako hayaang lumabas.    Nagtitinginan pa silang dalawa nagtatanong sila malamang kung papayagan nila akong lumabas. s**t payagan niyo ako!   “Sige na bilisan mo lang at bumalik ka agad, wag paabot ng madaling araw.” bilin ni mama. “Uuwi ka ba?” tanong ni papa dahilan para paluin siya ni mama sa braso.    Ngumiti lang ako kay papa. “Alis na ako.” paalam ko.   Lumakad na ako palabas ng bahay. Sana may masakyan pa ako. Napakaraming message ni Miguel sa akin.  Mahal?  Nasaan kana Ang tagal mo naman! Ano na? Ano hindi mo na ako pupuntahan? Mapapahiya ako sa mga tropa ko. Maraming say! Pinag iinit niya ang ulo ko lalo dahil sa mga nabasa kong iyon. Sumakay na ako ng tricycle.  “Kuya may mga jeep pa ba na nagdaan?” tanong ko kay kuya driver para makasigurado na makakapunta pa ako sa lalaking hinayupak na iyon.   “May pailan ilan pa naman nag dadaan.” “Salamat po.”   Nag message ako kay Miguel na on the way na ako. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon parang kakaiba. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit ganun. Iba’t ibang senaryo ang pumapasok sa aking isipan.    Makarating ako sa kanto, nag-abot ako ng bayad.    Tunog ng tunog ang phone ko. Malamang si Miguel lang iyon na minamadali akong puntahan siya. Hindi na niya ako sinundo pero nagmamadali pa siya.    Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakasakay ng jeep patungo sa plaza. Bilang na lang ang pasahero sa loob.  “Bayad ho.” agad na inabot iyon para ibigay sa driver.   Umusog ako sa bungad ng jeep para mabilis lang ako makababa mamaya.    Nag message ako ulit kay Miguel para malaman niyang malapit na ako.    Mabilis lang ang byahe dahil wala na masyadong sasakyan sa kalsada. Pagkababa ko tinawagan ko na si Miguel para puntahan ako sa plaza.   “Nandito na ako ano?” bungad ko sa kanya.   Bwisit na lalaking ito!  “MIGUEL!”  “Mahal nasaan ka na?”    Napapamura na ako sa aking isip habang kausap ko ang lalaking ito. “Hindi ka ba nakikinig sabi ko nandito na ako,”   “Sorry mahal, papunta na.” sagot niya tsaka pinatay ang tawag.    Pinatay ko na ang tawag sa sobrang inis ko sa kanya. Minamadali niya akong pumunta rito siya naman ang wala. Ang galing lang talaga niya. Ilang tricycle na nag daan na humihinto sa harapan ko para tanungin ako kung sasakay ba ako. Umiinit na ang ulo ko lalo sa ginagawa ni Miguel. Ayoko ng naghihintay ako. Mag-isa lang ako tapos anong oras na.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD