CHAPTER 15

2001 Words
Nagtataka talaga ako sa mga kaibigan ni Miguel na nagtatanong at hinahanap sa akin si Miguel samantalang ilang araw na kami hindi nagkikita kasi abala daw siya sa bago niyang work. Yun ang sabi niya kaya nga updating lang ang ginagawa niya sa mga nagdaang araw. Kahit ang pagsundo niya sa akin sa school ay hindi na rin niya nagawa dahil sa busy na siya sa bago daw niyang work. Nabanggit lang niya ang work niya pero hindi ko alam o wala akong ideya kung anong klase ng trabaho ang trina-trabaho ng lalaking iyon. Abala rin ako sa mga school ko kasi natambakan ako dahil panay ako sinasama ni Miguel sa lakad ng tropa niya ng mga nakaraang linggo.  Nag focus muna ako sa school works baka may makaligtaan ako at hindi ko pa makumpleto ang lahat ng requirements na kailangan ipasa.  Pero dahil sa may trabaho na nga si Miguel ay maaga na akong nakakauwi, madalas ay nasa bahay na lang ako. Naghihintay nga ako ng message nila Niem na mag-aya ng bonding. Bored na bored na ako ulit sa bahay kaso nga wala akong mapuntahan na iba.  May group work kami ng nakaraang araw sabi pa ni Miguel na ihahatid niya ako sa bahay ng classmate ko pero nag message siya last minute na may duty daw siya, end up commute lang ako.  Napapansin ko rin na parang may iba? Pero hindi ko lang masabi at matukoy kung ano? Kakaiba talaga ang nararamdaman ko, ayoko ng mga bagay na pumapasok sa isip ko kahit anong gawin ko hindi ko iyon mapigilan. Nililibang ko na lang ang sarili para hindi ko paulit-ulit na isipin ang mga iyon baka mabaliw ako.  I ask Miguel na samahan ako sa birthday ng pinsan ko ang sagot niya may duty at aalis daw sila. Hinihintay nila  mama at papa si Miguel dahil sinabi ko na sa kanila na papapuntahin ko ito para makilala nila ang kaso ayun hindi pala siya available. Buong party nasa gilid lang ako at umiinom. Until my cousin ask me to drink with them-- kahit paano ay nabawasan ang inis na nararamdaman ko kay Miguel. Excited ako na finally ay makikilala na niya ang parents ko.  “Huy ate!”  Nawala ako sa malalim na pag-iisip napatingin ako kay Lota na nasa harapan ko na.  “Bakit negra?” tanong ko.  “Bingi ka na ba?”  “Ako nga wag mo akong iniis!” singhal ko sa kanya. Lalapitan niya ako then gagayanin niya ako. Wala na naman siyang magawa kaya ganyan siya.  “Paano tulala ka yung phone mo kanina pa tumutunog,” umiiling na sabi niya tsaka umalis palayo sa akin. Binaling ko ang tingin ko sa phone ko.  Kinuha ko iyon.  Lota is right.  Kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Mola ang nag missed calls sa akin. I called her back. After two to three rings sinagot na nito. “Hoy teh kanina pa ako tumatawag at nag message sayo kahit sino sa amin hindi ka sumasagot!” bungad niya sa akin.  “Bakit ba?” tanong ko na lang.  Masyado ba talagang malalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko napansin na tumutunog ang phone ko. Totoo ba na lahat sila ay tumawag at nag message. Something happening on me.  “Ayos ka lang ba?” tanong niya bigla. Bakit naman nabigla ako sa tanong na iyon. Paano ba sagutin ang tanong na iyon? Ano ang isasagot ko?  “Cheska?” tawag nito sa akin.  “Ha? Ayos lang ako?”  Maging ako hindi nakumbinsi sa sagot ko kay Mola. what the eff Cheska!!  “Okay.. nasaan ka ngayon?”  “Bahay lang ako tih,”  “Come here kila Osang bonding us,” aya niya sa akin.  “G agad!” mabilis kong sagot. Iyon kasi ang hinihintay ko.  “Ayun naman pala kanina pa kami nandito ikaw na lang ang kulang sa amin ang tagal mo kasing sumagot,” paninisi pa niya sa akin.  “Oo na sige na babye na at mag prepare na me,” pag putol ko agad tsaka pinatay na ang tawag.  Kumilos ako agad para maligo. Nagcharge lang ako ng phone before kumuha ng mga kakailanganin sa pagligo ko. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo para makaligo na. Baka tumawag pa ng tumawag pa ang mga baliw na iyon. Kaya mabilis na ligo lang ang gagawin ko. Mga atat pa naman sila, paladesiyon din.  Nagbuhos agad ako. Ginawa ang dapat gawin para mabilis lang. Hinihintay kong pag-aya mula sa mga tropa sa akin. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Para mawala sa isip ko si Miguel na gumugulo, ilang gabi na akong napupuyat sa kakaisip kung ano ba ang tunay na ginagawa niya. Ayoko magtanong o alamin ang totoo dahil pakiramdam ko may mali talaga sa mga nangyayari ngayon.  Naniniwala ako na mahal niya ako at malaki ang tiwala ko sa kanya na ako lang na hindi siya hahanap ng iba para palitan o saktan ako.  Binalot ko ang sariling katawan sa towel tsaka lumabas mula sa banyo, iniwan ko kasi sa ibabaw ng bed yung damit na inilabas ko para isuot.  Pinunasan ko muna ang buong katawan ko before ilagay sa buhok ko at pinulupot doon. Nagsuot ako ng simpleng damit lang dahil wala ako sa mood na mag-inarte pa. Nagsusuklay ako ng buhok at naupo sa ibabaw ng kama, inabot ko ang phone ko para mag check ng message. Hinayaan ko itong nakaladkad lang iyon. Tawag pa ng tawag akala mo naman hindi pupunta. Bumaba ako at sa kusina nagtuloy para makapag paalam na kay mama na pupunta muna ako kila Osang. Pinayagan ako ni mama dahil hindi ako madalas na lumalabas nitong mga nakaraan dahil nga mas gusto ko mag stay sa loob. “Umuwi ka ha!” bilin ni mama. Lumabas na ako ng bahay lumakad patungo sa kanto para mag-abang ng tricycle papunta kila Osang. “Barangay lang ho,” imporma ko sa driver. Sumakay na ako sa loob. Kumpleto na daw ang lahat ako na lang ang hinihintay. Okay nga na nag-aya sila ngayon sa akin dahil sad girl ako. May mga voice recorder na naman na galing kay Mola. ‘Cheeeeeska asan kana nag kakagulo naaaa!’ ‘Party party!’ ‘Lezzgoooo!’ ‘Woooooooh!’ Sobrang ingay nila pati ang background music ay maingay. Sabay sabay nagsasalita halos wala na akong maintindihan. Mga baliw talaga ang mga babaeng iyon, takas sa mental. Sa tono naman ng boses ay hindi naman lasing mga bulabog lang, literal. Mabilis lang naging biyahe ko, matapos mag-abot ng bayad. Bumaba na ako at lakad takbo na tingungo ang bahay nila Osang. Ang mga tanga tumatawag pa. I tap to answer. “Sandali lang ano hindi mga makapaghintay!” bulyaw kong bungad sa kanila bago ko inunahang patayin ang tawag. Mas binilisan ko pa ang lakad ko para marating ang harap ng bahay nila Osang. Palapit ako ng palapit doon ay palakas na rin ng palakas ang mga boses mas naging  malinaw na ang naririnig kong kantahan. Nagwawala ang mga baliw nakakahiya sa mga kapit-bahay. Tumuloy ako sa loob hindi na ako kakatok dahil ang ingay nila, hindi rin ako maririnig. Pagpasok ko sa loob ng nandoon sila Niem at Mola na kumakanta at nagwawala. “Broken hearted ang mga bakla?” tanong ko. “Kanta tayo Che,” aya ni Angel. Lumapit ako kila Cess na nandoon nakapalibot sa mga pagkain. “Tagal mo,” bati niya sa akin. “Atat lang talaga kayo,” Naupo ako sa tabi ni Osang, pinilit kong isiksik ang sarili sa kanya. “Parang tit*!” reklamo niya. “Peborit ko yun!” komento pa ni Cess. “Iww!” Lahat sila ay napatingin sa akin na parang may masama akong nasabi o may mali akong sinabi. “Ikaw pa ang nag-iww?” hindi makapaniwala na tanong ni Mola. Feeling ko ang dumi ko dahil sa mga tingin na ibinibigay nila.  Syempre na jojoke lang ako sa kanila. Sino ba ang ayaw ng ano! Parang ang dirty ko naman. Aba-aba ang bruha pumapalag. “Hoy! Bakla ka wag kang feeling dyan!” pagsita ko sa kanya. “Afam pa ang favorite niyan,” Bumuboses ka pa ha. “Naalala ko nag body shot daw sila sa boracay that time.. Afam ang tinitira ng bading wala kayong laban,” “Ayun body shot pa nga!” pakikisali ni Niem. “Shut up!” pagpapa tahimik ni Angel dito. Tinawanan lang siya ni Mola. “Nako tih true naman diba?” tanong pa nito. “Mga leche magpaka sad girl ka na lang dyan,” Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapunta ang tingin kay Osang. “Ako nga wag niyong tingnan ng ganyan kasi okay na ako,” sagot niya talagang idiniin ang okay na siya. Nagtatawanan na lang kami. “I’m fine now.. I learn to love myself more,” seryosong sagot ni Osang sa amin. Sana all may love ang self. Ngayon ako iniisip ko ang mangyayari sa akin sa oras na maghiwalay kami ni Miguel. “Kasi kung mas mahal mo ang sarili mo.. mamahalin ka rin ng tulad ng pagmamahal sa sarili mo,” advise niya sa amin. “Word of wisdom ang ate mo Osang,” ngiti ngiti si Niem na lumingon sa amin. “Anong ganap natin?” tanong ko sa kanila. Maraming foods kaya may ganap. “Need bang may sad girl muna bago mag bonding tayo?” tanong ni Cess. “Sino ba sad girl ngayon at nag-aya kayo?” tanong ko at nilibot ko ang tingin  sa kanila. “Wala naman celebration lang ito para kay Osang,” sagot ni Mola. Nakaka-proud si Osang, after a week maayos na siya. “Tang*na kahit araw-araw pa tayong mag-celebrate,” mayabang na sabi ni Osang kay Mola. “Panis sa babaeng naka-move on,” proud na singit ni Angel.  “Tara na Cess bumili na tayo,”aya pa niya. Nagsawa sa kakakanta ang mga baliw. “Inom tayo?” tanong Niem. “Aba gago hawakan niyo nga yan!” Sigaw ni Osang. Tuwang tuwa si Niem  kay Osang tumakbo na palayo. “Mola tara na bumili ng alak!” sigaw nito. “Baliw talaga,” komento niya bago sumunod kay Niem. Tripping na naman si Princess. Nag-ready kami ng mga need sa inuman namin. Ang ibang food na ubos na niligpit na namin para konti na lang ang kalat. “Ano kayang bilhin nila?” tanong ni Mola. Nagkibit balikat lang kami sa tanong na iyon. “Pero hindi nga Sang move on kana ba?” intrigang tanong ni Angel. “Bakit anong akala mo sad girl pa rin ako?” balik tanong ni Osang. “Strong ang ati mo Trinity!” tawang tawang pang aasar ko sa kanya. Binato niya ako ng unan. “Bakit pangalan mo naman iyon ha?” inosente kong sabi. “TANG*NA MO FRANCHESKA!” madiin na sabi niya. “Ibuh naman talaga si Trinity malakas,” gatong ni Cess. “Ulol mo Princess Jasmine!” ganti nito. “Kasi naman Princess Jasmine dapat Snow white look at her ,” Angel pointing Cess. That was true. Grabe kasi ang puti ng babaeng iyon. Mahilig kasi ang mama daw niya manood ng aladdin ng pinagbubuntis pa lang siya pero– it turns out na ang puti puti niya. “Dapat kay Cheska ang pangalan mo,” komento ni Angel. “Ikaw nga Angel pangalan mukha naman anak ni Lucifer,” pailing iling pa si Cess. “May point!” sang ayon namin. “Hindi bagay sa inyo ang princess mga mukha kayong kontrabida!” Bumalik na pala ang dala. “Nakiki-comment yern?” “Oo pang kontrabida ako tapos gagawin ko lalasunin agad kita!” sagot ko kay Niem. “Anong binili niyo?” tanong ko pa. “Tequila.” Kanya kanyang pwesto na kami para mag start na sa inom. I want to be like Osang, brave enough to let go. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD