Simula ng dumating ako sa bahay hanggang sa mag– five o’clock tulog ako kung hindi ako ginising ni mama para sabihin na aalis sila hindi pa ako magigising. Pagod na pagod ang katawan ko maging ang isip ko dahil sa ginawa ni Miguel. Paano kung totoo na babae nga niya ang tumawag na iyon– and it turns out na ako pala ang side chic niya. Maraming bagay ang naglalaro sa aking isipan. Nakakabaliw at masakit, sa isipin pa lamang ay nakakadurog na ng puso paano kung tunay na nandoon ako sa sitwasyong iyon.
Bumaba muna ako para humanap ng makakain dahil kumakalam na ang sikmura ko sa gutom kanina pang eight o’clock in the morning— ang last kong kain kasabay ko pa si Miguel yung bago pa niya ako iuwi sa bahay.
Nag-iwan si mama ng food sa lamesa kanina pa ata iyong tanghali na ulam kaya ang ginawa ko ni-reheat ko nalang para naman kahit paano maisip ko na hindi siya iniwan at tira. Ganun kaya gawin ko kay Miguel baka mag warm ulit ang relasyon namin at bumalik ulit sa dati.
Kumain na lang ako then naisip ko na parang gusto ko ng pakwan. Meron kaya sa palengke nun? Magtxt ako kay mama papabili ako. Maaga naman sila makakauwi kasi kasama si Carlota.
Hindi ako matapos kumain kasi panay ang chika ni Niem, daming kwento. Nag message rin ang girlfriend ng tropa ni Miguel na may inuman daw sila. Ito rin ang nagsabi sa akin ng totoo tungkol sa nakaraan ni Miguel. Maghihintay ako ng pag-aya ni Miguel. Mula ng hinatid niya ako ayun walang chat. Kaya heto na naman ako nag-isip ng malala kung ano na ang ginagawa ng hinayupak na iyon. Gustong gusto niya talaga akong na-uulol sa kakahanap at kakaisip kung anong ginagawa ng hinayupak siya.
Akala ko aayain ako ni Miguel na sumama o kaya tanungin ako na kung gusto pero hindi nagsabi na may ganap pala siya na inom ngayon. Parang may ibang gustong kasama. Ang kapal ng mukha niya pag ganun! Kaya wala akong tiwala sa mga tropa ni Miguel dahil hindi ko sila tropa, hinding hindi ako magtitiwala sa mga iyon.
Nag message na ako kay Miguel pero no reply pa rin siya. Aba’t busy na ata siyang makipag landian sa babaeng tumatawag sa kanya. Hindi na ako mapakali nag-iisip ng magandang gawin. Kailangan mahuli ko siya sa akto. Dahil kahit huli na todo deny pa.
Panay na ang message ko at tawag sa kanya pero walang sinagot na tawag at walang reply. Pinipilit niya akong puntahan siya para surprise. Gusto ko rin makita ang bago niyang babae masyado na ang pagtitimpi ko sa lalaking iyon.
I wait until eight o’clock. No response ang gagong lalaki. Kaya ang ginawa ko bumiyahe na ako para pumunta sa kung saan siya nandoon. Wag na wag kang magpapahuli Miguel kasi baka masakal na kita! Iyon ang nasa isip ko habang nakasakay sa jeep.Habang nasa byahe ako hindi ko alam ang gagawin ko dahil malakas ang kutob ko na may kasama siyang babae at iyon yung tumatawag sa kanya na ako ang nakasagot. Sino ba ang tatawag ng ganung oras? Madaling araw na. I can’t explain what I feel. Ayoko pa naman na kinukutuban ako kasi talagang tama at totoo iyon. Dama ko na rin naman na parang may mali pero mahal ko siya kaya mas naniniwala ako sa sinabi niya kaysa sa mga kwento ng iba. Sinabi na niyang nagbago na raw siya. Umaasa ako na totoo iyon kahit pa karamihan ay mga babaero babaero na hindi nagbago.
I tried to contact him but still no response.
Mas lalong lumakas ang kaba sa aking dibdib pati na rin ang kutob ko na may kasama siya babae at libang na libang siya sa pakikipag lambunchingan.
Nagmamadali na akong bumaba sa jeep at tinungo ang sakayan ng tricycle pa punta sa bahay nila Lorenzo.
I can’t explain what I feel.
Makarating ako sa tapat ng bahay nila binigay ko ang bayad ko bago ako nagmamadaling lumakad papunta roon. Wala sila sa labas nasa loob ng bahay nag-inuman.
Hindi na ako nag-abala na kumatok sa bahay nila, pumasok na lang ako basta. Maraming tao sa loob maingay may malakas na tugtog. Pagpasok ko sa loob hinanap agad ng mga mata ko si Miguel.
Napatigil ako ng huminto ang mga mata ko kay Miguel na nandoon abala sa pakikipag halikan sa kung sinong babae.
Wala akong pakialam sa paligid pero maging sila ay nagulat na nandoon ako pinapanood ang boyfriend ko kung paano makipag halikan sa ibang babae. Kitang kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nila na parang may nakita silang multo. Lahat sila ay tuwang tuwa sa ginagawa ni Miguel. Hinahayaan lang nila itong gawin ang bagay na iyon. Kinukunsinti pa nila ang kagaguhan ng kaibigan nila. Nakakatakot na sila na parang walang pakialam sa masasaktan. Okay lang ba sa kanila na ginagawa iyon? Na lokohin ang girlfriend, na makipaghalikan sa iba.
Dama ko ang panginginig ng buong katawan ko sa galit. Pilit kong manatiling nakatayo para mapanood siya pero pati ang tuhod ko ay nanghihina sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Wala talaga siyang pakialam sa paligid tuloy lang siya at mas naging mapusok pa ang halikan nila. Kung saan saan na napunta ang kamay ni Miguel sa katawan ng babaeng kahalikan niya.
Ganito rin ba siya sa tuwing nakipag inuman siya ng mag-isa? Nakalimutan na ba niyang may girlfriend siya.
Akma pa sanang lumapit ang isa niyang tropa para mapigilan sa ginagawa pero pinigilan ko ito. Hahayaan ko siyang makaramdam sa paligid at makita niya na nandoon ako at pinanonood ko siya.
Enjoy na enjoy ang gago sa pakikipag make out niya sa babaeng iyon. Hindi ba alam ng babaeng iyon na taken na ang lalaking kahalikan niya.
I tried to relax and control my emotions– pero kasi this is too much.
Kaya lumakad ako malapit doon. Huminto sa harap nilang dalawa na abala pa rin sa kanilang ginagawa. Kinalabit ko sa balikat si Miguel. Ilang segundo pa bago siya tumigil tsaka humiwalay sa babaeng kahalikan niya.
Maging ang kaibigan niya nanonood lang sa mga susunod na mangyayari.
Pagharap niya sa akin agad ko siyang binigyan ng malakas na sampal sa pisngi. Gulat na gulat siya ng makita ako ang nasa harapan niya. Isang beses pa ay binigyan ko siya ng malakas na sampal sa kabilang pisngi habang hindi pa siya makakabawi sa unang sampal ko sa kanya.
“What now Miguel?” tanong ko sa kanya.
Huling huli kana mag deny ka pa? Subukan mo hindi lang sampal ang makukuha mo mula sa akin.“Anong ginagawa mo rito?” sagot niya ng tanong din ang sagot. “Dapat ba wala ako rito? Para ano nasa kama na kayo ng babaeng yan!”
Mas lalo pa akong nag ngitngit sa galit dahil parang walang guilt sa mukha ni Miguel. After you kiss another woman.
“Now Miguel explain,”
Nakatingin lang ako sa kanya. Naghihintay na sumagot, no answer siya. Aba! Mag deny pa siya samantalang huling huli na siya.
“Siya ang babaeng panay tawag sayo Miguel? Siya rin ang babaeng inuuwi mo sa apartment!” pasigaw na ako.Pigilan ko man ang sarili ko pero ang galit ko ay umaapaw na. Masakit sobrang sakit ng ginawa ni Miguel. “Sumagot ka!”
Hindi siya nakatingin sa akin ng diretso sa akin. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
Hinawakan ko ng madiin ng damit na suot ni Miguel. “Ang gago gago mo!!!”
Nagwawala na ako roon sa loob ng bahay nila Lorenzo walang makakapigil sa akin.
Nabaling ang mga mata ko sa babaeng kahalikan. Lumapit ako agad sa babaeng iyon. Mas maliit siya sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Alam mo ba na may girlfriend si Miguel?” tanong ko sa kanya.
Nasa itsura niya na b***h siya. Mas b***h ako!“Oo alam ko,” matapang niyang sagot. “Eh! Malandi ka palang hayop ka!” malakas na sigaw ko sabay hawak ng buhok niya.
Nagkakagulo na sa loob. Pilit nila kaming pinaghihiwalay ng babae ni Miguel. Hindi ako papayag na wala siyang makukuha na sakit ng katawan mula sa akin.
“Cheska tama na yan,” pigil ng isa sa kanila. “Wag mo akong pigilan!!”
Binuhos ko sa lahat ng galit ko sa paghila ng buhok niya. Madiin na madiin ang kapit ko sa buhok niya. Matagal nila kami bago napaghiwalay ng babae pero sinigurado ko na magkakaroon siya ng pasa at kalmot.
Hindi ako papipigil dahil lang sa sinabi nila. Galit na galit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Niloko ako at ginago lang ng ganun. Nakayakap sa akin si Miguel. Marahas kong tinanggal ang pagka yakap sa akin ni Miguel at tinulak siya palayo sa akin.“Ayos ka lang ba?”
Seryoso ba siya sa klase ng tanong niya. “Gago ka ba!” sigaw ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa tanong niyang iyon sa akin. Sa dami ng sasabihin ay iyon pa. Malamang hindi ako okay. Lokohin ba naman ako ng boyfriend ko na akala ko totoo sakin at ako lang.
Inayos ko ang sarili ko tsaka lumakad paalis doon. Akala ko susundan ako ni Miguel pero mali ako mas mahalaga sa kanya ang tropa niya. Pinatunayan niya na hindi ako mahalaga para sa kanya.
Niyakap nila ako ng mahigpit at pilit na pinatatahan sa pag-iyak. Halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Ang sakit sakit.
“Ang gago naman ng lalaking iyon!” galit na sabi ni Niem.
“Hate ko na yang jowa mo,”
Ang swerte ko sobra dahil nandito sila kasama ko. Nakikinig sa drama ko. Lahat sila pumunta in short notice. Mga nakasuot na ng pantulog.
“Sorry ha,” sabi ko sa kanila.
Nahihiya ako pero sila na lang meron at mas nakakaintindi sa akin.
“No need girl!”
“911 kaya need ng rescue.”
“Pag nakita ko yang lalaking yun babayagan ko siya!”
“Gago walang bayag yun,” sabi ni Mola kay Angel.
“Iww walang balls,”
Lahat kami ay nabaling ang tingin sa pinto dahil bumukas iyon. Pumasok si Osang na may dalang mga plastic bags.
“Tangina nandito nga kayo!” sigaw niya sa amin.
May pasok kasi siya dahil alam namin na nasa ilalim lang naman ng doormat ang susi ng bahay nila.
“Mabuti na lang nabasa ko chat niyo at hindi ako sumama sa workmate ko,”
“Ay wow gold ba sila?” yanong ni Niem.
“Kame gold!” sagot ni Angel at Cess.
Nabaling sa akin ang tingin ni Osang. Naka pout siya habang lumalakad palapit sa amin.
“Wawa naman Cheska namin,” parang binibaby niya ako.
“Anong dala mo?’ tanong ni Cess.
Nag-unahan ang dalawa na lumapit sa mga dala ni Osang na mga plastic bags.
“Alak malamang may broken hearted dito,”
Niyakap ako ni Osang.
“Nandito lang kami para sayo Cheska,”
Dito ako nag punta sa bahay nila Osang kasi hindi ko kaya sa bahay. Baka bigla na lang akong mag break down at hindi ko alam ang gagawin ko. Naglalakad lakad ako kanina wala ako sa sarili nag chat lang ako sa group chat namin na 911. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.
Iyak lang ako ng iyak habang umiinom doon.
“Gago nabugbog ni Cheska yung babae ng jowa niya,”
“Dapat may round 2!”
“Gusto mo abangan natin,”
“Maliit lang parang bata pa nga,”
“Okay lang yun basta nabasagan mo ng mukha,”
Lahat talaga ng tropa ko war freak.
Masyado lang talaga akong umasa na totoo siya sa akin. Mali ako, marami siyang gusto hindi lang ako. Siguro ganun talaga pag matagal bago ulit nakipag relasyon. Akala ko lang ata na masaya sa una lang pala talaga.
“Paano ka naka move on Osang?” tanong ko.
“Masakit? Oo syempre. Pero darating sa punto na ikaw mismo ang aayaw sa sakit na iyon,”
Umiiyak na naman ako ulit. Kasi ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko dahil sino bang deserve na maramdaman ang ganito.