CHAPTER 20

2110 Words
Nagising ako kinabukasan na sobrang tindi ng sakit ng ulo at nahihilo pa. Kahit pa na nahihirapan ako ay nagmamadali akong tumakbo patungo sa banyo ng bahay nila Osang. Bumaliktad kasi ang sikmura ko sobrang tindi ng hangover. Lason ata ang ininom namin kagabi. Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil sa hilo. “Tangina ang sakit ng ulo ko!!” reklamo kong sabi. Nasabunutan ko ang sariling buhok dahil sa matinding pag t***k ng ulo ko. Damang dama ko ang init dala ng alak sa katawan ko. Naubos ang lakas ko sa loob ng banyo. Pati ata ang utak ko ay naisuka ko na. “Hoy gago mag punas ka ng mukha,” utos ni Osang sa akin at hinagisan ako ng bimpo. “Ano ba yan masyado kang magugulatin,” Pinunasan ko naman ang basang basa ko mukha ng bimpo hinagis niya. “Ano kaya mo pa ba?’ tanong pa nito. “Tindi ng sakit ng ulo ko,” daing ko sa kanya. “Hangover.” Lumakad na ito paalis. Patakbo akong bumalik sa loob ng banyo dahil naduduwal-duwal pa ako mayroon pa. Ayoko na uminom. “Che bilis naiihi na ako!” Naghihilamos ako ng may biglang kumakatok. Tinapos ko na tsaka binuksan ang pinto, hindi pa man ako nakalalabas agad na siyang pumasok sa loob. “Tanginang hangover!” reklamo ni Angel. Iniwan ko na siya lumakad na ako palabas ng banyo patungo sa kusina. Kung saan kami uminom doon rin kami nakatulog lahat. Pagpasok ko sa kusina lahat sila roon ay parang walang lakas at may masakit. Mga naka yukyok sa lamesa. Si Osang lang ang maayos na nakakagawa. “Just wait nag painit pa lang ako ng tubig para makapag kape ang lahat,” anunsyo niya. Naupo ako sa gitna ni Cess at Mola na lupaypay pa rin. “Tanginang hangover yan!” “Kasi naman timpla ni Angel pamatay!” “Reklamo ka pa dyan samantalang tapos na at sarap na sarap ka,” agad na sagot ni Angel kay Niel na naglalakad papasok ng kusina galing banyo. Hindi ko talaga kinakaya ang sakit ng ulo ko parang mabibiyak. Konting kilos lang masakit na. “Tridor ang timpla ni Angel yawa!” “Letche kayo tama na nagreklamo pa kayo tapos na ubos na lahat naman tayo na durusa ngayon,” “Aside from her,” turo ni Cess kay Osang. Nakangiting pang asar sa amin. “Nadaya ata tayo?’ tanong ni Mola. “I’m not Angel,” sagot agad ni Osang. Tawang tawa kami sa sagot niya. Lahat kami ay naghihirap sa hangover dahil sa matinding inom. “Cheska okay na ulo mo na lang ang masakit hindi yang puso mo,” “Agree!” sang ayon nila kay Niem. Gusto kong matulog buong araw. Nakakapagod masyado ang mga nangyari sa buhay ko ng mga nagdaang araw. “Hayaan niyo na lang muna si Cheska,” Nag ready na ng kape si Osang para sa lahat. Kaya isa isa na kami na kumuha ng kape. Nakabili na rin ng pandesal si Osang. “Tapang ng kape,” ani ni Cess. “Kaya ka bang ipaglaban?” pabirong tanong ni Niem. “Ako nga hindi pinaglaban,” sabat ni Angel. “Luh gumaganyan ka pa?” nang aasar na sabi Osang. “Tahimik na nga ako magkape na lang tayo,” Abala ang lahat sa kung paano pagalingin ang mga sarili dala ng hangover. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Uminom na rin ng gamot para sa hangover. “Hoy Cheska wala ka bang klase?” tanong ni Niem. Nakalimutan ko na masyado ang sarili at nag focus sa relasyon namin ni Miguel. Mali na gawing mundo ang tao lang. People come and go. “Meron nga hindi na ako makakapasok,” sagot ko. Marami na rin akong mga plates na hahabulin at malapit na ipasa. Nag-update na sila kalbo sa akin about sa school works na hindi ko na ginagawang ipasa. Ilang araw pa lang akong absent pero tambak na ako. “Bakla ka broken ka lang ha wag sisirain ang buhay,” paalala ni Niem. “Maraming lalaki Francheska mas better at mas tratuhin ka ng tama,” segunda ni Osang. Alam kong meron na mas hihigit pa kay Miguel pero kasi mahal ko siya kaya hindi ko maisip ang bagay na iyon. Bulag na bulag ako sa pagmamahal ko sa kanya kahit na nasasaktan ako ngayon umaasa ako na magiging maayos kami na magbabago pa siya. Na maging sapat ang pagmamahal na binigay ko sa kanya. Matuto siyang makuntento sa akin na ako lang at wala na niyang gugustuhing iba. Sapat na ako para sa kanya. “Well anong gagawin mo pag sinabi ni Miguel na kakausapin ka niya?” tanong ni Cess. “Then talk to him,” sagot ni Angel. “Marupok!” sigaw ni Mola. “Nakoo awit sayo lods,” nailing na sabi ni Niem. “Cheers!” sigaw ko tsaka itinaas ang tasa na hawak ko. Sumunod naman sila sa ginawa ko. “CHEERS!” sabay sabay na sigaw namin. “Aray puta!” reklamo ni Mola. Habang nagkakape kami ay nag-asaran pa. Panay usapang ex ang mga gaga sa kung paano sila iniwanan. Throwback ata itu. I’m trying to focus to our topics kasi lumulutang na naman ako kakaisip sa kung anong mangyayari sa amin ni Miguel. “Pero naman iniwan ako nun sa mismong monthsary namin yawa!” kwento ni Mola. “Gago nalaman ko sa tropa ng jowa ko na naging ex yun juts naman daw?” tanong ni Cess. “Totoo tih!” pagkumpirma niya. Pinakita pa ang hinliliit na daliri, kaya tawang tawa kami sa ginawa niyang iyon. Ang gago lang talaga ni Mola kahit kailan. After ng coffee namin nag uwian na muna kami para maligo at mag-ayos ng mga sarili. Gusto ko na matulog dahil sakit na ng ulo ko. Umuwi na ako sa bahay. Naligo lang ako tsak umakyat sa itaas para matulog makabawi. Nakainom na ako ng gamot kila Osang. Nagising lang ako ng pumasok si Lota sa kwarto para sabihin na kumain. Wala naman akong ganang kumain kaya sabi na hindi mamaya na lang bababa ako pag gutom na. “Tsaka pala ate nasa baba daw yung boyfriend mo daw siya,” sabi ni Lota. Tumakbo na siya palabas ng kwarto hindi na ako nakapag tanong ulit dahil nag mamadali na siya. Naguguluhan ako sa huling sinabi ni Lota. Ginawa ko nagmamadali akong bumangon sa kama at umalis. Lumakad pababa para makita kung tama ba ang narinig kong sinabi ni Lota. “Oh Cheska bumaba ka na rito kanina pa ang boyfriend mo na naghihintay,” utos ng mama ng makita akong pababa. Nandoon kasi siya sa tapat ng hagdan. Mukhang aayat siya para tawagin pa ako ulit. Totoo ba narito si Miguel sa bahay namin. Bakit siya pumunta dito? “Eto na po mama.” sagot ko. Tumalikod na si mama at lumakad pabalik sa kusina. Kumain na pala sila ng hapunan, oras na pala hindi ko namalayan. Masakit kasi talaga ang ulo ko dala ng hangover. Lumakad na ako papunta sa kusina para sumunod kay mama. Kumakalam na rin ang tiyan ko sa gutom. Anong sasabihin ko pag nakita ko sa kanya? Nandoon nga siya sa tabi ni Lota nakikipag usap kay papa. Iyon ang gusto kong makita una pa lang pero hindi nangyayari. Tahimik akong naupo sa tabi ni mama. Mag-uusap ba kami para saan? Magsisinungaling lang naman siya sa akin, mas masasaktan lang ako. Mahal na mahal ko siya tapos gaganituhin lang niya ako. Habang kumakin kami ay tahimik lang ako sila lang ang nag-uusap. Mamaya ko na kakausapin si Miguel kailangan kong kontrolin ang emosyon ko baka bigla na lang akong sumabog at kung ano-ano ang masasabi ko sa kanya. Ayoko makita nila mama na hindi kami maayos ni Miguel dahil baka pumangit ang tingin nila rito hindi pa man kami matagal. After ng hapunan ako ang naghuhugas ng plato kahit na ang sabi ni mama na siya na raw, ako ang mapilit dahil hindi pa ako handa na kausapin si Miguel. Nasasaktan pa rin ako at paulit-ulit din ang pag replay ng senaryo sa aking isip ng makita ko siya may kahalikan siyang ibang babae. Durog na durog ang puso ko. Sinadya kong bagalan ang paghuhugas ng plato pero sa huli na tapos din ako sa aking giangawa at kailangan kong harapin si Miguel at kausapin tungkol sa mga nangyari. Gusto ko muna sana umiwas sa kanya masyado akong nasaktan. Naisip ko rin na pag hindi kami nag-usap hindi maayos ang relasyon namin ni Miguel. Pero kasi nakita ko na nakipaghalikan siya sa ibang babae. Lumabas na ako sa kusina. Nasa sala kasi sila mama at oras ng panonood nila ng tv. Nanadoon din si Miguel tahimik na nakaupo sa tabi ni Lota. Lumakad na ako paakyat sa kwarto. “Sige na sundan mo na ang malditang bata,” narinig kong utos ni mama. Hinayaan ko siyang sumunod hindi pwedeng marinig nila mama na mag-aaway kami. Alam ko rin na hindi ko na mapipigilan ang sarili ko dahil galit na galit ako. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, iniwan kong bukas. Naupo ako sa bed. Hinintay ko siyang makapasok sa loob ng kwarto ko. Parang may nakadagan sa aking dibdib na mabigat kaya nahihirapan akong huminga ng maayos, may kung anong nakabara sa aking lalamunan. Nakagat ko ng madiin ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pagkawala ng maliliit na hikbi. Pinahid ko ng mabilis ang mga luha na tumulo mula roon. Tumingin ako kay Miguel na nakatayo sa harap ng pintong sarado. “Cheska, I’m sorry.” “What the eff! Sorry?” hindi ko makapaniwalang tanong. “Maalis ba ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko? Mababago mo ba ang nangyari? Maayos ba ng sorry ang ginawa mo?” sunod sunod kong tanong. Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. “Ikaw lang ang nag sorry na hindi sincere.. Tangina ang sakit sakit! Siguro nga pinagtatawanan na ako ng mga tropa mo dahil nakita kita na may kahalikang babae!” Galit na galit ako gusto ko siyang suntukin. “Dyan ka lang,” pigil ko sa kanya dahil akma siyang lalapit sa akin. Tumigil naman siya at nanatili roon. “After ng ginawa mo mag sorry ka ano ganun ba madali lang mawala ang lahat Miguel? Sana lahat na ayos ng putanginang sorry na yan!” Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung maayos pa ba ang relasyon namin ni Miguel. Mahal ko siya mahal na mahal pero kasi bakit kailangan niya pang hanapin ang mga bagay na kaya ko naman ibigay sa kanya. “Wag na wag mong sasabihin na hindi mo sinasadya ang nangyari! Paano napunta yang labi mo at dumikit sa labi ng babaeng iyon!” “Sorry,” sabi niya. “Miguel ang sorry hindi yan laging ginagamit dahil alam mong may karelasyon ka nakikipaghalikan ka sa babae dahil hindi mo ako kasama! Sa tuwing wala ako sa tabi mo at pupunta ka sa inuman lagi mo yang ginagawa ano!” Ilang segundo pa ay wala siyang sagot. “Sumagot ka!” “Hindi.” “Sabi mo nagbago ka na hindi ba? Pero bakit parang hindi mas lumala ka pa ata?” Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Pinaghahampas ko siya at pinagsusuntok. Gusto kong maalis ang bigat sa aking dibdib ko. “Naisip mo ba na masasaktan ako Miguel! Naisip mo ba?” “Tama na please nasasaktan ako pag nakikita kang nasasaktan,” sabi niya sa akin at pilit na hinuhuli ang dalawa kong kamay na panay pa rin sa pagpalo at pagsuntok sa kanya. “Nasasaktan ka pero ginawa mo pa rin na makipag flirt at nakipaghalikan ka pa!” Napagod na ako, lumayo ako sa kanya. Pinunasan ang basang pisngi tumingin ng diretso sa kanya. “Mahal mo ba talaga ako?” tanong ko. “Mahal kita,” “Pero hindi ako sapat sayo dahil humanap ka pa ng iba,” “Mahal kita maniwala ka,” hindi na niya alam ang gagawin niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Sorry mahal, babawi ako. Mahal na mahal kita,” Sapat ba na mahal niya ako pero hindi siya na kuntento meron na siyang ako. “Give me one more chance please and let’s start all over again.” Nilayo niya ako sa kaniya. Dinampian ng halik sa noo. “Mahal na mahal kita,” Yumakap ako ulit sa kanya. I want to be with him. Gusto kong maayos ang relasyon namin hindi ko kaya na mawala si Miguel sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD