Nag-usap na kami ni Miguel after what happened and I formally introduced him to my parents. Tinitingnan lang siya ni papa hindi naman iyon madalas nakibo sa manliligaw o sa boyfriend ko. Sa palagay ko naman okay siya sa mama at papa. Ang bida-bida kong kapatid kinakausap siya at panay ang tanong ng bruha, nag-aasar din. He made it clear– na gusto niyang ayusin ang relasyon namin kaya nanghihingi siya ng second chance to prove himself to me. Ayoko na iwan niya ako dahil mahal ko siya at gusto ko na siya ang makasama ko hanggang dulo pero hindi pa rin maalis sa akin ang pagdududa dahil nga sa ginawa niya. Trauma sa akin ang makita siyang nakikipag halikan sa iba. Tumatak na iyon sa isip ko na baka gawin niya ulit iyon ng hindi ko alam. Tinanong ko siya kung mahal niya ako, ang sabi niya oo mahal niya ako at ayaw niya akong mawala sa kanya.
I’m trying to convince myself. Gagawin naman niya ang lahat maibalik lang daw niya ang tiwala ko. Hindi madali iyon kaya ang gawin iyon dahil sa mga nangyari pero dahil nga sa mahal ko siya pinatawag ko at binigyan ulit ng chance.
Bakla kong tropa ayun ang rupok ko raw! Wala na akong magawa dahil mahal ko nga si Miguel. Unti ay maibabalik niya naman ang tiwala ko sa kanya. Maayos na bumalik na ulit kami sa dati yung mga una naming mga linggo.
Maayos na kami ni Miguel kaya ang ginawa ko ngayon yung mga gawain ko sa school na hindi ko pa nagagawa. Late na pero magpasa pa rin ako. Baka magkaroon ako ng incomplete ngayong semester. Lagot kami ni Miguel kay mama dahil sinabihan agad ng mama si Miguel na kailangan ko pang makatapos ng pag-aaral.
Thankful rin ako sa mga tropa ko na nag send ng mga kailangan kong habulin na ipapasa ko na kulang ko ng mga araw na wala ako sa sarili dahil kay Miguel.
Hinatid pa ako ni Miguel kanina pagpasok ko. Ang sabi pa niya na susunduin niya ako. Sa tingin ko ginagawa na niya ang sinabi niya na babawi siya sa akin. Medyo kilig-kilig din ako.
Lahat ng class ko today pinasukan ko dahil naghahabol nga ako ng activities at mga quiz.Kinausap ko naman kasi at nag excuse ako sa mga araw na wala ako. Mabuti na lang pumayag kaya ayun nagbasa ako ng mga past lesson baaka mababa ang nakuha ko nakahihiya late na tapos ang baba pa.
Pagod na ako ngayong araw last subject namin. Feeling ko wala na akong utak at naubos na. Mula 7 o’clock in the morning– sa first subject pa lang ang tindi na ng quiz pati activity.
Lumakad na ako palabas ng roon na iyon. Last subject ko iyon today pero natagalan ako sa loob kasi mahirap at marami ang ginagawa. Dumaan ako sa office para puntahan sila kalbo nandoon sila naghihintay sa akin kasi may groupings kaming gagawin.
Ang saya ng mga loko nag-aasaran na naman sila.
“Salamat sa ayuda!” sabi ko sa kanila ng makalapit doon.
“Syempre alam namin na kailangan mo,” sabi ni Ry na biglang sumulpot sa tabi ni Chi.
Natawa ako ng biglang siyang binatukan ng jowa niya.
“Babe naman!” reklamo nito.
“Ang feeling mo kasi hindi naman sayo galing yon,” kontra niya sa jowa.
“Pabebe mo Ry!?” pang aasar ni Ed dahil naka nguso at nagpapacute kay China.
“Awit tol kadiri!”
Lumapit si Jessa kay Kalbo. “Parang hindi ka ganyan?” tanong niya na nangasar ang tono.
“HINDI!” mabilis na tanggi nito.
“Hindi nga pero mas malala,”
“Mas cute ako kay Ry ano,” pinaglalaban niya talaga ang sarili.
Walang titigil sa kanila nag-asaran na ang mga baliw. Maingay na sila kaya sinaway na sila ng school admin nandoon tsaka pa lang sila tumigil. Pinagalitan din sila ng mga girlfriend.
“Kaninong bahay tayo?” tanong ko.
“Sa amin.” sagot ni Steph.
Nalapit lang kasi sila kaya siguro roon ang napili. Umalis na kami kasi kanina pa kami sinasaway ng school admin dahil nga maingay kami.
Nag message ako kay Miguel na pupunta kami sa bahay nila Steph para gumawa ng groupings.
“Nasaan humarot si Dana?’ tanong ni ate Glena.
“May boyfriend yun sa 3rd year,” sagot ni Chi.
Nasa hulihan ako nakikinig sa mga usapan nila. Kausap ko kasi si Miguel kaya mamaya na ako makipag kulitan sa kanila. Nasa ship si Miguel ngayon naka break lang kaya chance na para makapag update kami sa isa’t isa. Ginawa na niya na mag-update and sinasabi na niya sa akin kung nasaan siya at ano ang ginagawa niya. I’m happy kasi kahit paano he’s trying to get back my trust in him.
“Hoy Francheska bilisan mo!”
Inalis ko ang tingin ko sa phone ko nakita ko sila na malayo na mula sa akin. Masyado akong makapag focus sa phone at pakikipag usap kay Miguel. Namiss ko na nga siya.
Kaya nagmamadali akong lakad takbo para makasabay sa kanila. Lumakad lang kasi kami papunta sa bahay nila Steph. Malapit lang tsaka marami kami kaya goods lang hindi namin mapapansin na naglalakad kami.
“Busy kasi masyado!” sabi ni Chi ng makahabol ako.
“Che!” nakangiti kong sabi.
Masaya ako ngayon kaya walang pwedeng makasira ng mood ko. Don’t touch me!
“Masaya ka ata?” tanong ni Jessa.
Ngiting tagumpay lang ako sa kanya.
“Taray hindi grampy?”
“Naka score ka?” tanong ni Chi.
“Gaga ka!” sabi ko sa kanya.
“Ayan kasi gawain!” singit ni ate Glena.
“Awit Chi naka score ka ba?” binalik ko sa kanya ang sinabi niya sa akin.
“Aba syempre tih!:
Tawanan kami sa sagot niya. Ang ingay namin habang naglalakad sa daan kaya pati ibang nagdadaan ay napapatingin sa amin. Nakisali ako sa kanila kasi nagpaalam na si Miguel na babalik na siya sa work. Pati rin yung boys nagtatawanan mas nauuna nga lang sila sa amin.
Pagdating namin kila Steph, nag set up na sila ng mga kailangan namin para daw mas matagak ang bonding. Dahil may mga dimunyu na namang nag-aayang mag-inom.
“Last na inom natin wala si Cheska,” sabi ni Kalbo. Inuurat na naman niya ako kasi hindi pa ako nag kwento sa kaniya. Okay na kami ni Miguel kaya hindi na ako magkwento. Chismoso kasi si Kalboa.
“Kinain na ng sistema ng pagmamahal si Cheska,” komento pa ni Chi.
“Pareho lang tayo mare,” natatawa kong sabi at nag-apir pa kami.
Tinawag na kami para mag start na gumawa ng groupings. Binigyan ang bawat isa ng gawain pero ako tinulungan ko muna si Steph na magluto.
Sumunod na ako sa kanya papunta sa kusina.
“Kamusta ka?”
“Ayos lang,” simpleng sagot ko.
“Ayos na,” pagtatama niya sa sagot ko. “I heard about your boyfriend,”
“Ngayon naman maging okay na kami pero hindi ko pa rin mapigilan na mag doubt kasi syempre sa mga nangyari,”
“Pero aminin mo man o hindi tayong mga babae ay marupok talaga lalo pa’t mahal natin sila,” Steph insisted.
Well sang ayon ako sa bahay na iyon kasi noon pa man sa mga past ex ko ganun din naman ako as long as na mahal mo gagawin mo ang lahat.
“Mabuti nga kayo ni Ed okay na okay,” bigla kong pag-iiba ng usapan.
“Hindi rin kasi lahat ng relasyon pag nag uumpisa ganun may mga ugali at gawi kayong kailangan na matutunan tanggapin. Salungat na paniniwala,”
“Nasa ganung stage pa lang kami ng boyfriend ko,”
Nag-umpisa na kami sa amon pagluluto ng food para sa mga dragon.
“Try to balance things Cheska,”
Paano? Gusto ko nga rin iyong gawin pero hindi ko alam kung paano kasi bigay ako lahat sa kanya kasi nga mahal ko siya ng sobra.
Ang mahalaga para sa akin ay unti-unti kami naging maayos.
After namin mag-ayos ng mga pagkain tinawag na namin sila para kumain syempre mga gutom na sila dahil nga galing pa kami sa school. Buong oras na kumakain maingay at masaya ang lahat dahil sa mga asaran. Hindi mawawala ang mga ganun nila.