Mabilis lang na lumipas ang oras parang nakaraan ay hindi kami maayos ni Miguel pero ngayon masaya na kami at maayos na kahit papaano. Umaasa ako natuloy tuloy na. Mas nararamdaman ko na mahal talaga niya ako dahil kahit na lagi kong– nabring up yung tungkol sa nangyari ng mahuli ko siyang may kahalikang babae wala akong narinig mula sa kanya pero nakikita ko sa kanya na nasasaktan siya sa tuwing nababanggit ko ang bagay na iyon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin iyan lalo’t pag nagagalit ako at pakiramdam ko na may ginagawa na naman siyang kakaiba.
Sinusubukan kong ibalik ang tiwala ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan kasi mahal ko siya. Madalas akong walang oras kay Miguel nitong mga nakaraang araw dahil busy sa mga school works and activities na kailangan na maipasa. Malapit na rin kasi pasahan kaya madalas na update lang ang chat namin ni Miguel. Magkaroon lang kami ng oras sa tuwing ihahatid ako sa school tsaka susunduin at inuwi sa bahay.
Mag-usap lang saglit kaso madalas na pagod kaming pareho dahil sa may trabaho siya, ako naman pagod sa school.
Tulad ngayon may mga kailangan akong gawin pupunta ako sa bahay ng classmate namin para gawin iyon. Hinatid lang siya ako tsaka siya umuwi sa apartment para matulog dahil sa night ship siya.
Sabi ko pa nga na wag na niya akong ihatid para makatulog na siya ng mas mahaba pero dahil makulit at mapilit si Miguel hinayaan ko na lang na gawin ang gusto niya, sobrang laking bagay ng mga ginagawa niyang iyon.
“Cheska kumain muna raw tayo,” aya sa akin ni Lulu na classmate namin.
“Tapusin ko muna ito,” sagot ko sa kanya at tinutukoy ang ginagawa ko.
“Nako wag tara na,” she insisting– na sumama na ako sa kanya. Hinawakan niya yung glue gun na hawak ko pinatay iyon tsaka inilapag.
Wala na akong nagawa dahil sa nakahawak na siya sa braso ko para isama sa loob ng bahay. Naka ready na kasi ang food kaya pinipilit na niya akong pumasok doon sa loob. Nahihiya kasi ako sa iba na nandoon.
“Bakit ba ayaw mo sumama sa kanila?” tanong niya pa sa akin.
“Hindi naman tatapusin ko lang sana ang ginawa ko,” pagdadahilan ko sa kanya kasi naman bakit ba kasi need pa na sumabay sa kanila na kumain sa loob pwede naman ako na mamaya na lang or kung gusto talaga nila akong bigyan ng food sana naman nilabasan na lang nila ako sa working area namin.
Pumasok na kami sa loob mga kumakain na sila. Maingay na rin ang mga ito dahil sa mga asaran. Kumuha ako ng plato at sa gilid na bahagi ng kusina. Ayoko kasi sumama sa kanila dahil may iniiwasan ako sa circle na ito dahil alam ni Miguel na may ex-boyfriend ako na madalas niyang pinagseselosan sa akin. Ayoko naman na maisip niya na gumaganti ako sa kanya. Pero para sa akin wala na ang ex-boyfriend ko na ito maayos naman ang hiwalay namin kaya bakit kailangan pang ma-big deal.
Siya na nga ang boyfriend mo tapos nararamdaman pa niya ang selos na dapat hindi na kasi ngayon siya na ang mahal ko pero hindi niya maintindihan ang bagay na iyon kahit na anong paliwanag ko.
Halos si Lulu lang ang kinakausap ko dahil siya lang naman ang lumalapit sa akin kasi iwas nga ako sa iba naming classmate na ka group ko ngayon.
“Iniwasan mo pa rin siya?” tanong ni Lulu sa akin.
What the eff! Iniiwasan ko lang naman iyon kasi nga pinagseselosan ni Miguel syempre ayoko naman na maramdaman niya ang naramdaman ko ng panahon na may iba siya. Hindi ako gumaganti kasi nga mahal ko siya ayoko siyang masaktan tulad ng sakit na nararamdaman ko.
“Hindi.” tanggi ko kahit na iyon ang totoo. “Maayos naman na kaming naghiwalay.” dagdag ko pa. Tying to convince her.
Tinatago ko ang tunay na dahilan kung bakit dahil ang babaw ng dahilan ni Miguel. Hindi naman siguro masama na nakakasama ko siya sa isang circle dahil school matters naman ang ginagawa tsaka marami kaming kasama. Kung hindi lang important ang gagawin na ito walang chance na magkaroon ng pagkakataon na magsama kami sa isang lugar.
Tahimik akong kumain doon habang maingay ang lahat. Mabilis ang paraan ng pagkain ko pero hindi ko pinapahalata sa kilos ko.
Pagkatapos kong kumain ayun bumalik ako sa ginagawa ko kahit na si Lulu tinatawag ko na mag stay ako sa loob ng kusina para makihalo sa mga ibang group mate namin na nag-uusap.
Ayoko ng mga tingin ng jowa ng ex-boyfriend ko. Wag lang siyang gumawa ng bagay na hindi ko magugustuhan.
Grabe na ang effort ko na iwasan siya kahit na nasa iibang circle lang kami.
Bago ako matapos sa mga ginagawa ko ayun marami akong naging paso sa glue gun na gamit ko. I message Miguel na puntahan ako na para sunduin dito. Ayoko na magtagal dito kasi baka may masabi sa akin.
Wala na akong balak makipag comeback sa ex-boyfriend ko na ito. Malabo na at wala ng pag-asa. Meron na akong Miguel na mahal ko kaya hahanap pa ba ako ng bago? I mean babalik pa ba ako sa luma.
Nasundo na ako ni Miguel pero pagdating namin sa kanila bigla niya akong inaway. Na may lalaki raw ako doon na come back daw kami ng ex-boyfriend.
“Tangina ano gumaganti ka!” galit na galit siya sa akin.
Wala akong ginawa. Iyon ang totoo kasi naman may respeto ako sa kanya at kahit na nagkamali na siya hindi ko naisip na gumanti o gumawa ng bagay na alam kong makakasira sa relasyon namin. Nagkamali na dapat pa bang dagdagan ng isa pang mali ano na lang ‘yon dapat at naghiwalay na lang kesa sa mas magkasakitan lang.
Kinulong ako sa kwarto niya.
Magalit siya ng magalit alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang mali sa kanya.