CHAPTER 23

1228 Words
Nagising ako ng umagang iyon ng walang ka-tao tao sa loob ng bahay namin at tahimik na tahimik ang buong bahay. Iniwan na naman ako ng lahat hindi man lang ako ginising para magpaalam na alis silang lahat. Bumangon ako, bumaba at pumunta sa banyo para maghilamos. Makahanap kaya ako ng makakain? Hindi ko alam kung nag-iwan sila ng lutong food para sa akin. Sana meron kasi kung wala magluluto pa ako, sayang sa oras. After ko maghilamos naghahanap ako ng food sa kusina, tumunog ang phone ko. Mama dragon is calling. Lumapit ako sa lamesa to get my phone and tap to answer it. “Ma! Hindi mo ako ginising!” bungad ko na nagrereklamo sa kanya. “Anong hindi Francheska kung alam mo lang kung paano ako hirap na hirap na gisingin ka,” pasigaw ni mama sa kabilang linya. Bakas sa boses niya ang inis sa akin. Grabe ang inis niya sa akin hanggang ngayon. “Ay sorry naman,” nangiinis na sabi ko. “Tarantado ka talaga Cheska!” gigil na gigil siya sa akin. Patawa tawa lang ako dito. “Kagigising mo lang ba?” tanong ni pa niya. “Yeah ngayon pa lang ako bumaba,” mabilis kong sagot kay mama. Ayan na magagalit at sermon ako dyan. “Ano gising mayaman ka ba! Nako bata ka umayos ka!” pinapagalitan na niya ako. Maaga pa pero parang high blood na agad siya. “Asaan ba kayo? Pati si Negra kasama niyo pa,” tanong ko kay mama. Nag pasaway na naman si Negra kaya galit at high blood na naman si mama. “Dito sa tita mo.. mapapalo ko na nga si Carlota sa sobrang tigas ng ulo!” Tinawanan ko lang si mama. Matic na si Lota na naman ang dahilan kung bakit siya nagagalit. “Gago kang bata ka wag mo akong tinatawanan,” she hissed. Masyado nga kasing makulit si Lota kaya ganyan si mama ka stress kay Lota mahilig kasing mangaway. “May naaway na naman ba suiya?” tanong ko kay mama. “Kilala mo ang kapatid,” sagot ni mama na hindi na alam ang gagawin kay Lota. “Sige na mamaya na lang baka meron na naman ulit siyang mapaiyak,” paalam niya. Pinatay na niya ang tawag. Bumalik ako sa paghahanap ng makakain. Anong oras na rin kaya masakit na ang tiyan ko sa gutom. May nakita na akong pagkain na niluto ni mama kaya ininit ko na lang para masarap. Habang kumakain ako nag check ako ng message kaso wala naman yung inaantay kong message galing kay Miguel. Nakalimutan ba niya na mag-update? Ano bang ginagawa niya? Nag send ako ng message kay Miguel. Asking him– kung nasaan ba siya. Alam ko rin na rest day niya ngayon kaya nakakapagtaka na wala siyang update. Baka tulog pa siya. Maya siguro mag-update siya sa akin. Kumain na ako ng breakfast s***h lunch. Napasarap ang tulog ko kasi masyado akong napagod sa mga school works na tinapos ko.  I think gumaganti si Miguel sa akin dahil doon sa groupings namin sa bahay nila Lulu, ka-group ko kasi ang ex-boyfriend ko kahit na anong explain ko sa kanya wala siyang ibang pinaniniwalaan. Past is past. Siya na ang mahal ko kaya wala na dapat pang pagselosan. Tapos ay tapos na, wala na akong dahilan para bumalik doon. After kong kumain hinugasan ko ang pinagkainan ko bago umakyat sa itaas maglinis muna ako ng kwarto masyado akong naging busy sa mga school na hinabol ko kaya wala ng oras maglinis ng kwarto. Ilang beses na akong pinapagalitan at pinipilit ni mama na maglinis na. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para gawin iyon. Inayos ko muna ang mga unan sa isang gilid bago alisin ang mga cover para palitan ng bago. General cleaning ang gagawin ko papalit na rin ng kurtina. Nag sound trip na rin ako para kahit paano malibang ako ng husto. Tamad na tamad akong kumilos gusto ko lang matulog at kumain ng kumain. Napapansin kong lumalala yung craving ko lalo sa maasim na pagkain, I can’t explain but I really want it. Natapos ko na yung changing ng mga cover and anything. Bumaba ako para kumain na ulit medyo gutom na ako kaya need na. Gusto ko ng pancit canton na may konting sabaw sana meron pa. Bumaba ako sa kusina nagpakulo ako ng tubig. Na upo ako nag check ng message umaasa na nag-update na si Miguel. Ayun wala pa rin siyang chat, jusko nakakainis na siya! Walang silbi ang cellphone niya. Nag-iisip na naman ako na may iba na siyang ginagawa? Kinakabahan at natatakot ako sa mga bagay na pumapasok sa aking isip. Mga senaryo na baka may iba na siyang babae ulit. Ayoko isipin pero pilit na paulit-ulit na pumapasok. Nakakabaliw na!! Sinubukan kong tawagan kaso nakapatay ang phone niya mas lalo akong kinabahan baka kung ano na ang ginagawa niya. “Miguel ano na naman ito?” nag-aalala kong sabi. Inayos ko na ang pagkain ko baka lumamig pa sayang hindi na masarap iyon. Habang kumakain ako sinusubukan ko pa rin na tawagan si Miguel na baka sagutin na niya this time pero kahit anong tawag ko wala pa rin response. Ang ginawa ko nag-message lang ako ng nag- message. Ayoko ng ganito si Miguel kasi ganitong ganito rin si Miguel nung may kinalolokohan siyang ibang babae. Inakyat ko na lang sa taas ang pagkain ko para doon na lang at tatapusin ko pa ang iba kong hindi pa tapos linisin. Nanatili ako sa itaas para sa mga ginagawa kong pag-aayos, tapos na kumain. Dumating na sila mama pero wala pa ring message si Miguel kahit seen lang wala. Natulog na lang muna ako, ginising lang ako ni mama ng mag dinner na. Naligo na ako bago bumaba para kumain. “Ate ang tagal mo nandyan na sundo mo,” bungad na bungad ni Lota ng mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko. “Malamang teh nagbihis pa ako, anong sundo?” tatakang ko na tanong sa kanya. Wala akong aasahan na bisita ngayon kaya sino naman. “Boyfriend mo,” Napangiti ako ng marinig ko ang sinabi ni Lota na si Miguel ang nasa baba. Sinusundo na ako ni Miguel, saan kaya kami pupunta. Nagmamadali akong tumakbo pababa para hanapin ang aking boyfriend. Nandoon na nga si Miguel nakaupo sa sofa naghihintay sa akin. Pilit kong tinago ang mga ngiti ko hindi ko mapigilan ang sarili. Pag siya talaga marupok ako masyado. “Hoy ate!” sita ni Lota. Nilapitan ko na siya. “Mahal,” bati ni Miguel sa akin. Ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko kaya baliw na baliw ako sa kanya. “Bakit ka nandito,” pagsusungit kong tanong para kunwari galit ako. “Sunduin kita mahal,” sagot niya. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. “HOY ATE WAG KANG PABEBE!” sigaw ni Lota. Panira ng moment ang impakta! Naputol na nag moment dahil sa epal kong kapatid. Nag paalam na kami kay mama at papa. Ayaw sabihin ni Miguel kung saan kami pupunta. Surprise daw kaya dapat sumama na lang ako at wag na magreklamo pa dahil malalaman ko naman mamaya pag nandoon na kami. Kahit saan kami pumunta kung siya kasama go lang talaga. Uwi niya pa ako sa bahay ni go lang din ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD