CHAPTER 24

2022 Words
Pumunta nga si Miguel sa bahay para sunduin lang ako sa hindi malamang dahilan kaya magkasama na kami. Mula kanina sa bahay hindi ako nagsasalita para kausapin siya. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina, mula umaga hanggang hapon wala siyang kahit anong message. Hindi ko alam kung anong ginawa niya ng mga oras na wala siyang paramdam. Pagiging paranoid ko ay lumalabas ng wala sa oras. Pinangako ko na sa aking sarili na susubukan kong wag ng maghinala. Alisin sa isip ang ginawa ni Miguel dahil ginawa niya ang pangakong babawi at gagawin ang lahat para unti-unting maibalik ang tiwala ko sa kanya. Alam kong ramdam niya na hindi ako nagsasalita. Pero sa totoo lang masaya ako ng makita ko siya kanina na nasa baba nakaupo at hinihintay ako. Feeling ko ang ganda ko lalo!  Naiinis pa rin ako kaya wala siyang magagawa. Hintayin niyang mawawala ang inis ko sa kanya tsaka ko siya kakausapin. Pinapakain nga siya ni mama kanina bago kami umalis pero tumanggi siya dahil nga sa aalis kami. Hindi ko magawang magtanong kay Miguel kasi nga kailangan kong panindigan ang inis ko sa kaniya. Labern ko itu! Nakarating kami sa kung saan ako dadalhin ni Miguel. Agad akong bumaba sa motor hindi ko na siya hinintay na tulungan pa ako kasi nga diba naiinis ako kaya bahala siya. Akmang aalisin ko na yung helmet pero naunahan ako ni Miguel na hawakan iyon. Nilihis ko ang tingin ko sa malayo dahil nakatingin siya sa akin baka hindi ko na mapigilan at ako na ang unang pumansin sa kaniya sayang naman ang pag-iinarte ko. I need some– lambing! Nakikita ko sa gilid ng mata ko na ngumingiti-ngiti pa siya. Gosh ang gwapo! Kalma Cheska wag kang papadala sa mga ngiti niya pero nakakadala naman kasi. Pasimple kong kinagat ang pang-ibabang labi para pigilin ang ngiti na malapit ng sumilay. “Mahal,”tawag niya sa akin ng malambing na tono. May kasalanan kasi kaya ang lambing ng boses niya, lalaki nga naman talaga. No reaction pa rin meh. Let’s see kung naiinis na siya. Tumingin ako sa kanya ng walang emosyon ang nakikita sa mukha. “Mahal,” tawag niya na mas lumabing pa ang boses nito at nakangiti ng malapad. “Bakit?” matabang na sagot ko. Wag kang masyadong magpa-cute Miguel kasi nadadala ako ng sobra. “I love you,” sabi niya tsaka ako mabilis na hinalikan sa labi. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit sabay hinila na ako sa kung saan. Hindi pa man ako makakabawi sa ginawa niyang paghalik sa akin. Sayang dapat nakaganti man lang ako. Bitin naman ang bilis kasi ng halik niya. Panay ang reklamo ko sa aking isip habang patuloy lang ako sa paglakad habang hawak niya ang kamay ko. Madilim ang dinadaanan namin ni Miguel tapos marami pang mga halaman sa gilid doon. Anong meron? Saan kami pupunta? Huminto na si Miguel kaya ganun din ako. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para makita kung anong meron at kung nasaan ba kami. Nakita ko na sa side kami ng malaking swimming pool. May mga romantic na ilaw sa paligid. “Surprise mahal,” masayang anunsyo ni Miguel. Nakangiti siya sa akin ng malapad habang sinasabi ang mga salitang iyon. Bumilis ang pintig ng puso ko. Totoo ba ang naiisip ko na ginawa niya ang lahat ng ito ay ginawa niya para sa akin. Wala agad akong nasagot o reaksyon masyado akong nalulunod at nabibingi sa lakas ng pintig ng puso ko. “This is the reason why I don’t reply to your messages.. kasi naman mahal baka bigla ko na lang ma-expose yung surprise ko sayo,” paliwanag niya. Nakadama ako ng matinding guilt dahil sa nalaman kong rason mula kay Miguel kung bakit hindi siya nag reply sa akin. Now I know and feeling ko masyado akong naging selfish sa part na isipan ko pa siya ng masama. Speechless ako dahil sa ginawa niyang ito para sa akin. “Mahal? Magsalita ka naman, “ bakas ang kaba sa boses niya. Ano ba ang dapat sabihin ko? Nahihiya ako para sa aking sarili na pag-isipan siya ng mga ganung bagay. “Late na pero sana magustuhan mo,” tinutukoy niya ang monthsary namin na hindi na-celebrate dahil hindi kami maayos. Naiyak ako bigla, hindi mapigilan ang mga ito na tumulo sa aking pisngi. “Mahal hala ano? Bakit?” natataranta na si Miguel dahil bigla akong umiyak. Tinuyo niya ang mga luha ko. “Shhh mahal tahan na please… I love you,” pag-alo niya sa akin. Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. “Salamat.. Mahal na mahal kita sobra Miguel,” mahina at humihikbi kong sagot sa kanya. “Nakakainis ka!” sabi ko pa ulit. “Shhhh tama na– let’s enjoy the night mahal,” aya niya sa akin. Kumalas kami sa yakap at hinawakan niyang muli ang kamay ko ng mahigpit at dinala ako roon. May naka-ready pa lang candle-light para sa amin. “Naiinis ako sayo mahal ganito yung set up pero ganito lang ang ayos ko!!” reklamo ko sa kanya. Mahina lang siyang natawa sa akin. “Kasi naman hindi pa ako nakapag dala ng extra para makapag swimming din ako,” sunod kong reklamo sa kanya. “Mahal hindi mo kailangan ng damit mamaya,” pilyo nitong bulong sa akin. “Gago!” mabilis kong pasita sa kanya. Pero syempre excited din ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Nabubuhay ang katawang lupa ko dahil sa mga boses at pilyong salita niya. Well matagal na rin na walang kaming intimate time ni Miguel. Gago ang sweet ng boyfriend ko. Kinikilig ako ng malala. Legit! Pinaupo niya ako. Lahat ng kailangan ay nakahanda na sa bilog na lamesa. “Nagustuhan mo ba mahal?” tanong ni Miguel sa akin. “Syempre naman,” masaya kong sagot. Until now– hindi ako makapaniwala na gagawin niya ang ganitong bagay para sa akin. Like what the eff! Ganda ko talaga! Kilig epep ko! Ang pogi pa ng asawa ko. Nakaupo na siya sa harapan ko, mas lalo akong napaisip na baka panaginip lang ang lahat ng ito. ‘Please wag niyo na muna akong gisingin enjoy ko ang pa-candle light dinner date ng aking boyfriend’ “Mahal wag mo akong titigan,” pagsaway sa akin ni Miguel. Ganun na ba ako katagal na nakatingin sa kanya. “Kapal naman tinitingnan lang kita,” tanggi ko agad. Ngumiti pa siya ng nakakaloko. “Mahal alam kong pogi ako sa paningin mo at alam ko na rin iyo kaya wag mo akong titigan sayo lang ako,” panghaharot niya pa. “Feeling mo naman,” aba syempre baka ispin niya na bali na baliw ako sa kanya– which is true. Hala ang harot ko na!! “Wag na itanggi mahal,” pamimilit niya. Wag mo akong pilitin marupok ako, pero sige konti pa Miguel push mo pa yan malapit na. “Ewan ko sayo gutom ka lang,” pag-iiba ko ng topic namin. Baka mapaamin pa ako ni Miguel. “Ay sus deny pa!” pang bubuyo niya sa akin para aminin na pogi siya sa paningin ko. Malamang boyfriend ko siya at talagang gwapo siya kaya nga jinowa ko ih. Charot! Dinala na ang food namin ni Miguel kaya nahinto kami sa kulitan namin. I miss being with him– yung ganito lang na masaya at na-enjoy ang lahat ng moment together. Ang feeling ko masyado kasi may pawine si Miguel, ang taray lakas maka-rich! Well kasama na pala ito dahil candle-light date pala ito. Sa tingin mahal ang gastos ni Miguel sa set up niya ngayon. Baka mamaya 50/50 kaming dalawa sa expenses. Hala gaga! “Thank you po,” sabi ko sa nag serve ng food namin. “Enjoy your night ma’am and Sir,” paalam nito tsaka lumakad paalis. Binaling ko na sa pagkain ang mga mata ko. Mukha silang masarap at amoy masarap. Akala ko sa mga story lang ang mga ito, mga ganitong ganap meron pa lang in real life. “Nagustuhan mo ba?” tanong ni Miguel. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at ngumiti sabay tango ng ulo. Ngumiti lang rin siya sa akin pabalik. Sinimulan na namin ang pagkain ng tahimik pero merong time na nangaasar siya. Masarap ang food nila rito ah, magaling pumili ang jowa ko ng dating spot. Parang hotel din ata ito kaya pwede mag overnight. “Mahal kumusta na ang school works mo?” tanong niya bigla sa akin. “Babagsak na ako,” pabiro kong sagot. Sumama ang tingin niya sa akin. “Inaano ka?” tanong ko pa. Hindi naman mabiro parang others. “Mahal ayusin mo para future natin,” push niya pa sa akin. Tinatamad na akong mag-aral, maraming gawain. May mga subject pang feeling major kung magpagawa ng project at research. “Opo na Mr. Rosales,” sagot ko lang. Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Maganda ang paligid at malamig na ang gabi dahil unti-unti ng lumalalim ang gabi. Bumalik ang nag serve ng food at dala na nito ang sunod naming kakainin. After din naman umalis na ito naiwan ulit kami ni Miguel. Nag-usap lang kami tungkol sa iba’t ibang bagay na nais naming gawin at planuhin sa mga susunod na mga buwan ng magkasama. Mas lumalalim ang usapan namin kaya mas nararamdaman ko na nakapasok na ako sa buhay ni Miguel ng sobra. I want to be his life time partner. Marami kaming gusto na gawin sa future. Magkaroon ng anak at pamilya. Titira sa isang bahay, nagtutulungan sa mga gawaing bahay. Masaya ang buhay at simple lang. After namin kumain dahil na-serve na lahat. Time to swim na! Masayang masaya ako dahil makakapag relax ako sa pool plus kasama ko pa si Miguel. Libre pa ang harot sa aking yummy na jowa. Nakatingin ako ngayon kay Miguel na naglalakad palapit sa akin. “Ang sarap mo po lods,” wala sa sarili kong sabi. Naka focus ang mga mata ko kay Miguel. Lumapit siya sa akin at yumakap ang mga braso sa aking baywang. “I love you,” pabulong niya sa akin. “I love you,” sabi ko pabalik. I’m so very happy right now that I’m with my Miguel. Sana hindi matapos ang gabi na ito kasi sobrang memorable ng date namin na ito. Ang late celebration ng aming 1st month together. “Happy 1st month mahal, sorry late na malapit na rin ang 2nd natin,” “Salamat.. Sobra na ang bawi mo mahal kaya salamat talaga ng sobra.. Happy 1st month to us mahal.” Hinalikan ko siya sa labi ng mabilis lang. Baka kasi pag tumagal mahirap na kung saan pa mapunta. “Dito ba tayo mag stay?” tanong ko kasi hindi ko alam ang plano ni Miguel dahil nga sa surprise ito. “Yes mahal na paalam na kita kay tito at tita kanina,” ngiting ngiti niyang sagot pa sa akin. Binasa ko nga sa mukha ng tubig si Miguel. “Ikaw pala desisyon ka sa buhay mo kahit kailan!” inis na sabi ko. Wala akong kaalam-alam pinayagan na agad ako. Hanapin ako ni mama at papa kasi ang paalam lalabs lang kami. Iniisip ko pa naman kanina na baka kung anong oras na ako iuwi ni Miguel sa bahay. “See mahal good ako kila tita,” mayabang niya pang sabi sa akin. “Feeling mo lang yon,” basag ko sa sinabi niya. Tinatawanan ko nga para mainis. Nagstay kami ni Miguel sa pool kami lang naman dalawa ang nandoon kaya enjoy na enjoy. Nasa  swimming pool man kami pero may shot kami ni Miguel. Romantic and enjoy ang gabing ito na kasama ko siya. More than enough na ang lahat. Naubos na kami ng dalawang bote ng alak. Medyo tipsy na ako kaya hindi na ako makalangoy ng maayos sa gilid na lang ako nakapwesto dahil natatakot ako na baka malunod ako, hindi ko makontrol ang sarili ko. Nakita ko na nag-enjoy din si Miguel, pagod siya lagi sa work niya kaya need ng break.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD