Revi I looked at myself in the mirror. “Saan ka pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Lola nang makita niya ang itsura ko. Si Myla naman ay nakatitig lang sa akin na para bang sinusukat ang mga galaw ko. She’s drinking her coffee and is trying to chill because she just came home from the grocery store. “Sa charity ball lang, ‘La,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko. Deonna and her husband will be here in a minute. Kahit kasi ang sinabi ko ay magdadrive na ako papunta roon, hindi pumayag si Deonna dahil baka mawala raw ako. Wala na rin akong nagawa dahil si Attorney na mismo ang nagsabi sa akin na susunduin nila ako. There was nothing that I could do. “Ang galing, ano? May mga ganyan talaga dito,” ani Myla. Tumango ako. I didn’t really expect to be in a charity ball this e

