Theo I had to show her that I am okay. Well, not like I am not okay. Maybe I am still adjusting to the part that I am going to see her everyday but I am actually good. Paano ko ba patutunayan na ayos lang sa akin ang makasama at makita si Revi sa iisang lugar? “Doc,” tawag sa akin ni Helene, isa sa mga PRO ng ospital. “May anim na tickets po ako para sa darating ng charity ball sa Shangri La.” Kumunot ang noo ko habang hawak-hawak ang mga tickets na sinasabi niya. “Para saan ito?” tanong ko habang binabasa ang nakasulat sa ticket. “All the proceeds will go to the children in Tondo, doc,” sagot ni Helene. “Magkakaroon daw po ng auction ng mga painting at mga alahas.” Tumango ako. It’s not really my thing but the moment I heard the word Tondo, one person came into my mind. Mahilig s

