ONE NIGHT ENCOUNTER 31 Isang oras at sampong minuto din ang tinagal ng aking byahe bago makapasok sa loob ng Baims Subdivision dahil na din sa sobrang haba ng traffic pababa ng skyway, isabay na hindi kaagad ako pianpasok ng guard dahil tinawagan pa si Kuya at hiningian ako ng ID. Sobrang higpit ng system nila, sinabi din ng taxi driver sa ‘kin ay mga limitadong tao lamang ang pinapapasok sa mismong loob nito. Naglalakihan din ang mga bahay sa loob, may iba na kulang na lamang ay mukhang mansion na ang kanilang mga tahanan dahil sa lawak at taas nito. Napatingin ako sa malaking bahay na nasa aking harapan bago tinignan ang house number ng nasa aking cellphone upang makasigurado ng may guard na papalapit na nagpunta sa aking gilid. “Ma’am, ano po ang kailangan nila?” tanong niya sa akin

