ONE NIGHT ENCOUNTER 22: VACATION PART 1 Madilim pa ang kalangitan ngunit buhay na buhay na ang aking diwa. Nakahanda na ang maleta na aking dadalhin para sa limang araw na bakasyon na ibinigay ng kompanya, nakahanda na din ang sling bag kung saan nakalagay ang lahat ng importanteng gamit upang hindi na ako mamroblema pa sa pagkuha-kuha ng mga nakalimutan. Tumama ang aking tingin sa oras, alas-kwatro pa lamang ng umaga pero hyper na hyper na ‘ko. Isa-isa ko na din inilagay ang mga pagkain na niluto bago inihain ‘yon sa mesa. Patay na ang lahat ng mga gamit, maliban sa ref na iiwan kong nakabukas upang hindi masira ang mga laman nitong mga karne. Ilang sandali lamang ay umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell sa buong apartment. Andito na siya. “Andyan na!” sigaw ko at nag

