ONE NIGHT ENCOUNTER 06:ANNOUNCEMENT

1325 Words
ONE NIGHT ENCOUNTER 06:ANNOUNCEMENT Wala sa ako sa aking sarili na napabangon sa aking hinihigaan ng makita ang oras sa aking cellphone. Agad na isinaksak ito, kinuha ang mga aking damit na hinanda nang kinagabihan at dumiretso sa loob ng banyo upang ayusin ang aking sarili. Nawala sa aking isipan na lunes na, masyado akong nasarapan sa dalawang araw na pahinga sa aking trabaho. At heto na naman ako ngayon, nagmamadali sa pag-aayos upang makahabol sa trabaho. Mabilisan na nilinis ko ang aking katawan, hindi na ‘ko nag-abala pa na maglagay ng make up sa aking mukha at agad na kinuha ang mga gamit na nakahanda sa aking higaan. “Ayos na ‘to.” Ani ko sa aking sarili bago sandal na tumigil sa harap ng salamin. Suot ang isang black skirt na umaaabot lamang hanggang sa kalahati ng aking tuhod, pinatungan nang isang puting longsleeve, at pinaresan ng itim na sandals. Sandali na inayos ko ang aking buhok saka nagmamadali na patakbong lumabas ng aking apartment. Hindi na nakatira si Cassandra sa akin matapos ang dalawang lingo niyang pagstay nakaraan. Ayos lang naman iyon sa akin dahil ayaw ko na din siya maabala mas lalo na sa kanyang trabaho, may kanya-kanya na kaming buhay at hindi na din madali na humanap ng oras na magiging madalas kaming magkasama. Isang buwan na din ang lumipas magmula ng mangyari ang bagay na ‘yon. Inaamin ko na masakit pa din hanggang ngayon, hindi pa din ako ayos sa emotionally pero kahit papaano ay nakukuha ko na masanay na ako na lamang ang mag-isa. At ang patungkol kay Janeen? Hindi na siya muling nagparamdam pa pati na din si Renz. Wala na din ako naging balita pa at pinalitan na ang lahat ng maging pwedeng contact nila sa akin, sa social media naman ay hindi ‘ko nakukuhang buksan dahil mas masstress lamang ako sa aking buhay kung titingin pa ‘ko doon. At patungkol sa lalaki, hindi na din kami muling nagkita pa. Pilit ko na din na kinakalimutan ang lahat nangyari sa amin dalawa ng gabi na ‘yon, hinihiling ko na lamang ay ang hindi na muling magkruss ang aming landas dahil sa bandang huli ay hindi ko naman malalaman kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanya. Laking pasasalamat ko na lamang din ay walang nabuo ng gabi na ‘yon dahil hindi ko din alam ang aking gagawin. Siguradong ilalagay ko ang aking pamilya sa kahihiyan pati na din ang aking sarili. “Yare na ‘ko!” kagat labing ani ko sa aking sarili bago nagmamadali na pumasok sa loob ng building at sinuot ang aking ID. Agad na sumakay sa elevator upang makarating sa office kung saan ako nakalagay at nakatoka. Wala naman magagalit kung mahuhuli ako, wala din naman mangyayari kung late ako pumasok pero ayaw ko mabahidan ng pagiging responsible ang trabaho ko. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay agad na ‘kong tumakbo sa loob. Agad na pinindot kinuha ang card sa gilid at nag-in sa trabaho. “Mabuti na lang ay sakto ang pagdating ko.” Bulaslas ko bago pinunasan ang aking noo na may namumuong pawis dahil sa matinding pagmamadali. “Gwen?” natatawang tawag sa akin ng isa sa aking katarabaho—si Lyca. “Akala ko ay hindi ka papasok dahil pagdating ko ay wala ka pa dito. Anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Nahuli ako ng gising, akala ko ay lingo pa din ngayong araw.” Pagsasabi ko sa kanya ng tunay na rason bago maliit na ngumiti dito. Si Lyca ang pinakamalapit sa akin sa loob ng trabaho, tahimik lang kasi ito at hindi madalas na nagsasalita hanggat sa hindi siya kinakausap ng iba. Kaya naman ay minsan siya ang nagiging tampulan ng chismiss sa loob ng trabaho pero kahit kalian ay hindi niya ito pinatulan o pinakinggan. Ang dahilan niya? Iyon ay hindi naman siya pumapasok sa trabaho para maghanap ng away kundi ang kumit sa araw-araw. Para din sa kanya ay wala naman siyang pake sa sinasabi ng mga ito dahil alam niya naman kung ano ang tama at hindi sa nabubuong kwento para sa kanya. “Tara, sabay na tayong magpunta sa pwesto.” Pag-aaya niya. Tumango lamang ako sa kanya. Sabay kaming nagpunta sa loob na agad namin kinakuha ng atensyon ng iba. “Gwen, akala ko ay hindi ka na papasok.” Ani ng isang babae sa gilid na may ngiti sa kanyang mga labi. “Sayang ang araw at sahod.” Sagot ko sa kanya bago binigyan ng maliit na ngiti. Nagpunta na ‘ko sa table ko, tumambad sa akin ang isang tambak na folder na aking aayusin. Ganito lang naman ang araw-araw kong ginagawa sa buhay. Gumising, trabaho, tulog, at minsan naman ay nagkikita kami ni Renz pero ngayon na wala na siya ay tatlong bagay na lang ang aking gagawin. Tahimik lang ako sa paggawa nga king trabaho pati din ang iba namin mga kasama ng pumasok ang naghahandle sa department namin. Pumasok ito sa loob na may hawak-hawak na mga papel at namamawis ang mukha. “Okay, okay, makinig na muna kayong lahat sa akin!” sigaw nito upang makuha ang atensyon namin lahat. “Ano ‘yon, boss?” pabebe na tanong ni Kim dito na dinaig pa ang nakabrace sa sobrang pagiging pabebe ng pananalita. “Oo nga, sir. Huwag mo naman kaming binibitin,” dagdag pa ng isang haliparot na si Bhea na nasa tabi nito. Napailing na lamang ako, nakakapasok sila bilang employee of the month dahil sa kasipsipan na ginagawa at bukod pa doon ay  nilalandi pa nila ang head namin. Naging bakibalita ‘yon sa loob ng department pero dahil wala naman akong pake sa kanila ay hinayaan ko na lamang. Tumayo ako sa aking kina-uupuan at tumabi sa akin si Lyca ng makapunta kami malapit sa head. “Darating ang may-ari ng kompanya, bukas ng umaga para mag-obserba ng mga department kaya ang mga madadalas na nahuhuli sa pagpasok. Kung alam niyong late na kayo ay huwag na kayong pumasok—wag niyong ipahiya ang department natin. Naiintindihan niyo ba?” mahabang ani ng head bago tinignan ang mga nahuhuli sa pagpasok sa klase. “Yes, sir!” sagot ni Bhea bago nagpacute dito. “Syempre naman, boss!” segunda naman ni Kim bago tumingin sa mga nasa loob ng department namin, “Kayo, wag kayong magpalete bukas.” Paalala niya muli sa aming lahat. Napangisi naman ako. Ang lakas niya magsabi ng ganon bagay pero siya naman ang madalas na nahuhuli sa pagpasok. Sadyang nilalandi lang nila ang nasa  itaas para lang makaangat sila kahit naman wala silang mabubuga. “Nagkakaintindihan ba?” tanong ng head. Tumango naman ang lahat dito at nag-umpisa nang magbulong-bulungan. Bumalik na kaming dalawa ni Lyca sa aming pwesto na walang kahit anong sinasabi. “Bakit kaya magpupunta ang may-ari dito?” tanong ni Lyca habang nakaupo na sa kanyang pwesto bago nag-aaalalang tumingin sa akin, “Hindi kaya ay malapit na bumagsak ang company na ‘to?” dagdag niya pa. Mahina naman akong napatawa dahil sa kanyang sinabi, “Sana kung pabagsak na ang company natin ay unti-unti ng nagbabawas ng mga tao at hindi na agad-agad na pupunta dito.” Pagsagot ko sa kanyang hinala. “Naisip ko lang,” sagot niya bago muling humarap na sa kanyang computer. “Lyca, may time ka after work?” tanong ko muli sa kanya. Tumingi siya bago tumango, “Meron naman, bakit?” tugon niya. “Sam aka sa amin mamaya ni Cassandra. Sabi niya ay pupunta daw siya mamaya at manlilibre.” Paliwanag ko sakanya. Magkakilala si Lyca at Cassandra. Magmula nang maghiwalay kami ni Renz ay madalas na si Lyca ang umaalalay sa akin sa tuwing nagbrebreakdown ako. Kaya  naman ay mabilis din silang nagkasundo ni Cassandra at nag-usap na. “Sige, sasama ako.” Sagot niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD