ONE NIGHT ENCOUNTER 07: Girls Night

2176 Words
ONE NIGHT ENCOUNTER 07: Girls Night Madalim ka ang buong paligid ng sabay kaming lumabas ni Lyca sa opisina. Iilang na lamang ang natirang tao sa loob nito at karamihan pa sa mga iyon ay ang mga balak mag-overtime kahit na hindi naman kami nirequired na mag-OT ngayong gabi. Hawak-hawak ni Lyca ang aking braso habang sabay kaming papatawid sa kabilang kanto. Hindi din nagtagal ay may humintong jeep sa aming harapan at agad kaming sumakay saka nagbayad. "Ano ba ang naisipan ni Cassandra?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa labas na mahaba ang traffic, "Bakit siya nag-aaya ngayon na lumabas tayo?" Dagdag pa niya. "Ang sabi niya lang sa akin ay trip niya manlinbre pero mukhang hindi lang 'yon ang dahilan niya. Hindi naman byabyahe 'yon ng ganito kalayo kung dahil lang sa trip niya," sagot ko sa kanya. Kilalang-kilala ko na ang hubog ng pag-uugali niya. Tamad na tamad 'yon sa byahe maliban na lamang kung ang pupuntahan niya ay gala o 'di kaya naman ay bar. Pero dahil lang sa trip niya manlibre? It's a big DUH! "Hindi ako masyadong magpapagabi o magpapahuli ngayon. Kailangan pa natin maagang pumasok bukas para sa paghahanda ng pagdating ng CEO." Sagot niya sa akin. Tumango lamang ako sa kanya. Hindi naman big deal para sa akin ang pagdating ng CEO, kahit naman na wala naman siya o hindi siya darating ay hindi pa din naman ako nahuhuli sa trabaho kaya hindi na kailangan pa magpakitang tao sa harap niya. Ang besides, sigurado naman na may sisipsip lang bukas. Nakakaumay na makita ang mga ganong mga pangyayari na paulit na lang sa araw-araw. Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa isang parke. Marami ang mga tao doon na dumarayo upang kumain dahil sa sikat na sikat na street fods na kanilang binebenta, lahat din doon ay kitang-kita na malinis dahil sa environment nito pati na din sa mga ginagamit na kagamitan. "Lyca! Gwenneth!" Kumakaway na tawag ni Cassandra mula sa kanyang pwesto. Kumaway naman kami sa kanya at nagmamadali na lumapit sa kanyang pwesto. "Cassy!" Masaya bati ko sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit. Si Lyca naman ay upo lang sa harap nito bago kinuha ang mga menu na nasa lamesa. Naupo naman ako kaagad sa pagitan nilang dalawa bago tumingin sa hawak ni Lyca. "Ayan ahat?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya ng mailista na ang lahat ng kanyang order sa isang papel. "Minsan lang manlibre 'tong si Cassandra kaya sulitin na natin." Nakangiting ani nito bato nagpacute kay Cassandra. "Oo nga naman, Gwen. Lasapin mo na habang mabait pa 'ko sa inyong dalawa ngayong gabi." Tugon naman ni Cassandra bago kumindat ang dalawa. "Edi wala ng dahilan para magtipid!" Malaki ang aking ngiti na sabi. Agad na tumingin ako sa menu, isa-isang sinabi ang mga gusto kong kainin na agad naman na inilista ng waitress. Hindu ba't ang sosyal? May pagwaitress pa silang nalalaman kahit na street food ang kanilang mga product. Pero mas maganda din iyon upang hindi magkaroon ng lamangan ang lahat sa pagpapaluto. Nang makaalis na ang kumuha ng order namin tatlo ay sandali na natahimik ang aming lamesa. Nakatitig lamang kami sa isa'i-isa habang nagpapakiramdaman. "So, bakit ka nag-aya na magpunta dito?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang aking kilay. “Masama ba ang mag-aya ngayon na magkita-kita tayo, huh, Gwen?” tanong muli ni Cassandra sa akin. “Wala naman akong sinasabi. Nagtataka lang naman ako na bigla kang nagpatawag, hindi mo naman ugali ang bumayahe ng ganito kalayo para lang sa libre ‘no.” sagot ko sa kanya bago pinakitaan siya ng maliit na ngiti. “Hindi lang naman dahil doon kung bakit ako napadaayo dito,” sagot niya sa akin bago ininom ang juice na nasa mesa bago ibinababa ‘yo, “Hindi ba’t sabi mo sa amin ni Lyca ay may naka-One night stand ka matapos natin umuwi sa bar. Isang buwan na sakto ngayon, inaalala ko na baka may mabuo. Hindi ko naman matanong sa iyo ito through phone ‘no.” mahaba niyang paliwanag sa akin. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi, napatingin ako kay Lyca at tumango-tanango ito sa akin. Napabugtong hininga na lamang ako bago kinuha ang isang pregnancy test sa loob ng aking bag bago inilapag sa mesa namin. Nag-aagawan naman nilang kinuha ‘to bago napanguso. “Bakit mukhang disappointment pa kayong dalawa?” nakasimangot na tanong ko sa kanila. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang panghihinayang na isa lang ang lumabas na linya sa pregnancy test na ipinakita ko sa kanilang dalawa. “Gwen, baby, ikaw na din nagsabi na sobrang pogi ng lalaki na nakasama mo ng gabi na ‘yon. Hindi ka ba nanghihinayang na walang nabuo sa gabing ‘yon?” tanong ni Cassandra sa akin bago nag-iiling. “Oo nga naman, Gwen. May point naman si Cass sa sinabi niya, kahit wala ng asawa basta may gawapo’t matalinong anak ay ayos na ‘no.” segunda naman ni Lyca. Nagdikit ang aking mga kilay sa sinabi nilang dalawa, “Salamat na lang ‘no! Ayaw ko pa naman na magkaroon ng anak. Sinusulit ko pa nga ang pagkadalaga ko ngayon pero kayo gusto na agad akong magbuntis.” Sabay irap sa kanilang dalawa. “Wala naman masama doon,” sagot ni Cassy, “Graduate ka na, hindi ka na umaasa sa pamilya mo at kahit sabihin mo na bata ka pa ay nasa edad ka na din para maghanap  ng asawa’t magkaroon ng anak.” dagdag pa niya. “Cassandra, bakit hindi kaya ikaw ang maghanap na ng boyfriend, mangarap ng isang masaya at buong pamilya. Total, sa ating dalawa ay ikaw na ang kailangan maghanap ng bagay na ‘yon.” Sagot ko sa kanya na may halong panunukso. Namula naman ang kanyang pisngi dahil sa aking sinabi bago napaiwas ng tingin, “Hindi naman kailangan non!” sagot niya bago napainom ng kanyang inumin na nasa mesa. Mahina na lamang akong napatawa. Ilang taon na kasi ang lumipas magmula nang nagkaroon siya ng isang karelasyon—at ang sinasabi kong huli ay ang noong inagawan siya ni Janeen. Magmula noon ay nagkaroon siya ng fling pero hanggang doon na lang talaga. Wala ng kahit anong relasyon at matapos ang ilang lingo ay hindi na sila magkikita ulit. Ngunit, natapos din naman ang lahat ng kanyang kalokohan ng makagraduate na kami. Iyon nga lang ay nawili naman siya sa pagwawaldas ng pera ng pera sa lahat ng kanyang gala at kung ano-ano pa. Nakukuha naman niya agad ‘yon, hindi naman kasi naging problema sa kanya ang pera dahil mayaman ang kanilang pamilya. “Change topic,” singit ni Lyca sa amin ni Cassandra bago nagtalumbaba, “Hindi kasi mawala sa isip ko kung bakit biglang bibisita ang CEO bukas sa company natin. ‘Di ba’t sabi nila ay nasa ibang bansa daw ‘yon at doon nagstay? Sabi nga ng iba ay may secretary o tao lang siyang hinahalalal para ayusin ang lahat ng papeles na mula sa branch natin.” Paliwanag ni Lyca sa amin dalawa. “Hindi ko din alam Lyca.” Sagot ko sa kanya, “Kanina ka pa problemado sa bagay na ‘yan.” Dagdag ko pa. Tumang-tango naman siya sa akin bago napanguso, “Alam mo naman kung gaano kahalaga ang trabaho ‘ko para sa akin. Hindi niyo naman ako katulad dalawa na mayaman at may kaya sa buhay kaya hindi ko din maiwasan ang mag-overthink.” Sagot niya bago napabuntong hininga. “Huwag ka mag-aalala, kung sakali na bumagsak ang kompanya na pinapasukan niyo ay pwede naman kayo pumasok bilang mga empleyado sa kompanya namin.” Tugon naman sa kanya ng dalaga. “Talaga?” hindi makapaniwala na tanong nito. Tumango lamang si Cassandra dito. Natahimik kaming tatlo ng dumating na ang lahat ng order namin tatlo. Halos mapuno na din ang lamesa sa dami nito at may iilan ding mga softdrinks na dinala sa amin. “Ayos ka naman ba na ngayon, Gwen?” tanong ni Cassandra sa akin bago nakumagat sa isa sa kanyang order, “Hindi ka naman ba niya ginugulo na o tinatawagan?” dagdag pa nito. Umiling ako. “Hindi niya na ‘ko macocontact dahil nagbago na ‘ko ng number, sa ibang social media naman ay hindi ako nag-oonline kaya hindi ko na din nakikita—patungkol naman sa kanya, wala na ‘kong naging balita. Wala naman na ‘kong magagawa kundi ang supportahan kung ano ang gusto nila at kung saan sila mas sasaya dalawa.” mahabang sagot ko sa kanilang dalawa bago mapaklang napangiti. Nagkatinginan naman silang dalawa dahil sa aking sinabi bago tumaas ang kilay ng binaling na sa akin ang atensyon. “Sobrang bait mo naman, Gwen.” Sabay palakpak ni Cassandra habang umiiling-iling pa ‘to, “Malapit na kitang sambahin dahil sa kabaitan mo at sapukin dahil sa kamartiran mo.” Dagdag pa niya. Sa pagkakataon na ‘to ay ako naman ang napasimangot sa kanyang sinabi. “Wala naman magagawa kung magiging bitter pa ‘ko sa kanilang dalawa. Sa iyo na mismo nanggaling na ako ang kawalan ni Renz at hindi ko siya kawalan ‘di ba? Besides, gusto ko na matahimik ang buhay ko na wala silang dalawa.” paliwanag ko sa kanila. Iyon naman talaga ang dapat na gawin ‘di ba? Ang palayain ang dalawa dahil parehas naman na kasunduan nilang dalawa ang bagay na ‘yon. Hindi naman kailangan pa na habul-habulin pa si Renz at hayaan na lamang sa buhay niya. Dahil kung ginulo ni Janeen ang buhay ko ay hindi ako gagaya sa kanya, hindi ko makkukuhang manggulo sa relasyon nilang dalawa dahil lang sa na saktan ako. Karma nalang ang bahala sa kanila. Ayaw ko dumihan pa ang kamay ko sa ganong mga bagay. “May point ka naman,” sagot ni Lyca, “Huwag kayo ma-offend ha? Hindi ko pa kilala si Janeen personally pero base sa ginawa niya sa inyong dalawa ay masasabi ko kung anong klase ka. Ang inaalala ko lang naman sa ‘yo, Gwen. Paano kunng magkasalubong kayo, magpaliwanag kaunti, o ‘di kaya naman ay umiyak sa harapan mo. Baka naman ay patawarin mo na agad?” tanong niya. “Oo nga! Knowing that kulang na lang ay sambahin ka dahil sa kabutihan mo ay hindi malabong mangyari ‘yon.” Segunda ni Cassandra kay Lyca. “Hindi naman ako ganon kabait na tao.” Sagot ko sa kanila bago uminom ng inumin sa mesa bago sumubo, “Kung mangyayari man ‘yon ay siguro papakinggan ko ang rason niya pero hindi na kailanman mababalik pa ang tiwala na ibinigay ko sa kanya dati. Sa tingin ko din ay tama na ang nakita ko para makita ba kung tunay ba siya o hindi—at inaamin ko din na kahit papaano ay thankful ako sa ginawa niya. Dahil paano kung mas naglevel up pa ang relasyon namin ni Renz at doon niya ‘ko lokohin ‘di ba? Mas masasaktan ako sa part na ‘yon.” Mahabang paliwanag ko sa kanila. Kaya mas mabuti ng  ngayon pa lamang ay nalaman ko na. Minsan pa naman ay naiisip ko na ang kasal namin dalawa kaya laking pasasalamat ko na lang dahil una pa lamang ay nakita ko na nalolokohin at niloloko niya lang pala ‘ko kesa sa magsisi ako sa bandang huli. “May point ka pero hindi pa din tama na mismong kaibigan mo ang maggiging kabit ng boyfriend mo ‘no.” sagot ni Lyca sa akin bago ako inirapan. “At ang rason niya pa ay hindi daw ibinibigay ni Gwen ang pangangailangan niya bilang lalaki at si Janeen lang ang makakapagbigay non sa kanya,” natatawang ani nito bago tumingin sa akin, “Paano kaya kung malaman niya na ibinigay mo sa isang gabi mo lang nakilala, ang hindi mo naibigay sa kanya sa loob ng ilang taon niyong relasyon ‘no?” natatawang dagdag pa nito. Muling bumalik si Eros sa akin isipan. Ang kanyang mga maamong mukha, magandang ngiti, at mabait na pag-uugali. Asan na kaya siya? “Malamang ay apak na apak ang pride non lalaki!” segunda naman ni Lyca na mukhang nagugustuhan ang usapan nilang tatlo. “Tumpak ka dyan bakla!” pagsang-ayon ni Cassandra dito. “Nakakatawa siguro ang magiging istura ni Renz. Hindi naman siya sobrang pogi, hindi naman din siya daks kaya ang lakas magloko. Kung sino pa ang mga mukhang shokoy sila pa ang madalas na babaero ngayon.” Iiling-iling na ani muli Cassandra,. Napangiwi na lamang ako sa kanilang dalawa at hindi na sumagot pa. Wala na ‘kong magagawa sa kung ano pa ang iisipin nila. Ang masaklap lang nito ay nahahawaan na ni Cassandra ng kanegahan 'tong si Lyca . “Ah-shu!” mahinang bahing ko bago suminghot. “Ayos ka lang?” nag-aalala na tanong ni Cassandra sa akin. Umiling ako, “Mukhang may sumusumpa lang sa akin.” Sagot ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD