ONE NIGHT ENCOUNTER 24.3 Marami na ang mga dumarating na mga bisita, may mga bata na naglalaro sa gitna habang tinatalon ang mga desenyong banderitas upang abutin ang mga ‘to, may iba na nagtatakbuhan, at may iba na naglalaro sa gilid kasama ang kanilang mga kaibigan. Hindi din naman papatalo ang mga matatanda na panay ang videoke sa gilid, may iba na nag-uumpisa na din na mag-inoman kasama ang mga nakakatanda. Inilibot ko ang aking paningin, hinahanap kung na saan na si Eros dahil wala na ‘to ngayon sa pwesto niya kanina. Napahinto naman ako ang tingin sa isang gilid, hawak-hawak niya ang song book habang seryoso ‘tong namimili. Agad akong lumapit sa kanya at sumunod lamang si Joan sa aking likuran. “Kakanta ka?” bungad na tanong ko sa kanya. Ito ang unang araw naming sa isla, medyo

