ONE NIGHT ENCOUNTER 24.2 “Hello?” nakangiti at nahihiyang bati ko sa mga kababaihan. Lahat ay abala sa kanilang mga ginagawa, may iba na naghihiwa pa ng mga sangkap at may iba naman na abala sa paghahalo. Karamihan sa kanila kung titignan ay halos kasing edad ko lamang, magaganda at pantay ang kanilang mga kutis, ang mga katawan nilang mga petite na nakaagaw ng pansin. Napatingin sa aking ang lahat at napahinto sa kanilang mga ginagawa. May iba na nakangiti ng makita ako, may iba naman na mukhang hindi natutuwa dahil sa aking pagdating dahil sa mga nakakunot na mga mukha nila. “Siya na ba iyon?” tanong ng babae na maganda ang ngiti sa labi, “Ang ganda niya pala sa personal.” Dagdag pa nito. Iniwan niya ang kanyang ginagawa bago lumapit sa akin pwesto, “Gusto mo ba tumulong muna?” tano

