ONE NIGHT ENCOUNTER 24 Malapit na mag-alas tres ng hapon, mula sa pwesto namin dalawa ni Eros ay rinig na rinig ang malakas na tugtugin mula sa kalayuan. Mukhang iyon na ang kanyang sinasabi na kasiyahan, may mga nagkakantahan na kasi s amalakas na videoke, hindi iniisip ang pwede nilang maistorbo sa lakas nito. “Magbibihis na muna ako sa loob, maglilinis na din muna ‘ko ng katawan.” Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya bago binitawan ang aking kamay, “Lilinisin ko na lang muna itong ginamit natin, susunod na ‘ko sa iyo sa loob.” Sagot niya bago nag-umpisang linisin ang aming mga ginamit. Magmula sa mga tuppperware na pinaglagyan ng mga pagkain, mga unan na nasa gild, pati na din ang mga iba naming pinagkainan. Tahimik niya ‘yong ginagawa ng kunin ko ang isa sa mga kalat. “Ako na di

