ONE NIGHT ENCOUNTER 18 Pagsikat na pagsikat pa lamang ng araw ay bumangon na ‘ko sa aking pagkakahiga upang magluto ng umagahan. Lingo ngayon, wala sana akong ibang gagawin kundi ang magpahinga sa buong araw pero dahil may bisita ako ay wala akong magagawa kundi ang bumangon. Nakakahiya naman kung siya pa ang paglulutuin ko ngayong umaga—isa pa, gusto ko na magpahinga na muna siya hanggat may oras pa siya. Nag-ayos ako ng aking sarili, nagpalit ako ng damit na mas Malaki sa aking katawan at dahan-dahan na inayos ang aking buhok na nagkaroon na ng kulay. Kinulayan kasi ‘to kahapon matapos na ayusin, ang kulot na ginawa ay hindi pa din mawala-wala sa aking buhok. Nakalimutan ko din tanungin kung permanent ba ang inilagay nila o hindi. Nang maayos ko na ang aking sarili ay lumabas na ako n

