ONE NIGHT ENCOUNTER 33 Bulungan dito, bulungan doon. Ang mga empleyado na papalabas mula sa loob ng building hindi nakakaalis ng hindi tumitingin o nagbubulungan sa aming pwesto, ang iba naman ay sadyang pakalapalan na lamang ng mukha na kumukuha pa ng litrato ng nangyayaring kaganapan sa aking harapan. “Princess, lets go.” Matigas na usal ni Kuya Denise. “Love, ihahatid na kita.” Masuyo naman na usal ni Eros. Dalawa sila ay nakatayo sa aking harapan habang ang kanilang nasa likuran ay naggagandahan mga sports car. Hindi na kailangan pa tanungin kung magkano o kung ano ang mas maganda sa dalawa dahil sa mga mata kong katulad na mahirap ay mahal na ‘to. Walang buhay akong tumingin sa dalawa, nakatingin sa kanilang mga pwesto. Para akong nasa isang Korean nobela na pinag-aagawan ng dala

