ONE NIGHT ENCOUNTER 34 Masakit ang aking ulo ‘t katawan ng imulat ko ang aking mga mata. Isang putting kisame ang bumungad sa akin, amoy ng gamot sa buong paligid, at sa gilid ng aking kinahihigaan ay isang mahigpit na pagkakapit mula sa aking kamay. “Eros,” tawag ko sa lalaking na sa aking tabi. Marahan kong ini-angat ang aking kamay na walang lakas, tila hinatak pa din ako ng antok ngunit nilalaban naman ng aking Sistema. Ang aking lalamunan ay sobrang nanunuyot, ang huli ko na lamang naalala ay natumba ako sa loob ng office niya dahil sa sobrang pagkahilo. “E-eros,” muling tawag ko sa kanyang pangalan bago hinimas-himas ang kanyang buhok. Unit-unti naman niyang itinaas ang kanyang tingin sa akin. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at bumakas dito ang sobra-sobrang pag-aalala. H

