ONE NIGHT ENCOUNTER 37 “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya na walang kahit anong emosyon sa aking boses. Hindi ako nagagalak na makita siya, naiirita ako sa mukha niyang manlinlang at mukhang aping-api, isama na din ang katotohanan na alam ko na ang kanyang ugali. Muli na naman siyang nagparamdam, hindi ko alam kung bakit lumapit nanaman siya sa amin dalawa ni Cassandra pero isa lang ang makasisigurado ako—iyon ay ang hinding-hindi na niya mauulit ang ginawa niya sa akin dati. “Hindi mo naman ako kailangan malditahan, Gwen. Ayan na ba ang natutunan mo sa kakasama kay Cassandra?” aping-api niyang ani bago napakagat ng kanyang ibabang labi, “Kakalimutan mo na din ba ang mga taon na magkakaibigan tayong tatlo?” dagdag pa niya. “Hindi ba’t sa ‘yo ko dapat itanong ang bagay na ‘yan,

