ONE NIGHT ENCOUNTER 10: Cabinet Naalipungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog si Gwen ng marinig ang kalabog mula sa labas ng kanyang kwarto. Inilibot niya ang buong paningin sa kwarto, nakapatay na ang lahat ng mga sinindihang mga kandila ng gabi, at mula sa bukas na bintana ay pumapasok na dito ang maliwanag na sikat ng araw. Nag-inat muna siya ng katayang katawan bago ito na upo sa kanyang higaan. Nang tignan niya ang oras ay agad na nanlaki ang kanyang nga mata, agad na tumalon mula sa pagkakahiga at hindi na pinansin pa ang nakakalat na kandila. Pumunta siya isang kalakihang closet at kung ano na lamang ang kanyang nakuha. Lumabas siya ng kanyang kwarto na may pagmamadali ng tanungin siya ni Eros na nagtatakang nakatingin sa kanya. "Ano ang ginagawa mo at saan ka pupunta?" Nagt

