One Night Encounter 10.2 “Bakit parang labag sa loob mo na andito kaming ngayon, Gwen?” tanong ni Cassandra sa akin na hindi inaalis ang kanyang tingin sa pinapanuod nito sa TV. “Paano mo naman na sabi ‘yan?” pagbabalik ko sa kanya nito. Kanina pa sila nanunuod dito sa salas habang kinakain ang natitirang chip ko sa kusina. Wala na ngang laman ay kinukuhaan pa din nila, minsan ay naiisip ko ay andito sila para guluhin lang ang unit ko. Mas lalo na si Cassandra na wala lang ginawa kundi ang manghalungkat ng maghalungkat ng mga gamit ko sa kusina. Muntik pa ‘kong mabuko kanina dahil nakalimutan kong hindi pa pala nahugasan ang dalawang plato at baso na ginamit namin sa pagkain kanina ni Eros. At isa din sa aking inaalala ay ang lalaki na ‘yon. Magdadalawang oras na siyang nasa loob ng c

