ONE NIGHT ENCOUNTER 11 Maraming tao sa daan na naghihintay ng masasakyan, hindi lamang mga trabahador kundi pati na din ang mga studyanteng papasok sa ekswelahan. Malalim akong napabuntong hininga bago tinignan ang mahabang traffic mula sa aking sinasakyan, kay aga-aga pa lamang pero nagkaroon agad ng aksidente malapit sa intersection ng lugar. Marami na din ang mas pinipili na lamang ang maglakad kahit na maaga pa lamang ay tirik na tirik na ang araw. “Manong, baba na po ‘ko.” Paalam ko sa driver bago lumabas ng sinasakyan na jeep. May kalayuan pa ang trabaho pero maaga pa naman kaya hindi na problema ang oras. Matyaga akong naglakad bitbit ang isang bag sa aking kanang kamay, maraming kasabayan na trabahador na humabahabol na din sa kanilang mga oras upang hindi mahuli sa kanikanilang

