ONE NIGHT ENCOUNTER 12 Papasok pa lamang ako sa loob ng department namin ng madinig ko ang malakas na pag-uusap mula sa loob. Mukhang maaga pa lamang ay meron na silang pinagchichismisa, sigurado din na bagot na bagot na si Lyca sa loob dahil wala pa ‘ko. May 10 minutes pa bago ang oras ng pasok, kanina pa ‘ko nakarating pero mas pinili ko na lamang ang kumain sa labas habang wala pang oras. Wala din naman akong makakausap doon dahil pagdating ko ay naliligo pa lamang si Lyca sa kanila. May ibang malalapit ako sa trabaho pero hindi naman sila katulad ni Lyca, madalas ay sila din ang nagiging dahilan kung bakit umaabot hanggang ibang department ang chismiss na nagmumula sa loob. “Andyan na siya!” malakas na anunsyo ng isa naming katrabaho na babae ng makita niya ‘kong papasok na sa loob.

