ONE NIGHT ENCOUNTER 12.2 Mahaba pa din ang traffic kahit alas-otso na ng gabi papasok sa lugar ko. Hindi na mawala-wala ang bagay na ito sa lugar, hindi ko malaman kung saan ba ang naggiging problema. Sa dami ba ng sasakyan o sa hindi maayos na pagmamaneho ng ibang mga driver na nagiging dahilan ng matinding traffic. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng sasakyan, hinawakan ng mahigpit ang chocolate na hawak bago ipinikit ang aking mga mata. Nanghihina ang aking tuhod magmula pa kanina kaya wala akong kahit anong lakas na tumayo at maghintay pa ng masasaktan. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Eros sa akin. Tumango lamang ako sa kanya na hindi binubuksan ang aking mga mata, “Ayos lang ako, huwag ka na mag-aalala.” Sagot ko sa kanya. Muli naman siyang natahimik. Wala ako sa m

