ONE NIGHT ENCOUNTER 13 Dilat na dilat ang aking mata habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ako makatulog ng maayos, sa tuwing isinasara ko ang aking mga mata upang pilitin na matulog ay ang mukha ni Eros ang aking nakikita—ang ekpresyon niya ng sabihin niya ang mga bagay na ‘yon sa akin. Ang aking palad na ramdam na ramdam pa din ang init ng kanyang haplos habang hawa—hawak niya ito. “Patulugin mo na ‘ko, Eros!” tili ko bago niyakap ang hotdog kong unan at doon ay tinaklop ang aking mukha. May pasok pa ‘ko ngayong umaga pero kahit isang oras na pagtulog ay hindi ko magawa-gawa. Kanina ko pa pinipilit ang sarili ko na magpahinga pero kahit anong pagod ata ang naramdaman ko buong araw ay hindi pa din rason para makatulog ako ngayon. Malapit na din tumunog ang alarm ko sa cell

